JM at Barbie, sweet na sweet!

JM at Barbie, sweet na sweet!

Ang Instagram video post na ito ni JM de Guzman (@1migueldeguzman) noong August 10 ay umani na ng more than half a million views as of press time.

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on Aug 9, 2018 at 10:39pm PDT

 

Ipinapakita sa video post na ito ni JM, na may kalakip na caption na: “Happy Monthsary Mich,' ang sweet moment niya with his Araw Gabi co-star na si Barbie Imperial habang naliligo sila sa swimming pool.

 

(Mich ang pangalan ng character ni Barbie sa Araw Gabi, habang Adrian naman ang kay JM.).

 

Hindi malinaw kung ang video post ay bahagi ng eksena nila sa Araw Gabi o kuha sa personal nilang pagliliwaliw.

Pero kitang-kita sa video ng natural closeness at chemistry ng dalawa kaya hindi nakapagtatakang nail-link na sila ngayon sa isa’t isa.

Marami rin ang naintiga sa tila panghaharana ni JM kay Barbie noong mag-celebrate ito ng birthday niya noong August 1.

 

Ang IG post na ito ni Barbie (@msbarbieimperial) noong birthday celebration niya mismo came with a caption that she lifted from the lyrics of the song 'When You Say Nothing at All."

 

November 2015 pa noong ma-comfirm ang break up ni JM with another ABS-CBN actress, Jessy Mendiola, habang July naman this year nang maging kontrobersyal si Barbie after niyang mag-post sa Instagram ng mga pictures niyang with bruises kaya inakala ng mga fans niyang ang may gawa nito ay ang boyfriend niya noon, ang GMA-7 transferee na si Paul Salas.

Kapwa single ang dalawa kaya walang masama kung matuloy ang on-screen tandem nila sa pagiging real couple off-cam.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.