JLo, engage na kay Alex Rodriguez

PHOTOS: @jlo on Instagram

PHOTOS: @jlo on Instagram

Hindi pinagdamot ni Jennifer Lopez sa kanyang 88.4 million followers sa Instagram ang pinakamasayang araw sa buhay niya ngayon. Ito ang ma-engage na siya sa kanyang current boyfriend na si Alex Rodriguez.

Naganap ang proposal ng former Yankee shortstop sa World of Dance judge noong nakaraang March 9 habang nagbabakasyon sila in the Bahamas. At pinost ni Lopez sa IG ang photo ng kanyang kamay na hawak ni Rodriguez at suot na sa ring finger ang isang malaking diamond engagement ring.

Nilagyan lang ito ni J.Lo ng caption na "♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️"

Sa IG naman ni Rodriguez, pinost niya ang same photo at nilagyan niya ito ng caption na "she said yes ♥️"

Two years na exclusively dating ang dalawa at noong malagay sila sa cover ng Vanity Fair magazine, binigyan sila ng couple nickname na J-Rod.

Isa raw sa dahilan kung bakit mabilis naging compatible sina Lopez at Rodriguez sa isa't isa ay dahil daw sa similar backgrounds nila.

"It really resembles a lot of the arc that Jennifer and I lived in our life: Both born in New York, both come from immigrant parents, both have two children, both Latino Americano — her from Puerto Rico, me from Dominican Republic. We've been through our ups and downs, but here we are in our 40s and trying to live the best lives possible and, at the same time, give back and pay it forward. Jennifer has given so much to me and my kids over the last two years. Her best quality is undoubtedly her generosity. I see it every day and my kids see it as well," sey ni Alex.

Sagot naman ni Jennifer: “Everything feels healthy and different. We bring something to each other’s lives that is profound, good and healthy.”

Pagkatapos nga ng proposal ni Alex, sinundan pa ito ng isa pang sorpresa. Sa kanyang Instagram Story, pinakita niya ang isang malaking kama na may rose petals spelling out "I ♥️ U" at sa paanan ng kama ay six long-stemmed roses. Makikita rin sa video si Jennifer na sinusundan ang trail of rose petals papasok ng kuwarto.

Nilagyan pa ni Alex ang video ng tatlong emojis: a red heart, a pair of lips and a red hot flame.

Ayon sa report ng PEOPLE: "Jennifer is ecstatic and so are their families and friends. Very few people knew Alex planned on proposing. It was very much a surprise for Jennifer. It was just how Alex wanted it. The couple’s romantic getaway to the Bahamas was very fitting. It has always been very special to them. Very early on in their relationship, they snuck away to the Bahamas to get to know each other in privacy."

Kabilang sa mga natuwa para sa engagement ng dalawa ay ang comedienne-TV host na si Ellen DeGeneres na nag-volunteer na maging wedding planner at maging maid of honor ni Lopez.

Ito ang magiging ika-apat na marriage ni Lopez. Kinasal at na-divorce si Lopez kina Ojani Noa (1997-1998), Chris Judd (2001-2003) ang Mark Anthony (2004-2014). Si Alex naman ay kinasal at na-divorce kay Cynthia Scurtis (2002-2008).

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.