Jinggoy Estrada, wish na mag-best actress si Sylvia Sanchez sa MMFF 2020

“Magaling na artista! No doubt about it. No questions...no questions about her acting ability. I hope she becomes best actress.”—Jinggoy Estrada on Sylvia Sanchez

Photos: Maverick Productions

“Magaling na artista! No doubt about it. No questions...no questions about her acting ability. I hope she becomes best actress.”—Jinggoy Estrada on Sylvia Sanchez

“It’s an honor,’” ang say ni Senator Jinggoy Estrada sa first-time pakikipag-tambalan niya sa multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez, na bagama’t matagal na niyang kaibigan ay fist time naka-trabaho sa isang full-length project.

And in fairness, may chemistry sila sa screen bilang mag-asawa na sinusubukang buuing muli ang pamilyang sinira ng tukso sa pelikulang Coming Home, na siyang entry nila  sa MMFF (Metro Manila Film Festival) this year na magsisimula na bukas, December 25.

 “Si Sylvia, matagal ko nang kilala iyon,” balik-tanaw ni Sen. Jinggoy nang saglit namin siyang ma-tsika sa special screening ng kanyang pelikula kamakailan. “Si Sylvia, napakagaling na artista pero napakalukaret.”

Mahilig daw kasing mang-playtime si Ibyang (palayaw ni Sylvia) kaya kahit drama ang pelikula nila ay no dull moment sila sa set. However, once on-cam na raw ay may sapi na ng character niya si Ibyang na sadyang nagpaka-subtle sa acting niya sa Coming Home.

Iniwasan daw talaga ni Ibyang na magpaka-hysterical real wife na naagawan ng asawa at mage-gets ng viewers kung bakit ganon ang atake niya sa dulo ng pelikula.

“Magaling na artista!” dagdag papuri ni Jinggoy kay Ibyang. “No doubt about it. No questions...no questions about her acting ability. I hope she becomes best actress.”

Bukod sa best actress for Sylvia, wala na raw ibang hiling si Jinggoy kundi ay sana ay mapansin ang ganda ng kanilang pelikula. Wala na raw sa aim niya ang mapasali pa sa mga awards-awards.

“Ako, hindi ko naman iniisip... Bonus na lang ’yon kung saka-sakali,” sey ni Jinggoy.“Basta ako, sana... ma-acknowledge iyong ganda ng pelikula. Kahit first, second, third best picture. Masaya na kami roon.”

Ang Coming Home at ang siyam na iba pang kalahok sa MMFF 2020 virtual edition ay mapapanood na simula bukas sa Upstream. However, p’wede nang magpa-reserve ng tickets ngayon palang.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Morissette answers netizen who said engagement with Dave Lamar is a "wrong decision"

Julie Anne San Jose, balik-teleserye after two years

Covid-19 survivors Tom Hanks and wife and Rita Wilson are awaiting their turn to receive the vaccine

Matapos makulong dahil sa sumbong na “attempted rape,” Xander Ford, ginigiit pa ring wala siyang ginawang masama sa ex

Wish ng trans Pinay actress na si Francine Garcia, magka-BL series para sa mga trans at hindi lang para sa mga “pa-mhin” 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.