Jinggoy Estrada, ipinasilip ang future libingan ng amang si Erap sa Tanay

SCREENSHOT: JINGFLIX PH on YouTube

SCREENSHOT: JINGFLIX PH on YouTube

Ipinakita ng aktor at dating senador na si Jinggoy Estrada ang museum na ipinatayo ng kanyang ama, ang dating aktor at presidente na si Joseph “Erap” Estrada.

Ito naging content ng latest vlog entry ni Jinggoy na in-upload kahapon, October 18, sa kanyang one-month-old na YouTube channel na tinawag niyang JINGFLIX PH.

Ang Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives–o Erap Museum in short– ay isa sa mga gusali sa loob ng Tanay Rizal estate ng mga Ejercito, kung saan naroon din ang rest house na nagsilbing kulungan ng dating pangulo nang sampahan at mahatulan ito ng kasong plunder noong 2007.

Pag pasok pa lang sa museum, bubungad na ang isang bronze statue ni Erap na ipinagmalaki din Jinggoy na kamukhang-kamukha daw ng daddy n'ya.  

Una namang ipinakita ng aktor ang isang room na dedicated sa pamilya ng kanyang tatay. Dito nakalagay ang mga larawan nina Erap at ng kanyang magulang at mga kapatid. 

S'yempre, hindi rin mawawala ang room na puno ng mga memorabilya tungkol sa kanyang naging buhay artista mula 1957 hangang 1989. 

Kwento pa ni Jinggoy, aabot daw sa humigit-kumulang 200 na pelikula ang nagawa noon ng kanyang ama. Nasa 70 films din daw ang na-produce nito under Emar Productions and JE Productions. 

Naroon din ang mga awards na tinanggap ni Erap sa kanyang pag-aartista. 

Katunayan pa daw, si Erap ang kauna-unahang artista na na-elevate sa hall of fame as best actor ng FAMAS.

"Natatandaan ko, kinuk'wento sa akin ng aking ama,  noong araw, tatlo-tatlo ang pelikula n'ya [sa isang taon]," pagbabalik-tanaw ni Jinggoy. 

"Lagari. Sumasakay daw s'ya sa bus dala-dala n'ya 'yong kanyang mga costume. Wala pa s'yang sasakyan noong araw kaya pumipila pa s'ya pagdating ng oras ng kainan. 

"Siguro, it paid off. Naging superstar, naging best actor, best producer... Lahat na siguro ng awards bilang isang artista makuha na ng aking ama," pagbibida pa n'ya. 

Naka-display din ang mga gamit, pictures at mga damit ni Erap mula nang pasukin n'ya ang mundo ng politika, mula sa pagiging mayor ng San Juan, senador, vice president, at president ng bansa. 

Naroon din ang mesa at upuan na ginamit ni Erap nang maging pangulo s'ya ng Pilipinas. 

Naupo pa dito si Jinggoy at sandaling ginaya kung paano magsalita ang kanyang ama. 

"Hindi ako bagay dito," natatawang komento n'ya sa sarili. 

Ipinasilip din ng aktor ang silid kung saan naman naka-display ang ilang larawan noong nakulong si Erap matapos itong mapatalsik sa Malacañang through EDSA People Power II noong 2001. 

At sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita din ni Jinggoy sa kanyang vlog ang ipinagawa daw na libingan ni Erap sa labas mismo ng museum. 

"Nu'ng nakita ko 'to tinanong ko, 'Bakit ka nagpatayo nito? Buhay na buhay ka pa, Dad...' aniya.

"Kung saka-sakali daw na may mangyari sa kanya, gusto n'ya dito daw s'ya [ilibing]," paliwanag daw niyo sa kanya. 

"Alam mo kung bakit dito n'ya napili? Alam mo nu'ng nakulong s'ya dito, ito 'yong kanyang paboritong lugar. Itong batong 'to na parang silya," paliwanag n'ya tungkol sa malaking bato sa di kalayuan.

"Dito s'ya palaging umuupo. Dito s'ya nagmi-meditate. Dito s'ya nagdadasal," pagtatapos ni Jinggoy. 

PANOORIN ang kabuuan ng museum tour ni former senator Jinggoy Estrada dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.