Jhong Hilario, nagtapos bilang magna cum laude sa kursong Political Science

Mensahe ni Jhong Hilario sa mga gaya n’yang may edad na pero gusto pa ring makatapos ng pag-aaral: “Kahit late na katulad ko,meron talagang pagkakataon, meron talagang paraan na gawin ito kahit busy tayo. Time management lang. For me, napakaiksi ng buhay para walang gawin, e.”

PHOTO: @JhongH1lario on Facebook

Mensahe ni Jhong Hilario sa mga gaya n’yang may edad na pero gusto pa ring makatapos ng pag-aaral: “Kahit late na katulad ko,meron talagang pagkakataon, meron talagang paraan na gawin ito kahit busy tayo. Time management lang. For me, napakaiksi ng buhay para walang gawin, e.”

Source of inspiration ngayon ang actor-public servant na si Jhong Hilario.

Sa kabila kasi ng pagiging busy n’ya bilang padre de pamilya, pagiging isa sa hosts ng noontime show na It’s Showtime, at pagiging city councilor ng Makati ay nagawa n’yang tuparin ang pangako n’ya sa kanyang magulang—ang makatapos sa pag-aaral.

Kahapon, June 14, proud na nagtapos si Jhong sa kursong Political Science from Arellano University. At hindi lang s’ya basta grumadweyt kundi with flying colors pa as magna cum laude!

Hindi nga naitago ng aktor and councilor ang saya na nagpa-sample pa ng kanyang dance moves onstage nang matanggap n’ya ang kanyang diploma during the ceremony na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. 

Ito ’yong bayad ko sa mga utang ko sa magulang ko,” masayang lahad ni Jhong sa interview sa kanya ni ABS-CBN reporter Ganiel Krishnan na ipinalabas kagabi sa TV Patrol.

Lahat ng parents gustong makatapos ng pag-aaral ang anak nila. And lahat ginagawa nila, nagtatrabaho sila nang marangal para makapagpaaral ng mga anak. And ito na ’yon,” dagdag pa n’ya.

Happy s’ya na nasaksihan ng mga magulang n’ya ang kanyang pagtatapos kahit na kung tutuusin ay delayed na s’ya ng ilang taon. 

Kahit na late na at the age of 46, at least, buhay pa ang mga parents ko,” sabi n’ya.

Nag-iwan din ng encouraging words ang fresh graduate para sa mga may edad na gaya n’ya pero gusto pa ring tapusin ang kanilang pag-aaral.

Kahit late na katulad ko, meron talagang pagkakataon, meron talagang paraan na gawin ito kahit busy tayo. Time management lang. For me, napakaiksi ng buhay para walang gawin, e,” pagtatapos ni Jhong. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Jhong Hilario, Danilo Barrios, and other Streetboys members stand by their colleague Vhong Navarro; advocate call for #JusticeforVhong

Jhong Hilario on being a father: “[A]ng talagang magpapakumpleto sa buhay ko ay maging tatay.”

Pika's Pick: Jhong Hilario gives laughs by posting a photo of his "first life" with former presidents Manuel L. Quezon and Sergio Osmeña, Sr.

Jhong Hilario, nag-e-MRT pa rin!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.