Jhong Hilario, nag-e-MRT pa rin!

Jhong Hilario has a very humble beginning. Nagsimula siya as dancer noong early 90s na later ay naging choreographer pa. Aksidente siyang naging actor sa pelikula nang namayapang Marilou Diaz-Abaya nang hindi pumuwede ang co-dancer niyang si Spencer Reyes. Nang mag-guest naman siya minsan bilang hurado sa isa sa mga pa-kontes ng It’s Showtime ay naswertihang maging regular na siya sa show. And just last May elections, nanalo nga siyang konsehal ng Makati City.

Photos: @jhonghilario

Jhong Hilario has a very humble beginning. Nagsimula siya as dancer noong early 90s na later ay naging choreographer pa. Aksidente siyang naging actor sa pelikula nang namayapang Marilou Diaz-Abaya nang hindi pumuwede ang co-dancer niyang si Spencer Reyes. Nang mag-guest naman siya minsan bilang hurado sa isa sa mga pa-kontes ng It’s Showtime ay naswertihang maging regular na siya sa show. And just last May elections, nanalo nga siyang konsehal ng Makati City.

Earlier this year, dinokyument ni It’s Showtime host Jhong Hilario ang pakikipag-siksikan niya sa MRT (Metro Rail Transit) para maka-iwas sa traffic at maka-abot sa studio ng ABS-CBN on time mula Makati, kung saan nagre-report muna siya sa city hall sa umaga bilang Makati first district councilor.

Sa 10th anniversary press conference ng It’s Showtime kamakailan sa ABS-CBN, natanong ang former Streetboys dancer kung MRT commuter pa rin ba siya up to now at kung okay lang ba sa kanya ’yon given his stature now as TV host/actor-turned-public servant.

Wala naman daw problema sa kanya ’yon lalo’t gahol nga sa oras.

“Kasi ako naman nagsimula ako sa showbiz talaga namang nako-commute lang naman ako,” lahad ni Jhong. “Bus lang ang sinasakyan ko papuntang rehearsal [ng Streetboys]. So, hindi naman mahirap sa akin ’yog mag-MRT.

Wala rin daw kaso kung madalas din siyang mahingan ng request na makipag-selfie ng mga madlang pipol.

“Hindi naman ako pinagkakaguluhan,” nahihiyang sabi ni Jhong. “Kumbaga may nagpapa-picture pero s’yempre ako, bilang hindi naman ako nangarap nang ganito, tsine-cherish ko ’yon, e. Kasi sabi ko, balang araw, e malalaos din ako, hahanap-hanapin ko ’yong mga nagpapa-pictyure na yan...kaya pag may magpapa-picture, go lang nang go.”

Ang tinutukoy ni Jhong ay ang humble beginning na niya as a dancer noong early 90s na later ay naging choreographer pa. Aksidente siyang naging actor sa pelikula nang namayapang Marilou Diaz-Abaya nang hindi pumuwede ang co-dancer niyang si Spencer Reyes. Nang mag-guest naman siya minsan bilang hurado sa isa sa mga pa-kontes ng It’s Showtime ay naswertihang maging regular na siya sa show. And just last May elections, nanalo nga siyang konsehal ng Makati City.

Pero kahit nagbibilang na ng achievements si Jhong, mananatili daw siyang down-to-earth dahil ni hindi raw niya pinangarap alinman sa mga narating niya at alam niyang maraming nangangarap makamit ang posisyon niya sa buhay pero hindi napagbibigyan. Kaya never daw siyang magmamataas dahil alam niya ang feeling ng nasa baba.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.