Jhassy Busran, unaffected kahit ang anak na nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta ang ka-loveteam ng ka-JhasDrick tandem niyang si John Heindrick Sitjar

Ani Jhassy Busran, wala raw siyang nararamdamang selos sa bagong ka-partner ni John Heindrick Sitjar na si Bo Bautista. “Tight pa rin po kami ni Heindrick. Wala naman pong nagbago sa amin. We’re still the best of friends. Suportado namin ang isa’t-isa. We have each other’s back whatever happens,” aniya.

Photos: Instagram

Ani Jhassy Busran, wala raw siyang nararamdamang selos sa bagong ka-partner ni John Heindrick Sitjar na si Bo Bautista. “Tight pa rin po kami ni Heindrick. Wala naman pong nagbago sa amin. We’re still the best of friends. Suportado namin ang isa’t-isa. We have each other’s back whatever happens,” aniya.

Sa kanyang edad na 16, hindi na matatawaran ang achievements ng baguhang aktes na si Jhassy Busran.

Katunayan noong  2021, nanalo na siya ng tatlong international acting awards: bilang Best Performer (Short Film category) sa International Film Festival Manhattan sa New York, Best Child Actress sa Gully International Film Festival at Ashoka International Film Festival na parehong sa India. Lahat ng ito ay para sa kanyang pagganap sa indie movie na Pugon, kung saan naging kabituin niya ang two-time Urian awardee na si Soliman Cruz.

Ito rin ang naging pasaporte para parangalan siya sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA).

On a lighter note, nakilala rin si Jhassy sa tandem nila ng matinee idol na si John Heindrick Sitjar. Nagkaroon sila ng following nang mabuo ang kinakikiligang love team na JhasDrick na napanood noon sa FB seryeng Roommate.

Nagkasama rin sila sa romantic movie na Home I Found In You na idinirehe ng acclaimed filmmaker na si Gabby Ramos.

Ngayon, isa na si John Heindrick sa mga talents ng NET25's Star Center kung saan itinatambal siya sa newbie na si Bo Bautista (anak ni Harlene Bautista at Romnick Sarmenta).

Ayon sa bida ng Unspoken Letters, masaya raw siya para kay John Heindrick sa career decision nito.

“Actually, kami naman po ni Heindrick, napag-usapan na po namin iyon. Darating naman po talaga iyong panahon na mag-e-explore kami o puwede kaming i-partner sa iba. Pero sa amin naman po, ano man po iyong career decision namin, suportado namin ang isa’t-isa,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, wala rin daw siyang selos na nararamdaman sa ka-partner ni Heindrick na si Bo.

“Tight pa rin po kami ni  Heindrick. Wala naman pong nagbago sa amin. We’re still the best of friends. Suportado namin ang isa’t-isa. We have each other’s back whatever happens,” aniya.

Sey pa niya, hindi pa rin daw niya name-meet nang personal si Bo.

“Naririnig ko na po siya pero hindi pa po kami nagkaroon ng chance na magkakilala,” ani Jhassy. 

Nilinaw din niya na hindi pa buwag ang tambalan nilang JhasDrick ni Heindrick.

“P'wede pa rin po kaming gumawa ng project as a love team. May kasunduan po kami na come what may, patuloy ang suporta namin sa isa’t-isa,” sey niya.

Samantala, thankful din si Jhassy dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang versatility sa  pelikulang Unspoken Letters, kung saan ginagampanan niya ang papel ni Felipa, isang 17-year old girl na may autism spectrum disorder (ASD).

“It’s my most challenging role po kasi more than the emotional, kailangan din pong aralin ang mannerisms ng isang autistic person na hindi po pilit kundi magmumukha pong natural,” saad niya.   

Nag-research po talaga ako for my role. Nag-observe po ako ng mga taong may ganoon pong intellectual disorder at iyon po ang naging peg ko sa aking role,” lahad pa niya.

Hirit pa niya, marami rin daw siyang natutunan sa kanyang role bilang batang may ASD.

“Mas naging aware po ako sa kalagayan nila. Mas naging compassionate po ako sa plight nila kaya may sinusuportahan din po kaming adbokasya para sa kanila,” esplika niya.

Masaya rin siya na napasama siya sa isang uplifiting drama na tulad ng Unspoken Letters.

“Marami po tayong aral na mapupulot sa movie, lalo na po ang importansya po ng pamilya, ng love, caring and forgiveness sa isang family,” pagtatapos niya.  

Mula sa produksyon ng Utmost Creatives at sa direksyon nina Gat Alaman at Paolo Bertola, ang nabanggit na family drama ay palabas na sa mga sinehan simula sa Disyembre 13.

Tampok din sa nasabing pelikula sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Gladys Reyes, Matet de Leon, at Simon Ibarra. Nasa supporting cast naman sina Deborah Sun, Orlando Sol, John Hendrick, Kristine Samson, MJ Manuel, at Daria Ramirez.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.