Jessy, mas pinili muna ang puso kesa career

PHOTOS: Anna Pingol & @luckymanzano

PHOTOS: Anna Pingol & @luckymanzano

Sa dalawang taong relasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ay two years ding nanamlay ang career ng dalaga. At aminado ang star ng The Girl in the Orange Dress na malaki ang kinalaman ng pakikipagrelasyon niya kay Luis dito.  

 

Bukod sa kabi-kabilang bashing na natatanggap niya sa social media ay dumalang na rin ang offers kay Jessy na panandaliang nagbalik-TV recently sa FPJ’s Ang Probinsyano. Huli pa siyang lumabas sa You’re My Home ng ABS-CBN noong 2016, the same year she was hailed as the sexiest woman in the Philippines by FHM Philippines; at sa sexy movie’ng Extra Service noong 2017.

 

Aminado siyang ikinalungkot niya nang husto ang mga pangyayari. Tila naging love versus career kasi ang naging estado ng buhay niya. At maging si Luis diumano ay nakuhang sisihin ang sarili dahil sa mga nangyari sa kanya.

 

Pero nalampasan na raw ni Jessy ang malungkot na stage na yon. At this point, mas pinipili nalang niya palaging magpaka-positive, isang bagay na natutunan din niya kay Luis, na napaka-liwanag daw ng disposisyon sa buhay.

 

Ani Jessy: “Everything happens for a reason and naniniwala ako na eto’ng moment na pinili ko ang puso ko, for once in my life, may ginawa akong desisyon na pakiramdam ko para sa sarili ko.”

 

Here’s Jessy explaining why Luis is all worth it:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:


Jessy Mendiola’s hair transformations are a major mood

This is why Luis and Jessy are couple goals

Arjo Atayde and Jessy Mendiola talk about their reaction to bashers online

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.