Jessa Zaragoza, boto kay Darren Espanto na maging boyfriend ng daughter niyang si Jayda

PHOTOS: @jessazaragoza & @jayda on Instagram

PHOTOS: @jessazaragoza & @jayda on Instagram

Boto daw ang singer-actress na si Jessa Zaragoza kay Kapamilya singer Darren Espanto kung ito ang magiging nobyo ng unica hija nila ni Dingdong Avanzado na si Jayda.

Napaamin ang tinaguriang “Phenomenal Diva” nang mag-guest s’ya sa vlog ng kaibigang si Vina Morales na in-upload kahapon, March 9, sa YouTube.

Matagal nang magkaibigan ang kapwa singers na sina Jessa at Vina na nagkasama pa decades ago sa That’s Entertainment

Sa nasabing video, sumalang si Jessa sa lie detector challenge kung saan tinanong s’ya ni Vina ng ilang personal questions. At para mas nakakaaliw, gumamit sila ng lie detector toy na recommended daw ng kumare nilang si Aiko Melendez para malaman kung sinasagot ba n'ya nang totoo ang mga tanong.

Buwena manong tanong ni Vina sa kanya ay kung nagkaroon ba ng time naghiwalay sila ng singer-songwriter n'yang mister na si Dingdong in their 20 years of marriage.

Wala,” sagot ni Jessa na nagsasabi naman daw nang totoo ayon sa lie detector toy. 

Paliwanag n’ya, normal lang na nagkakatampuhan  sila ni Dingdong pero hindi naman daw nila ‘yon pinatatagal.

Pag meron kaming tampuhan, nagkakabati rin kami…” aniya. “Sa akin, hindi na dapat pinapatagal ‘yon kasi mahal mo naman ‘yong tao, e. Bakit mo pa patatagalin? ‘Di ba? Kung kailangan mag-sorry o kahit hindi kailangang ikaw ‘yong unang mag-sorry, relationship n’yo ‘yong nandu’n, e.

Sunod pang itinanong kay Jessa ay kung selosa ba s’ya at natatawa niyang sinagot ito ng: “Oo. Kahit sa mga kaibigan [ni Dingdong]. May pagka-possessive ako. Matampuhin.

According to the lie detector toy ay nagsasabi naman daw si Jessa nang totoo.

At napasok na nga sa usapan ang dalagitang anak n’yang si Jayda who is turning 18 this coming June. 

Ikaw ba matatanggap mo na kung magkaka-boyfriend s’ya [si Jayda]? Yes or no?” tanong ni Vina.

Approve naman daw sa celebrity mom na magka-nobyo na ang singer n’yang anak lalo pa’t matured na din daw itong mag-isip. 

Oo, matatanggap ko na,” sey ni Jessa. “At saka mag-e-eighteen [years old] na s’ya. P’wede na. At saka matured na ang isip [ni Jayda].”

Naging tapat naman daw si Jessa sa kanyang sinabi ayon pa sa lie detector toy. 

Basta boyfriend lang, a. ‘Wag asawa ha,” natatawang banta pa n’ya. 

Hanggang sa naisingit na nga sa topic nila ang Kapamilya singer na si Darren Espanto na kilalang malapit sa kanyang unica hija. 

Matatandaan pa na inamin ni Darren noong 2019 sa Tonight with Boy Abunda na liligawan n’ya si Jayda kapag nasa tamang edad na sila. 

Boto ka ba kay Darren?” pag-uusisa sa kanya ni Vina.

Na ano?” balik n’yang tanong sa kaibigan. 

Na maging boyfriend [ni Jayda]?” saad naman ni Vina. 

“Friends lang sila,” komento n’ya.

Pero kung maging boyfriend, boto ka? Yes or no?” muling pangungulit ni Vina sa kanya. 

Sagot ni Jessa, “Kung magustuhan n’ya si Darren, e di okey.

Ayon pa kay Vina, bagay daw sina Darren at Jayda dahil parehong passion nila ang music at ang pagpe-perform. 

“Actually, magagaling silang kumanta pareho kaya maganda silang panoorin onstage,” dagdag pa ng singer-vlogger.

Katunayan, nag-release pa ng single ang dalawa entitled “Sana Tayo Na” under ABS-CBN Star Music na as of this writing ay meron nang mahigit 1.4 million views. 

Sobrang close ‘yong dalawa,” salo naman ni Jessa. “Kahit hindi sila madalas nag-uusap, alam ko malalim ‘yong samahan nila. At nire-respeto nila ang isa’t isa.

Ang ganda ng song nila together. At ang combination na magagaling kumanta, magagaling sumayaw... Very talented sila,” papuri pa ni Vina sa dalawang young artists. 

“So, boto naman pala s’ya [si Jessa kay Darren],” pahabol na komento ni Vina sa ginawang pag-amin ni Jessa.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado’s talented unica hija, Jayda, turns 17 and they gave her a surprise treat!

Pika's Pick: Jessa Zaragoza “stealing the limelight” in daughter Jayda’s TikTok moment is delightfully hilarious

Pika's Pick: Ara Mina greets friend through the years Jessa Zaragoza on her birthday by posting a cute throwback photo them together

Darren Espanto is Jayda Avanzado’s special guest during her surprise birthday party

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.