Jericho, hindi pa ready maging tatay ulit

PHOTOS: Anna Pingol & @jerichorosales

PHOTOS: Anna Pingol & @jerichorosales

Apat na taon nang kasal ang The Girl in the Orange Dress leading man na si Jericho Rosales sa Filipino-British fashion influencer na si Kim Jones at 18-years old na rin ang anak niya sa former partner niyang si Kai Palomares na si Santino, pero ayon kay Jericho—fondly called Echo in showbiz—ay hindi pa raw siya ready na maging tatay ulit sa isang bagong bata.

 

“Kasi kulang nga ako sa time sa asawa ko, kulang ako ng time sa anak ko (Santino)…ano pa ibibigay ko sa bagong bata?” pagri-reason out ni Echo.

 

Mutual decision naman daw nilang mag-asawa ’yon lalo pa’t gaya niya na hataw pa rin ang TV at movie projects, ay kasagsagan din naman ng career ni Kim bilang sikat na fashion blogger.

 

Dagdag pa niya: “I think it’s just fair na kapag nakakuha ako ng break, spend it  with my wife and my son Santino, and family and myself.”

 

Here’s a snippet of Jericho’s interview:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:


Kim Jones denies pregnancy rumors


Jericho Rosales is working on a new film with directors Paul Soriano and Lav Diaz
 

Jericho, pagod nang mag-teleserye. “I have to breathe new life into this career.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.