Umamin ang aktor na si Jerald Napoles sa girlfriend niyang si Kim Molina na nagawa na n’yang mag-cheat sa isang relasyon noon.
Ito ay matapos s’yang deretsahang tinanong ni Kim tungkol dito. Ang no-holds-barred tanungan ay naganap sa sa first-ever episode ng podcast nilang The Comfort Room.
Cheating kasi ang naging first topic ng magkasintahan kaya natanong ni Kim si Je kung may experience na ba s’ya sa pagloloko.
“Ikaw ba, have you ever cheated before?” bato ng comedienne-singer sa kanyang nobyo.
Game naman itong sinagot ni Je by saying: “I have... to be honest here. Wow! Disclaimer? Hahaha! Pag may disclaimer, pormal. Hahaha!
“Oo. Aaminin ko,” sagot ni Je.
Na-intriga naman si Kim niratsada niya ng mga follow up questions ang dyowa.
“Ano ginawa mo?
“Paano ka nag-cheat sa kanya?
“Ako ba ’to? Hindi naman ako ito, ’no?
“Gusto mo ’yong ang casual lang. ‘Ako ba ’to?’”
“Hindi ikaw,” pagtitiyak ni Je kay Kim.
“Oo dati lalo na pag binata ka, kapusukan mo… I’m not saying I’m making excuses. I’m not patronizing cheating or whatever,” kambiyo ni Je. “This is based on my honest opinion, at ako po ay honest na, oo, ginawa ko.”
Paliwanag pa n’ya, noong mga panahon daw kasing ’yon ay hindi pa s’ya marunong makipag-usap sa karelasyon kung paano ba aayusin ang problema nila.
“Kasi nu’ng bata ako, I think mas… Dahil bata ako, in general, or baka ako lang ’to... na mas less confrontational [ako]. Sometimes, maybe may problema na [sa relasyon at ayaw pag-usapan],” lahad n’ya.
“At saka bata... ’Yong, ‘Ah, nandito na ’tong oportunidad na ’to. Hindi naman n’ya malalaman.’ Alam mo ’yong may ganu’n ka? And you wanna experience things in your life.”
Natuwa naman si Jerald na bukas sila ni Kim na pag-usapan ang mga ganitong bagay dahil alam daw nilang maselan ito para ibang magkarelasyon.
“I bet, there are… I don’t know kung gaano kalaking porsyento ng mga napag-usapan o natanong nang ganu’n lang,” ani Je.
“May takot kasi,” sagot naman ni Kim.
Inihalimbawa pa ni Kim ang mga naging usapan nila ng mga kaibigan n’yang girls tungkol sa cheating.
“Kasi, ’Be, gusto ko lang din i-share sa’yo, ’no. Ewan ko, pero most of my friends when we talk about it, mga experience nila, sometimes meron silang sinasabi na, ‘Bakit hindi n’yo pinag-uusapan?’ Tapos ang sasabihin ng friends ko, ‘Ayoko kasing itanong kasi feeling ko gagawin n’ya sa’kin,’” pagbabahagi ng Viva actress.
“Ay ang ganda! May ganu’n? P’wede…” reak naman ni Je sa mga inilahad ng kanyang nobya.
Pag-amin pa ni Kim, ganu’n din daw s’ya mag-isip dati.
“May ganu’n ang babae na feeling nila… ’yong ibang friends ko, ah. I’m not saying everyone kasi ako honestly meron akong takot. May takot din ako nu’ng umpisa,” pagpapatuloy n’ya.
“Pero ’yong ibang friends ko ayaw nilang tanungin kung nag-cheat ba ’yong d’yowa nila dati or nagkaroon ng experience na ganito. Kasi papasok sa utak nila na gagawin ’yon sa kanila.”
For her part, na-overcome naman daw n’ya ang mga duda moments at mas malawak na daw ang kanyang pang-unawa ngayon.
“Pero ako, ang sinasabi ko lang du’n sa friends ko, sometimes it’s not really like that. Sometimes it’s different phases of the guy, of his personality. That’s what I think. Correct me if I’m wrong. And sometimes we learn from the things we did before so it’s not necessarily gagawin din ’yon ng lalaki sa’yo,” pagtatapos n’ya.
Bahagi lamang iyan nang mainit na talakayan ng real-life KimJe couple sa kanilang The Comfort Room podcast na nag-pilot episode na ngayong araw, June 9, sa Spotify at Apple Podcasts.
Weekly na silang mapapakinggan, every Thursday, at tatalakayin nila ang mga issues na kinakaharap ng mga modern couples na kagaya nila in their trademark comic and candid KimJe way.
YOU MAY ALSO LIKE:
Kim Molina at Jerald Napoles, walang keber sa overexposure; “porn” na nga daw kasunod na project?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber