Jerald Napoles, nag-init ang pwet sa impromptu’ng pa-fast talk ng nobyang si Kim Molina

SCREENSHOT: KimJe TV on YouTube

SCREENSHOT: KimJe TV on YouTube

Nabigla ang comedic actor na si Jerald Napoles nang isalang s'ya ng girlfriend n'yang si Kim Molina sa isang "fast talk" session na ang mga katanungan ay may kinalaman sa kanilang relasyon mismo.

Sa vlog entry na in-upload nila last May 7, inakala ni Je [palayaw ni Jerald] nu’ng umpisa na gagawa sila ng usual content ni Kim tungkol sa tiwala at loyalty sa isang relasyon. 

Pag-i-intro ni Kim sa video: “Dahil marami naman sa inyo ang nagtatanong kung paano nagwo-work ang aming relationship ni Jerald bilang dalawang artista at marami kaming ginagawang pelikula na hindi kami magkasama lagi...At may mga intimate scenes na hindi lang kaming dalawa ang humahalik at yumapayakap sa isa’t isa…”

‘Yon ang mahirap sa artista, e,” salo ni Jerald sa sinabi ng kanyang nobya. “Personal mong buhay ‘yon na, I bet, para sa mga nanonood sa atin, you would want that privacy na kayo lang ‘yong gumagawa nu’n pag kayong dalawa [lang].”

Parte nga kasi ng trabaho nila sa showbiz ang maipartner sila sa ibang artista at minsan ay merong mga eksena sa mga proyekto nila na nangangailangan ng mga holding hands, kissing scenes, at minsan pa ay bed scenes. 

“To be honest, I’m very particular with touch,” pag-amin ni Kim sa video. “And when I did my MOMOL Nights before I had a conversation with Jerald kung okey lang sa kanya, kung ano ang mga boundaries n’ya and all that.”

(MOMOL Nights ia a sexy-comedy film na pinagbidahan ni Kim noong 2019 kung saan nakatambal n’ya si Kit Thompson.)

Kung si Jerald naman ang gagawa nu’n mahihirapan ako,” pagpapatuloy ni Kim. “I was doing MOMOL Nights, iniisip ko, ‘Pa’no kung bumaliktad ang panahon? Paano kung dumating ang panahon si Jerald naman ang gagawa ng sex comedy [film]? Hindi ko inasahan na in two years ay kailangan na namin ‘yon pag-usapan.

Isa kasi si Je sa dalawang leading men ng upcoming sexy-comedy movie na Kaka, kung saan ka-partner n’ya ang new actress at tinaguriang “Braless Goddess” na si Sunshine Guimary. Si Ion Perez naman ang isa pa.

At dahil kakatapos lang i-shoot ng pelikula, nag-decide si Kim na i-fast talk si Jerald para malaman kung nayanig ba ang loyalty nito sa pitong taon nilang relasyon habang magkalayo sila noon.

Nabigla naman si Jerald sa paandar ni Kim. 

Ang first set of questions ni Kim ay may kinalaman sa kanilang dalawa at kani-kanilang pamilya.  

Kim: Pinakagusto mong ugali ko? 
Jerald: Sweetness

Kim: Kailan ako pinakamaganda? 
Jerald: Lagi.

Kim: Kailan ako pangit? 
Jerald: Never.

Kim: Nauumay ka na ba sa akin? 
Jerald: Hindi.

Kim: Takot ka ba sa magulang ko? 
Jerald: Oo.

Kim: Kanino ka mas takot, sa mommy o sa daddy ko? 
Jerald: Sa tatay mo.

Kim: Kanino ka mas takot, sa nanay ko o sa mommy mo? 
Jerald: Both.

Dumako rin ang mga tanong ni Kim tungkol sa mga pelikulang nagawa nila ni Jerald at sa bagong movie nitong Kaka.

Kim: Ready ka na bang pag-usapan ang latest movie mo with me? 
Jerald: Hindi.

Kim: Jowable o Kaka? 
Jerald: [Medyo napaisip] Jowable.

Kim: Ba’t ang tagal mong sagutin? 
Jerald: S’yempre, Jowable.

(Ang #Jowable ay ang hit comedy film na pinagbidahan ni Kim noong 2019).

Kim: Sexiest part of Sunshine Guimary’s body? 
Jerald: Wala akong masabi kasi nasa ‘yo na lahat ng sexiest part.

Kim: Bakit iba ‘yong sagot mo sa presscon [tungkol sa sexiest part ng katawan ni Sunshine]?
Jerald: Ang hirap kasi wala si Ion [Perez] doon, e.

Kim: Please explain. Ano ‘yong likod na sinasabi mong sexiest part ng body ni Sunshine?
Jerald: ‘Yong spinal column.

Kim: ‘Yong spinal column lang? Hindi ‘yong puwet?  
Jerald: Hindi. ‘Yong pwet mo sapat na, e.

Kim: Sexiest part of my body?  
Jerald: Your brain.

Kim: My brain lang? 
Jerald: S’yempre, lahat.

Kim: Rate from 1 to 10, gaano ka-steamy ang sex scenes n’yo na ginawa ni Sunshine?
Jerald: Seven.

Kim: Oo o hindi, nakaramdam ka ba ng ibang intense feeling habang ginagawa mo ‘yon? 
Jerald: Takot. Totoo, alam mo ‘yan, Kim. Bago pa mangyari ‘yong eksena namin meron na tayong ilang pag-uusap.

Kim: Kung ikukumpara mo ang ginawa kong pelikula na MOMOL Nights sa Kaka, alin sa dalawa ang mas malala ang bed scene?
Jerald: Kayo [sa MOMOL Nights].

Kim: Bakit ako? Hindi ako.
Jerald: Sabihin ko pa kung paano in-edit ang pelikula?

Kim: Gagawa ka pa ba ng sexy film ulit? 
Jerald: Hindi na. Hahaha! Comedy na lang.

Kim: Paano kung sexy [film] tapos kasama ako? 
Jerald: Oo.

Kim: Game ka? 
Jerald: Oo.

Kim: All out? 
Jerald: Gusto mo ngayon na, e. Naka-record naman tayo. Mag-all out na tayo ngayon dito. Ewan ko na lang kung hindi mag-viral ‘to.

At muling nauwi sa personal questions ang mga tanong ni Kim para sa nobyong si Jerald.

Kim: Sex o fried chicken? 
Jerald: Fried Chicken.

Kim: Totoo? 
Jerald: Patay-gutom ako, e.

Kim: Best time for sex? 
Jerald: Anytime. 

Kim: Lights on or off? 
Jerald: Any lights.

Kim: Nagsisisi ka bang ako ang d’yowa mo? 
Jerald: Hindi.

Kim: May pagkakataon bang natukso ka sa ibang babae maliban sa akin? 
Jerald: Dati.

Kim: Kailan ka huling nagsinungaling sa akin? 
Jerald: Nu’ng isang araw. Sabi ko hindi ako umutot. Pero naamoy mo, e. Akala ko hindi gagapang, e.

Kim: Gaano mo ako kamahal? 
Jerald: Ikaw na ang makakapagsabi n’yan. Para sa kanila, para sa impormasyon ng mga tao… Siguro maraming lalaking makaka-relate sa akin na hindi talaga ako ‘yong, ‘Alam mo, ikaw ang pinakamamahal ko.’ ‘Yong sasabihin ko lahat para lang ma-please ka? Pag ako um-effort, makukumpara mo ako sa mga ex mo. Ganu’n ako kung um-effort.

Kim: Kumusta ka ngayon pagkatapos ng fast talk? 
Jerald: Parang nagka-almuranas ako. Uminit kasi ‘yong p’wet ko. Hahahaha!

Sey pa ni Kim, sa mabilisang tanong at pagsagot daw kasi nalalaman kung nagsasabi ba nang totoo o hindi ang isang tao. 

Paliwanag pa n’ya sa salitang tiwala, “Nasa sa inyo na lang din ‘yon, e. It’s really a choice. Lalo na kapag nag-decide kayong dalawa na magd’yowa na you want to make things work for the both of you kung anuman ang inyong trabaho. Kami kasi artista kami. Mas complicated ang mga [bagay].”

“At mas prone pati tayo [sa tukso],” hirit naman ni Jerald.

Mas prone talaga,” pag-sang-ayon n’ya. “Maraming hindi nakakapag-survive. Mahirap ang pagdadaanan bago maging sobrang solid. At the end of the day, [ang kailangan ay] komunikasyon at tiwala sa iyong partner.”

Lahad naman ni Jerald, ginagawa lang daw nila kung ano ang nasa script dahil parte ‘yon ng kanilang trabaho bilang mga artista. 

“And hindi naman ako magbubuhat ng bangko but the production mismo at ‘yong naka-partner ko sa pelikula, they were telling that I was professional. And I only did what I need to do,” saad n’ya.

Muling paglilinaw pa ni Kim, maayos daw sila ni Jerald at normal na interrogation lang daw ng magkasintahan ang ginawa nila. 

Binati rin ni Kim sina Sunshine Guimary at Ion Perez na kasama ni Jerald sa pelikulang Kaka na mapapanood na simula May 28 sa Viva streaming app na Vivamax.

Samantala, bibida naman ang mag-dyowa sa upcoming Vivamax Original na Ang Babaeng Walang Pakiramdam, which will start screening on June 11.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: The KimJe couple answers Pikapika’s Random Questions

Jerald Napoles on marrying Kim Molina: "We're still maximizing what we can do kasi s'yempre kapag [kasal na] ibang level na, e."

Pika's Pick: The #KimJe couple (Kim Molina and Jerald) gets their Silver Play button plaque from YouTube

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.