Jerald Napoles, ginapang ang pag-aartista para masuklian ang mga paghihirap ng kanyang ina

Sa nanay din niyang si Mama Tess ina-attribute ni Jerald Napoles ang pananatiling nakatuntong sa lupa ng mga paa niya. Utang daw niya ito sa pagdisisiplina ng ina. “Galit na galit ’yong nanay ko kapag ’yong nakikita n’ya na medyo yumayabang ako. Galit na galit s’ya du’n. ‘Wag kang yumabang! Wala kang binatbat! Matalino ka pero wala kang binatbat pa! Wala ka pa!’” pagre-recall ng aktor sa mga salita ng ina.

PHOTOS: @jeraldnapolesofficial on Facebook

Sa nanay din niyang si Mama Tess ina-attribute ni Jerald Napoles ang pananatiling nakatuntong sa lupa ng mga paa niya. Utang daw niya ito sa pagdisisiplina ng ina. “Galit na galit ’yong nanay ko kapag ’yong nakikita n’ya na medyo yumayabang ako. Galit na galit s’ya du’n. ‘Wag kang yumabang! Wala kang binatbat! Matalino ka pero wala kang binatbat pa! Wala ka pa!’” pagre-recall ng aktor sa mga salita ng ina.

Ang nanay daw n’yang si Teresita “Tess” Guillen ang naging inspirasyon ng actor na si Jerald Napoles para magsumikap sa pag-aartista.

Inilahad n’ya ito sa interview n’ya with TV host-actress and vlogger na si Toni Gonzaga sa online show nito na Toni Talks na in-upload sa YouTube last November 28. 

Sa nasabing interview, ibinida ni Je ang kanyang ina na naging inspirasyon n’ya sa pagpasok sa showbiz. Ito ay para umano masuklian n’ya ang paghihirap nito sa pagpapalaki sa kanya.

Isa s’ya sa [dahilan] kaya ako napunta dito [sa showbiz],” pahayag ni Jerald. 

“Sa tagal ko sa industriya, ginapang ko ’yon. Kasi meron akong [goal na] ‘Kailangang meron akong mapatunayan sa nanay at sa mga hirap na ginawa n’ya sa akin. Kailangang may mapatunayan ako. Hindi p’wedeng wala.’

Solo flight kasi ang kanyang ina sa pagtataguyod sa kanya at saksi daw siya sa lahat ng pagsasakripisyo nito para sa kanya. 

Nakita ko lahat ’yon [paghihirap n’ya]. Nakita ko lahat. Lahat [ng trabaho] pinasukan n’ya. Nag-waitress, nagkatulong, nag-tutor, nagtinda sa Divisoria, nag-manicure-pedicure sa parlor, nagbenta ng alak, nagbenta ng Avon  [products]…lahat,” patuloy pa ng solong anak na si Je.

At kahit daw babad sa trabaho ang Mama Tess niya ay hindi nito nawawaglit ang pagdidisiplina sa kanya. At dala niya ang mga pangaral nito kaya daw nananatiling nakatapak sa lupa ang mga paa niya. 

Galit na galit ’yong nanay ko kapag ’yong nakikita n’ya na medyo yumayabang ako. Galit na galit s’ya du’n. ‘Wag kang yumabang! Wala kang binatbat! Matalino ka pero wala kang binatbat pa! Wala ka pa!’” pagre-recall ng aktor sa mga salita ng ina.

“Sorry, ganu’n ang lenggwahe namin, e… ‘Wala ka pang binatbat. Wala ka pang napapatunayan kaya wag kang mayabang.’

Kaya naman he remains humble at patuloy na nagsikap. 

At kung mapapansing umaangat man ang kanyang career sa ngayon ay dumaan naman daw siya sa butas ng karayom. Gaya ng kanyang ina, lahat din ay sinubukan niya—ang pagiging dancer at theater actor, bago siya tuluyang naka-penetrate sa mainstream showbiz at naging movie and TV actor. 

Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa rin daw makapaniwala ang kanyang nanay na isa na s’yang legit na artista. 

“Proud na proud s’ya. ’Di pa rin s’ya nasasanay, e,” k’wento pa ni Je. 

Dati, naalala ko nu’ng artista na [ako] talaga tapos naglalakad kami sa Tutuban Mall. May mga nagpapa-picture. Tapos ’yong mama ko hahawak sa akin tapos titingnan ako sa mukha. ‘Grabe, ’no? Artista ka na talaga.’ Ginaganu’n ako ng nanay ko. Sabi ko, ‘Oo nga, Ma,’” natatawang pagpapatuloy n’ya.

Ang hirap kasi kapag hindi ka mukhang artista hindi ka paniniwalaang artista ka hanggang may magpapa-picture, e. Nanay ko na ’yon, ah. Sabi ko, ‘Oo, artista talaga ako, Ma. Sabi ko sa ’yo, e.’ Sabi n’ya naman, ‘Ah…galing! Nakaka-proud.’ Gumaganu’n s’ya.

At para masuklian ang hirap ng nanay n’ya sa kanya, nasa top spot daw ng kanyang priority list ang mabigyang ng kumportableng buhay ang kanyang mahal na nanay.

Kasi tumatanda na din, e. Tumatanda na ang nanay ko,” aniya. “Biruin mo, ang tagal ko na sa industriya kung tutuusin, including theater since 2004, so it’s 16 to 17 years. E, it’s a continuous winning and losing [process]. And I want to give the winnings to my mom.

Magkaroon din ako ng kumportableng buhay,” tila pagtataga niya sa bato. “Umarte pa sa maraming pelikula or projects.”

At s’ympre, kasama din sa priority niya ang tuparin naman ang mga plano nila ng kasintahang si Kim Molina.

“Of course, may mga plano with Kim. S’yempre, ’di ba, may mga gusto ding abutin na pangarap,” pagtatapos ni Jerald.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.