Jennylyn Mercado, sinasanay na si Baby Dylan na mahiwalay muna sa kanya ngayong balik-taping na siya

Kabado si Jennylyn Mercado na magbalik-taping ng Love. Die. Repeat dahil dahil pakiramdam n’ya ay nag-back to zero s’ya sa acting. “Kinakabahan ako katulad nilang lahat kasi para akong nagsisimula ulit,” pag-amin ng Kapuso actress.

PHOTO: @mercadojenny on Instagram

Kabado si Jennylyn Mercado na magbalik-taping ng Love. Die. Repeat dahil dahil pakiramdam n’ya ay nag-back to zero s’ya sa acting. “Kinakabahan ako katulad nilang lahat kasi para akong nagsisimula ulit,” pag-amin ng Kapuso actress.

May malaking adjustment daw ang aktres na si Jennylyn Mercado, hindi lang sa acting kundi pati na rin sa pagiging nanay sa baby daughter nila ni Dennis Trillo na si Dylan.

Balik-taping na kasi s’ya para sa nahinto n’yang TV series with Xian Lim na Love. Die. Repeat.

Sa interview nga n’ya with GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, inamin ni Jennylyn na nakakaramdam daw s’ya ng kaba dahil pakiramdam n’ya ay nag-back to zero s’ya sa acting. 

Kinakabahan ako katulad nilang lahat kasi para akong nagsisimula ulit,” pag-amin ng Kapuso actress.

Almost two years din kasing nahinto sa pag-arte si Jen dahil sa pagbubuntis n’ya kay Baby Dylan. Pero alam daw n’yang hindi s’ya pababayaan ng kanyang mga katrabaho na tapusin ang nasimulan nilang project noong 2021.

Nag-focus [ako] sa pagiging mommy kay Dylan, nag-focus sa pagiging wife. Pero I’m sure nandyan ’yong co-artists ko, nandyan ’yong production, nandyan sila direk para tulungan din akong i-motivate ’yong sarili ko na, ‘Kaya mo ’yan,’” lahad n’ya.

At dahil balik-trabaho na s’ya, nangangahulugan din itong mawawalay s’ya pansamantala sa kanyang pamilya, lalo na kay Baby Dylan. 

“Gradually, I’m working on that. Kasi pag meron akong free days medyo umalis-alis ako. Magmo-mall ako tapos ita-try ko na hindi muna magpapakita,” pagbabahagi ng Kapuso celebrity mom.

Doon muna s’ya sa room n’ya para medyo masanay na s’ya na hindi ako masyado nakikita, hindi ako masyadong nandyan. Kasi ngayon, talagang kailangan n’ya ako na nandu’n sa tabi n’ya. So medyo malaking adjustment ito para sa akin,” pagtatapos ni Jennylyn.

Matatandaang nahinto ang taping nila noong October 2021 dahil kinailangang isugod ang aktres sa ospital. Doon ay mapag-alaman nilang buntis s’ya sa first baby nila ni Dennis.

Dahil maselan ang pagbubuntis ni Jen, pinull out muna s’ya sa taping at na-put on hold ang production ng kanilang serye.

At ngayong one year old na si Baby Dylan, game nang bumalik ang aktres sa trabaho para tapusin na ang na-postpone n’yang project.

Mapapanood ang Love. Die. Repeat na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim soon on GMA Telebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado thanks her supporters as she celebrates her 18th anniversary in showbiz

Jennylyn Mercado, itutuloy ang Love. Die. Repeat series with Xian Lim pagkapanganak niya

Dennis Trillo sa pag dating ni Baby Dylan sa buhay nila ni Jennylyn Mercado: “Feeling ko lalo akong nakumpleto.”

Jennylyn Mercado, magpapa-check up lang dapat pero biglang napaanak na kay Baby D?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.