Jennylyn Mercado sa naka-freeze na embryo nila ni Dennis Trillo: “P’wede pa po ’yon... Anytime na gusto naming magka-baby ulit.”

Natawa na lang si Jennylyn Mercado na napagastos sila nang malaki noon sa plano nilang surrogacy na ang ending ay s’ya rin pala ang magbubuntis sa first baby nila ni Dennis Trillo, si Baby Dylan. Ganu’n pa man, naka-standby daw ang frozen embryo in case na gustuhin uli nilang magka-baby.

PHOTO: @dennistrillo on Instagram

Natawa na lang si Jennylyn Mercado na napagastos sila nang malaki noon sa plano nilang surrogacy na ang ending ay s’ya rin pala ang magbubuntis sa first baby nila ni Dennis Trillo, si Baby Dylan. Ganu’n pa man, naka-standby daw ang frozen embryo in case na gustuhin uli nilang magka-baby.

P’wedeng p’wede pa at naka-standby lang daw ang naka-freeze na embryo ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Iyan ang ibinahagi ng aktres sa interview n’ya with GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, July 4.

Napag-usapan kasi nila ang kagustuhan noon nina Jen at Dennis na magkaanak. Pero dahil maselan ang kondisyon ng aktres ay nagplano sila ng surrogacy.

Naayos na raw nila ang lahat nang malaman n’yang buntis pala s’ya sa unang baby nila ni Dennis

Sabi ko, ‘Bakit pa tayo gumastos? Ito na pala. Ang dali-dali lang, ’di ba?’ Hahaha!” natatawang pagre-recall n’ya. 

That time kasi ay nakapag-harvest na ng egg cells from Jen at isa roon ang excellent. Ito ang na-fertilize gamit ang semilya mula sa kanyang mister.

Naka-pili na rin umano sila ng surrogate mom for their baby. Magpipirmahan na lang daw sila ng contract at mag-i-schedule kung kelan ii-inject ang embryo when they found out na buntis na pala s’ya.

Dahil doon, hindi na natuloy ang pagpapa-surrogate sana nina Jen. She gave birth to their baby daughter last April 2022.

Pero wala naman daw dapat ikabahala dahil naka-save naman daw ang embryo nila ni Dennis.

P’wede pa po ’yon. Naka-freeze lang ’yong embryo” lahad ni Jennylyn kay Nelson.

“Anytime na gusto naming magka-baby ulit, puwedeng ako na [ang magdala], puwedeng surrogate ulit. Depende kung kakayanin ko pa. Hahaha!” natatawang sabi n’ya.

Nag-iba na raw ang kasi ang response ng katawan n’ya sa edad n’ya ngayon kumpara noong ipinagbuntis n’ya ang panganay n’yang si Jazz sa ex-boyfriend n’yang si Patrick Garcia noong 2008. 

Si Jazz magpi-fifteen na s’ya this year. Ganu’n kalaki ’yong gap so ang daming pagbabago sa katawan ko. Hindi na ganu’n kabilis ’yong pagbalik sa dati,” she shared.

Naging challenging na nga daw sa StarStruck Season 1 graduate ang pagpapanumbalik sa dati n’yang shape and weight.

Mahirap nu’ng una kasi [via] Caesarian ako, C-section. So mahirap pong bumalik sa workout kasi natatakot ka pa,” aniya.

Pagkatapos ko manganak nag-Pilates agad ako pero walang core workout hanggang five months. Tapos dire-diretso na ’yon. Tapos bumalik ako sa triathlon training few months ago,” dagdag n’ya.

E, paano naman kaya ang pag-aalaga nila ngayon kay Baby Dylan?

Kapwa busy na kasi silang mag-asawa sa kani-kanilang projects. Tinatapos ngayon ni Dennis ang teleserye nito with Bea Alonzo na Love Before Sunrise habang nag-balik taping na s’ya sa na-postpone na TV series nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat.

Ang schedule namin, kailangang alternate. So pagka may work si Dennis dapat ako ’yong nasa bahay. Pag may work naman ako dapat naman si Dennis ’yong nasa bahay. Hindi p’wedeng naiiwan si Dylan mag-isa,” pagbabahagi ng celebrity mom. 

Nangangahulugan kaya ito na hindi muna sila tatanggap ng project nang sabay?

“Honestly, may mga inquiries po kami na gusto kaming dalawa ang magkasama sa movies, ganyan,” pagtatapat ni Jennlyn.

Pero sinasabi namin na imposible pa sa ngayon kasi si Dylan naghahanap talaga [sa amin]. Kailangan n’ya si mama, kailangan n’ya si papa. ’Yong ganu’n,” pagtatapos ng Kapuso star.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado, sinasanay na si Baby Dylan na mahiwalay muna sa kanya ngayong balik-taping na siya

Dennis Trillo sa pag dating ni Baby Dylan sa buhay nila ni Jennylyn Mercado: “Feeling ko lalo akong nakumpleto.”

Netizens, gandang-ganda kay Baby Dylan ng DenJen (Dennis Trillo and Jennylyn Mercado) couple

Jennylyn Mercado, magpapa-check up lang dapat pero biglang napaanak na kay Baby D?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.