Jennylyn Mercado, ipinagmamalaking hands-on father si Dennis Trillo

Ayon kay Jennylyn Mercado, ang husband niyang si Dennis Trillo ang nagpalakas ng kanyang loob na bumalik sa trabaho. Kinakabahan daw kasi siya noon sa tuwing iisipin na babalik siya sa pag-arte matapos magpahinga ng ilang taon dahil sa kanyang pagbubuntis.

PHOTOS: @hairbymarkibarrola & @mercadojenny on Instagram

Ayon kay Jennylyn Mercado, ang husband niyang si Dennis Trillo ang nagpalakas ng kanyang loob na bumalik sa trabaho. Kinakabahan daw kasi siya noon sa tuwing iisipin na babalik siya sa pag-arte matapos magpahinga ng ilang taon dahil sa kanyang pagbubuntis.

Litaw na litaw ang kaseksihan ng actress and celebrity mom na si Jennylyn Mercado nang humarap s’ya sa entertainment press nitong Lunes, January 8.

Ginanap kasi ang media conference para sa kanyang comeback project and primetime series with Xian Lim na Love. Die. Repeat.

Ito ang teleseryeng na-postpone dahil sa pagbubuntis n’ya pero nag-resume din ang production after n’yang maka-panganak.

At dahil napansin nga ng press people ang figure n’ya ngayon, inamin ng aktres na talagang nahirapan din s’ya to get back in shape after n’yang maisilang ang baby daughter nila ni Dennis Trillo na si Dylan.

“Ang hirap, ang hirap po talaga. Kasi unang-una, hindi na ako bata na nanganak. Katulad nung kay Jazz, nanganak ako, ang bilis ko naka-recover kahit na cesarean,” pagkukumpara ni Jennylyn sa panganganak n’ya noong 2022 at noong 2008.

Napabalita ngang maselan ang naging recent pregnancy n’ya.

“Ngayon medyo… Kahit ’yong pagbubuntis ko mahirap, e. Nakahiga lang ako. So medyo maselan,” lahad n’ya.

Pag-amin pa n’ya, talagang nadagdagan s’ya ng timbang na naka-apekto rin umano sa kanyang confidence.

“Nag-gain talaga ako ng medyo malaki kaya medyo nahihiya ako mag-post noon sa social media. Matagal din bago ako nakabalik sa dati,” sabi n’ya.

Ganu’n pa man, masaya raw s’ya na kompleto na ngayon ang pamilya n’ya dahil kasal na sila ni Dennis at meron ring baby bukod sa mga anak nila from their respective past relationships.

“Masaya dahil kompleto na ’yong pamilya. Masarap ’yong pakiramdam na ’yong soulmate mo ay kasama mo na,” pagbabahagi pa n’ya.

Dahil dito ay natanong s’ya kung ano-ano ang mga pagbabago sa buhay nila ni Dennis ngayong ganap na silang mag-asawa. 

“Malaki ’yong pagbabago. Iba pag ’yong mag-asawa na. Maraming adjustment, maraming kailangan tanggapin, ’di ba? ’Yong parang kailangan team kayo, e. Isang pamilya, isang buo,” sagot ni Jennylyn. 

“Kailangan ano’ng desisyon, lahat ng desisyon, kailangan kayong dalawa. Kailangan pag-usapan lahat. [Kung] may mga plano kailangan dalawa kayo, hindi lang ’yong ako lang magde-decide o siya lang. Kailangan dalawa kayo,” dagdag pa n’ya.

Nabiro naman namin si Jen na dahil sa kanya kaya lumabas ang kakulitan at kapilyuhan ni Dennis sa TikTok.

Tsika n’ya noon pa man ay ganu’n na raw ang aktor. Iyon daw ang side nito na hindi nakikita ng publiko noon. 

“Dati pa ’yon, meron na ’yon. Nahihiya lang s’yang ilabas,” aniya. “Na-enjoy ko naman kasi kahit sa bahay ganu’n naman s’ya e.”

Makulit man ang aktor sa TikTok, hands-on naman daw ito sa pag-aalaga sa anak nila. 

“Si Dennis very hands-on ’yon, e. Talagang ano…hindi ko din in-expect na parang ka-level ko ’yong ano n’ya pagka hands-on n’ya,” pagmamalaki n’ya sa kanyang mister.

Salitan daw talaga kasi silang mag-asawa sa pag-aasikaso sa kanilang anak.

“Kahit na kunwari galing ng taping, 1AM umuwi ng bahay, hindi na ’yon matutulog kasi s’ya ’yong night shift. Ever since ganu’n kami simula nu’ng newborn si Dylan,” pagdedetalye pa ni Jen.

“Oo, talagang hindi s’ya matutulog. Sa morning, antayin n’ya akong magising tapos ako naman, papatulugin ko naman s’ya.”

Wala naman daw kasi silang yaya noon. 
“Ganun talaga, kailangan [palitan] kami. Kasi bago mag-isang taon si Dylan kami lang, e. Wala kaming yaya,” sabi n’ya.

Nag-hire na lang umano sila nang makakasama noong nagbalik-trabaho na ulit ang kanyang mister.

“Nu’ng bumalik na si Dennis magtrabaho, sabi ko, ‘Ay, kailangan na natin kumuha ng makakasama.’ Kasi hindi ko naman kayang mag-isa,” pag-amin n’ya.

“So kailangan ko ng [katuwang kasi] lalong lumilikot na [si Dylan]. Hinahabol ko na, ganyan, so, kailangan ko ng makakasama,” giit pa n’ya.

Isa rin daw sa ginagawa nila ay kailangang may maiwang isa sa kanila para magbantay sa bata.

“Mini-make sure namin na hindi lang kami sabay na wala sa bahay. Kailangan isa sa amin meron. Good thing, isa na rin ’yong management namin kaya naaayos namang mabuti ’yong schedule," she shared.

At nang magbalik-trabaho na s’ya para ituloy ang naudlot na teleserye n’ya, si Dennis ang inaasahan n’ya sa bahay.

Todo rin naman daw ang suporta nito at pagpapalakas sa kanyang loob.

“S’yempre ano…kasi bago ako bumalik ’yong kaba ko ibang klase. Talagang hindi ko alam kung kaya ko pang bumalik kasi ’yong nerbiyos ko,” pagtatapat ng aktres.

“Iniisip ko pa lang bumalik nanginginig na ako, e. Si Dennis ’yong parang life coach ko. ‘Kaya mo ’yan. Ganito lang gagawin mo. Enjoy ka lang. Wag mong isipin masyado,’” lahad n’ya.

Nagbunga naman ang pagpu-push nito sa kanya dahil heto’t ipalalabas na ang comeback TV series n’ya.

Bukod pa rito, nakapila na rin ang mga gagawin pa n’yang proyekto at kasama n’ya sa isa sa mga iyon si Dennis.

“Meron po kaming collab na concert, upcoming pa lang, pinaplano pa lang pero this year din yata. Tapos [may ilalabas akong] album under Star Music. Abangan po nila,” patikim ni Jen.

Anyway, mauuna ang Love. Die. Repeat. n’ya na fresh offering ng Kapuso network this 2024 dahil mapapanood na ito next week

Kasama n’ya rito ang leading man n’yang si Xian Lim, maging sina Mike Tan, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Ina Feleo, Gardo Versoza, at marami pang iba. 

Ipalalabas ang Love. Die. Repeat. this coming January 15 sa GMA Prime.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado sa naka-freeze na embryo nila ni Dennis Trillo: “P’wede pa po ’yon... Anytime na gusto naming magka-baby ulit.”

Jennylyn Mercado, sinasanay na si Baby Dylan na mahiwalay muna sa kanya ngayong balik-taping na siya

Jennylyn Mercado, nagre-ready na sa pagbabalik-taping nang naudlot na teleserye nila ni Xian Lim

Pika's Pick: Jennylyn Mercado trains for triathlon anew

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.