Jennylyn Mercado, hanga sa pagko-kontrabida ni Mike Tan: “Nabu-buwisit talaga ako sa kanya. Gusto ko talaga siyang sampalin!”

Ayon kay Mike Tan, hindi raw madali ang pagganap niya bilang kontrabida sa Love. Die. Repeat. Dagdag pa raw ang ingat dahil buntis si Jennylyn Mercado noong kunan ang mga unang eksena nila.

Photos: @mercadojenny / GMA-7

Ayon kay Mike Tan, hindi raw madali ang pagganap niya bilang kontrabida sa Love. Die. Repeat. Dagdag pa raw ang ingat dahil buntis si Jennylyn Mercado noong kunan ang mga unang eksena nila.

First time na makakasama ni Mike Tan si Jennylyn Mercado sa isang teleserye.

Kahit na raw matagal na silang nagkakasama sa ibang shows at nakagawa pa sila ng pelikula (Lovestruck in 2005), never pa raw silang nagsama sa isang teleserye. 

Kaya happy ang StarStruck Season 2 Ultimate Male Survivor na ka-love triangle siya nila Jennylyn at Xian Lim sa teleserye na Love. Die. Repeat.

Gagampanan ni Mike ang papel bilang Elton, ang controlling ex-boyfriend ni Angela (Jennylyn). Dahil sa pagiging possessive boyfriend, nagagawa niyang masaktan physically si Angela.

Ayon kay Mike, hindi raw madali ang pagganap niya bilang kontrabida. Dagdag pa raw ang ingat dahil buntis si Jen noong kunan ang mga unang eksena nila.

“Nag-aalangan talaga ko at first na hawakan si Jen nang madiin or hatakin s'ya kasi 'yun 'yung role ko, e.

“Tapos 'yung scene na ginagawa namin, 'yun na 'yung ida-drag ko si Jen. Do'n ko first time na hahatakin siya tapos after that nalaman namin buntis na siya.

“So, 'yung shock sa akin parang ‘Wait, tama ba 'yung ginawa ko?’ But then again, na-realize ko habang ginagawa namin 'yung Love. Die. Repeat., nakita ko kung gaano ka-generous si Jen kapag ka-eksena mo.

"Kasi everytime na may ginawa kami tinatanong ko siya, 'Okey ka lang ba? Nasaktan ba kita?' Sabi niya, hindi. So, do'n pa lang, napapalagay na 'yung loob ko na mas maging free pag dating sa pag-arte lalo na bilang kontrabida."

Ikinatuwa naman ni Jen ang mga papuri sa kanya ni Mike. In return, sinabi ni Jen na “very gentle" at "caring" si Mike sa set.

“Si Mike naman magaling naman talagang artista 'yan. Hindi rin ako nahirapan."

Hinangaan din ni Jen ang pagganap ni Mike bilang kontrabida. Biro pa niya: “Nabu-buwisit talaga ako sa kanya. Gusto ko talaga siyang sampalin!” 

Noong magsimula mag-taping ang Love. Die. Repeat. noong 2021, nakaka-ilang taping days pa lang sila noong mabuntis si Jennylyn sa first baby nila ni Dennis Trillo

Sinilang ni Jen si Baby Dylan noong April 2022.

Nahinto ang taping ng dalawang taon hanggang sa maging ready na ulit si Jennylyn magtrabaho.

Kasama rin sa Love. Die. Repeat. sina Ina Feleo, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Malou De Guzman, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, at Victor Anastacio. Mula ito sa direksyon nina Jerry Sineneng and Irene Villamor.

Mapapanood ito simula January 15, Mondays through Fridays at 8:50PM on GMA Prime.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado, ipinagmamalaking hands-on father si Dennis Trillo

Jennylyn Mercado sa naka-freeze na embryo nila ni Dennis Trillo: “P’wede pa po ’yon... Anytime na gusto naming magka-baby ulit.”

Mike Tan, pabor sa sperm-freezing

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.