JC Santos, wino-workout na matanggal ang “dad bod” para makagawa pa ng mas maraming on-screen roles

Dad bod ang tawag ni JC Santos sa kasalukuyang niyang physique and he’s aiming na maibalik ang dati niyang toned figure. “Gusto kong ibalik ’yung pangangatawan ko na slim ulit, pasok sa camera. Magandang tingnan sa mga shadows at saka, mas marami pang roles na p’wedeng gawin.”

Photos: @beautehaus.clinic

Dad bod ang tawag ni JC Santos sa kasalukuyang niyang physique and he’s aiming na maibalik ang dati niyang toned figure. “Gusto kong ibalik ’yung pangangatawan ko na slim ulit, pasok sa camera. Magandang tingnan sa mga shadows at saka, mas marami pang roles na p’wedeng gawin.”

Pormal nang ipinakilala ng BeautéHaus, subsidiary ng Beautéderm Group of Companies ang actor na si JC Santos bilang ambassador.

Ang BeautéHaus ay itinuturing ngayong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga na itinatag ni Beautéderm President at CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan noong taong 2016. And she deemed na ang maging flag bearer nito, so to speak, ay isa ring Kapampangan in the form of JC Santos.

“It’s nice to be back here in Pampanga. Masaya rin, wine-welcome kami ni Ms. Rei,” nakangiting bungad sa amin ni JC during his formal launch as ambassador na ginanap sa Marriot Clark.

Isa rin kasi si JC sa mga artista na noong magkaroon ng pandemya ay nagdesisyon nang manirahan na fulltime sa probinsiya.

“We settled down here, 2020, noong mag-start ang pandemic because newborn pa si baby, we need a safe space for her. So, dito na kami nag-decide na mag-settle down. So, this is our home now.”

Hometown naman talaga ni JC ang Pampanga dahil ipinanganak at lumaki siya doon. Sa Pampanga rin daw siya nag-aral ng mga unang taon ng kolehiyo.

Pero may 15 taon na rin daw siyang nanirahan sa Manila.

And now that he’s back there, wala pa naman daw nagiging problema si JC kahit na doon siya nakatira at nasa Manila ang work niya.

“Ang suwerte ko po ngayon kasi lock-in taping pa rin. So far, isang puntahan lang. At saka sanayan lang po. I remember, nag-aaral po ako sa U.P. [Diliman], pabalik-balik lang din po ako ng Pampanga,” sey niya.

These days, happy si JC dahil bahagi na siya ng Beautéderm at BeautéHaus. Wish niya kasing

maibalik ang dati niyang katawan bago pa siya maging isang ganap na ama. Kaya naman sumailalim siya sa mga procedures gaya ng Lipodissolve at M-Shape pa pawang non-invasive body sculpting at slimming treatments ng BeautéHaus.

Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles at nagpa-Exilift na rin siya para matanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang eyes area.

“Noong 2018 po kasi, ’yun ang pinaka-gusto kong katawan. I think, gusto kong ibalik ’yung gano’ng katawan ko no’ng time na ’yon,” k’wento ni JC.

“Gusto kong ibalik ’yung pangangatawan ko na slim ulit, pasok sa camera. Magandang tingnan sa mga shadows at saka, mas marami pang roles na p’wedeng gawin.”

“Maybe at the end of this month, makikita ko ulit ang mga abs ko. P’wede na ulit akong mag-topless,” natatawang dagdag niya.

“Naging dad bod po kasi, e,” pag-amin pa  niya.

Bilang ambassador ng BeautéHaus, gusto raw talagang i-encourage ni JC ang mga daddies na p’wedeng-p’wede pa ring magpaganda ng katawan ang mga ito sa pamamagitan ng mga beauty clinics na hindi na lamang associated sa mga babae ngayon.

“’Yan din ang gusto naming ipakita na as new parents na p’wede mo pa ring alagaan ang sarili mo. Kahit na pagod na pagod tayong mag-alaga ng ating mga anak, p’wede pa rin nating alagaan ang ating katawan.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Piolo Pascual at BeautéDerm, nagkasarahan ng endorsement deal sa gitna ng pandemic

Popular vlogger Jelai Andres, kasali na sa 80+ celebrity endorsers ng Beautéderm ni Rei Anicoche-Tan

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.