JC Santos at Bela Padilla, nagkasalisi ang feelings

Naihalintulad ang loveteam nina Bela Padilla at JC Santos sa successful screen tandems nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at Christopher de Leon at Vilma Santos na dahil sa nag-uumapaw na chemistry ay nakakayang i-ignore ng mga fans ang fact na hindi sila mga couples in real life. At magkagano’n man ay nananatiling sinusubaybayan ang bawa’t pagtatambal nila onscreen.

Photo: Melo Balingit

Naihalintulad ang loveteam nina Bela Padilla at JC Santos sa successful screen tandems nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at Christopher de Leon at Vilma Santos na dahil sa nag-uumapaw na chemistry ay nakakayang i-ignore ng mga fans ang fact na hindi sila mga couples in real life. At magkagano’n man ay nananatiling sinusubaybayan ang bawa’t pagtatambal nila onscreen.

Nataranta nang slight si JC Santos sa pagsagot sa tanong kung at any point daw ba ay nagkagusto o na-attract siya sa three-time leading lady niyang si Bela Padilla.

“Opo, oo naman,” pag-amin ni JC sabay tawa.

Sinundot ito ng tanong na kung bakit hindi niya sinubukang i-pursue ang aktres, na noon ay katabi lang niya.

“Sinarili po niya,” pick up ni Bela. “Kasi ngayon ko lang din nalaman. Hahaha!  Nakaka-shock ’tong press con na’to. Wow!  Hahaha!”

Naganap kasi ang malamang biruan ng magka-loveteam sa press conference kamakailan ng ikatlong movie tandem nilang On Vodka, Beers, and Regrets.

[Sa 2017 film na 100 Tula para kay Stella ni Direk JP Laxamana nabuo ang loveteam nila at nasundan ito the following ng The Day After Valentine’s, also by Direk JP.]

“Nilaglag ko ’yong sarili ko,” natatawa pa ring tuloy ni JC. “Ang init ng mukha ko ngayon!” 

But turning serious, he explained: “Ang pinaka-importante po sa akin s’yempre...I mean love na love ko talaga itong si Bela...I mean, ang pinaka-importante po talaga sa akin ’yong working relationship namin. Sana nga maka-sampung pelikula pa kami. Gusto ko...ayaw kong magbago ’yong nararamdaman namin sa isa’t-isa tuwing magka-trabaho kami, tuwing magkasama kami.” 

Naihalintulad tuloy sina ni Bela sa successful screen tandems nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at Christopher de Leon at Vilma Santos na dahil sa nag-uumapaw na chemistry ay nakakayang i-ignore ng fans ang fact na hindi sila mga couples in real life. At magkagano’n man ay nananatiling sinusubaybayan ang bawa’t pagtatambal nila onscreen.

Pero dahil hindi nagka-chance si Bela na ibigay ang side niya about the earlier question kaya muli itong naungkat sa kanya after the formal Q&A.

Nagbiro pa ang aktres na akala daw niya ay naka-ligtas na siya.

Ano ba? Hindi, parang ano siguro... ’yon nga baka mali kami ng tiempo sa isa’t isa,” nao-awkward na esplika ni Bela. “And mas madali nga na magka-trabaho lang kami.”

However, aware naman daw si Bela na naging crush siya ni JC bago pa man sila na-introduce sa isa’t isa at ginamit niya raw ice-breaker ang knowledge na ’yon para mag-loosen up si JC sa kanya.

“Actually, alam n’yo po noong una kaming nagka-trabaho sa Stella hindi kami magkakilala,” balik-tanaw ni Bela. “E, tapos mabigat ’yong eksena namin together...binigay agad ni Direk Jason Paul na mabigat. So, kinabahan ako kasi hindi, wala...never kaming... hi-hello lang kami pag [nagkikita] sa ABS [CBN].

“Ta’s may nagpadala sa akin ng link ng Candy...parang in-interview si JC ng Candy Magazine tapos sabi, ‘Celebrity crush?’ Nabasa ko nakalagay: Bela Padilla. So, ’yon ’yong una kong sinabi sa kanya. Pag lapit ko, sabi ko, ‘Hoy, crush mo pala ako.’ “Kaya ’yon, pag dating namin sa set, komportable na kami. Hindi na kami nagka-ilangan after.”

Pero ayon kay JC, nailang pa rin daw siya. At muli niyang inamin ang paghanga noon kay Bela na isa sa pinangarap niyang maka-trabaho.

Sa puntong iyon ng informal Q&A, muling nagpahayag nang panghihinayang ang mga taga-media sa mala-TOTGA’ng [the one that got away] “love story” ng dalawa na tila isinisisi ng mga ito sa hindi pagkilos ni JC.

“Wag na nating ipilit,” birong-totoong hirit ni Bela. “Gusto mo bumaba muna ako, saguin mo ’to?,” baling pa niya kay JC.

Sinubukan nang tapusin ni Bela ang tsikahan by saying: “Wala na, lumagpas na po kami do’n.”

Na sinegunduhan ni JC ng: “Nagkasalisihan.”

“Para na kaming sobrang magka-barkada,” sundot pa ni Bela. “No’ng mga panahong may probelam ako, sa kanya ko umiiyak. Ganon din siya. So, parang nakakahiya nang maging kami kasi alam na alam na namin masyado ’yong isa’t isa.

“Saka may d’yowa na po si JC! May gf po si JC!”

[Actually, as it turned out, hindi nalang pala girlfriend ni JC ang non-showbiz high school crush niyang si Shyleena Herrera, kundi asawa na niya. He married her last September 2019 and she is due to give birth anytime next month with their first baby.]

Anyway, the JC-Bela tandem’s third outing, On Vodka, Beers, and Regrets, is directed by Bela’s mentor Irene Villamor, who also directed her in Camp Sawi (2016) and Meet Me in St. Gallen (2018).

It screens nationwide beginning February 5.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.