JC De Vera, nagpaplano na ng church wedding nila ni Rikkah Cruz for next year!

Church wedding ang susunod sa plano ni JC De Vera for his wife Rikkah Cruz! Know more about it by scrolling down below!

PHOTOS: Adam Laurena (L) and @akosijcdeberat on Instagram (R)

Church wedding ang susunod sa plano ni JC De Vera for his wife Rikkah Cruz! Know more about it by scrolling down below!

Ibinunyag ni JC De Vera na, sa ngayon, ay ipinaplano na daw nila ng kanyang asawa na si Rikkah Cruz ang kanilang church wedding for next year!

Kwento pa ni JC sa press conference ng Barbara Reimagined, ang pang-apat na remake ng classic horror film na Patayin Sa Sindak Si Barbara kung saan siya bibida, na hindi sila nag-hesitate sa civil wedding last year, pero step-by-step planning na sila sa kanilang kasal sa simbahan!

“It’s the right thing tsaka ’yon talaga ’yong gusto namin,” sabi ni JC. “Kaya hindi kami naghesitate talaga na gawin ’yon. Next year, nagpe-prepare na kami for church [wedding] naman. Siyempre, step-by-step. Hindi naman pwedeng isang bagsakan. Baka magulat din kami sa mga adjustments, so one at a time.”

Noong tinanong kung ano ang magiging role ng kanilang anak na si Lana sa kasal, ang gusto daw ni JC ay ito’y maging junior bridesmaid.

Hindi siya magiging flower girl, magiging junior bride[smaid] [siya],” paliwanag ni JC. “Siya ’yong maglalakad sa aisle before her mom,”

May balak nga bang sundan ni JC ng isa pang little baby si Lana?

Mahirap ngayon,” giit ng aktor. “Hindi biro magkaroon ng baby. Mahirap mag-alaga, lalo na sa dami ng nangyayari ngayon sa bansa natin. Tapos, siyempre, ’yong pagiging artista, kinukuha talaga ’yong oras namin. Ayoko kong pumasok muna sa isang bagay ulit, na magkaroon ulit ng second child hanggang hindi stable ang oras ko.

Dagdag pa ng Barbara Reimagined leading man na binubudget niya ang kanyang oras sa trabaho at pamilya kaya hindi niya kaya muna sundan ng pangalawang anak. 

Hindi pwede ’yong mag-ba-baby ka tapos hindi mo pa bibigyan ng oras,” sabi ni JC.

Ang Barbara Reimagined ay pinapalabas na ngayon sa streaming application na iWant. Bukod kay JC, bibida rin dito sina Nathalie Hart at Xia Vigor.

YOU MAY ALSO LIKE:

JC de Vera greets wife Rikkah Cruz on her birthday

PIKACUTIE MONDAY: Baby Lana “bungisngis” and her infectious laughter

Is JC de Vera hinting about a forthcoming wedding?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.