Inamin ng singer-songwriter na si Jason Hernandez na magpa-hanggang ngayon ay mahal pa rin daw n’ya ang kanyang estranged wife na si Moira dela Torre.
Sa interview ng press people sa kanya sa media conference at pilot screening ng teleseryeng The Write One nitong nakalipas na March ay sinabi n’yang naka-move on nila sa hiwalayan nila ni Moira last May 2022.
Pero sa kanyang now-deleted Facebook post ay inamin n’yang mahal pa rin daw n’ya ang dating asawa at umaasa pa rin umano s’yang magkakabalikan sila.
Napaamin si Jason sa totoo n’yang nararamdaman nang sagutin n’ya ang mga patutsada ni J’mee dela Torre, ang kapatid ni Moira, sa bagong labas n’yang kanta na Ikaw Pa Rin.
“[N]akakatawa ung buong, especially ung part na ‘naghihintay parin hanggang ngayon sa ikaw at ako.’ kasi parang sa buong year never ka naman nag-effort sa family namin before and after kayo maghiwalay. like????” bira ni J’mee kay Jason sa Twitter.

“[N]aiirita lang ako kasi ang layo talaga ng mga piangsasabi mo sa lyrics ng kanta mo. why do u need to manipulate ppl into thinking that you still love and miss her?? like wtf? ang layo talaga,” singhal pa nito sa kasunod n’yang Twitter post.
“Tapos ginamit pa yung video clips from the wedding, concerts and the tagpuan mv–WITHOUT my ate’s permission? lmao. forda clout chasing amp ure getting too desperate and jt’s kinda funny lol,” huling banat ni J’mee sa kanyang tweet.

Sa ngayon ay deleted na ang mga tweets na ito at deactivated na rin ang Twitter account ni J’mee.
Isa-isa naman itong sinagot ni Jason sa isang FB post.
Deleted na rin ang post ni Jason pero na-screenshot agad ito ng netizens kaya’t pinagpipiyestahan ito ngayon online.
Narito ang nilalaman ng sagot n’ya:
“Sorry J’mee I didn’t want to do this. I tried calling you but you blocked me everywhere,” panimula ni Jason.
Hindi daw n’ya in-expect na lalaitin ni J’mee ang kanta n’ya na dedicated for Moira gayung narinig na daw nito noon pa ang kantang ito.
“I was caught off guard when you posted your tweets because one, I showed you this song last year July already so I dont get why you’re surprised with the lyrics,” aniya.
Bilang patunay, may ipinost na screenshot photo ng private conversation nila ni J’mee si Jason. Makikita doon na pinasahan n’ya ito ng audio file ng kanta.
Hindi rin daw totoo na hindi s’ya nag-effort sa family ni Moira. Ilang beses nga daw n’yang binisita ang mga ito kahit na hiwalay na sila.
“Number two, I visited May, August, October, and December toi give gifts for Christmas. I promised you I’d still be your kuya no matter what,” lahad n’ya.
“But when your mom expressed that Moi didnt want me hanging out with you guys, I respected that that’s why I stopped visiting.”
Wala rin umanong katotohanan na wala s’yang ginawa para suyuin si Moira dahil ang totoo ay lumuhod at umiyak pa daw s’ya sa harap nito.
“Third, ‘buong year di ka nag effort sa ate ko,’ how can you be so sure? You didnt see kung paano ako lumuhod at umiyak so she would take me back (ate lea and chai saw),” kuwento n’ya.
“You didnt see kung pano siya nag basag ng baso to shut me up, you didnt see kung pano siya galit na galit noong nagpadala ako ng food sakanya cause I thought she was sick and how she told me to never go near her again,” pagpapatuloy ni Jason.
“You dont know how I would wait outside the condo sa driveway para ma-timingan lang siya kausapin.”
Kasunod nito ay ang pag-amin n’ya na until now, mahal pa rin n’ya si Moira.
“Fourth, ‘why do you need to manipulate people into thinking you still love and miss her?’ Cause I still do,” he confessed.
“Ask your ate, we spoke on the phone about 3 weeks ago and told her I missed her. I miss my bestfriend. That’s why I never had any other relationship before and after we broke up,” giit pa ni Jason.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin daw s’ya na mapapatawad at matatanggap s’yang muli ni Moira.
“You call me desperate, yes, I am desperate to have her back. I made mistakes but I wanna be able to say that I did everything to make up and learn from it,” saad n’ya.
“I’ve been good to you and your family and I’m sorry if you were fed false/exaggerated/filtered details, but I gave my all to try to get her back,” pagtatapos ni Jason.

As of this writing ay nasa Top 3 trending for music ng YouTube ang kantang Ikaw Pa Rin na ginawa ni Jason for Moira.
Ang mga inilabas n’yang photos before kung saan makikitang may kasama s’yang ibang babae ay teaser pala at parte ng music video.
Hati naman ang opinyon ng publiko dito lalo pa’t kasama rin sa music video ang ilang clips na kuha sa kasal nila ni Moira.
Noong May 2022 nang isiwalat ni Jason sa publiko na hiwalay na sila ni Moira after three years of being married dahil pagiging unfaithful umano n’ya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Handler nina Jason Hernandez at Moira dela Torre, pumalag sa pang-iintriga ni Xian Gaza
Moira dela Torre, pala-utos daw according sa pala-sunod naman na asawa niyang si Jason Hernandez
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber