Jasmine Curtis, tinuturuang magalit ang pasensyosong BF

PHOTOS: @jeffortega & @jascurtissmith on Instagram

PHOTOS: @jeffortega & @jascurtissmith on Instagram

Nag-celebrate ng third anniversary nila as couple sina Jasmine Curtis at ang non-showbiz businessman boyfriend niyang si Jeff Ortega last February. At hindi naman itinaggi ni Jasmine na kahit papaano ay napapag-usapan na rin nila ang kasal.

“Pero more of ano lang, open discussion,” malumanay na esplika ni Jasmine. Hindi naman siya masyadong serious planning. Wala pa naman sa ano, ‘O, sino ’yong exact supplier or whatever. Nothing like that.

“Open discussion lang. Kasi when you’re with someone, gusto mo long-term di ba? Gusto mo naman sana may goal kayo together…More of ano goal-setting siya for us than it is na, ‘O, kailangan in three years, tayo na.’ At least ano, may malawak lang na brainstorming.”

Pero kung sakali daw ay wala sa plano nila ang nauuso ngayong destination wedding.

“Hindi ko afford,” natatawang sagot ni Jas. “Saka wala naman sa personality ko ’yon.”

Ayaw daw nilang mangibang-bansa para lang magpakasal dahil nandito na lahat sa Pilipinas ang mga mahal nila sa buhay. Pero definitely daw ay hindi rin ito magaganap sa probinsya ni Jeff na La Union dahil sawa na raw sila doon.

Kung tutuusin ay kasal na nga lang ang kulang kina Jasmin at Jeff dahil mukhang kalmadong-kalmado naman ang kanilang relasyon, na sa obserbasyon ng marami ay malayong-malayo sa maligalig na relasyon pinanggalingan ni Jas.

“I can’t complain kung ano ’yong nangyayari sa work life ko o sa lovelife ko…with myself also, happy lang ako sa progress ko on my own, so kung anuman ’yong ano namin ngayon, status, it feels like… kasi ako ’yong naglakbay no’n and happy ako kung saan ko siya naipuwesto as far as where we are now.”

Pabor hindi lang ang pamilya ni Jas kay Jeff kundi pati na rin ang iba pang nakapalibot sa magaling na aktres. 

“Ano kasi ako, hindi ako malabas na tao sa mga big circles so hindi ko naramdaman ang pressure ng approval ng mga friends…more of the family and more of the management side kasi s’yempre that affects your work and your life with your family.”

It also helped na hindi taga-showbiz si Jeff. At dahil sa mga dahilang ito, magaan daw talaga ang buhay ni Jas ngayon.

“Syempre it’s easier to navigate your work, it’s easier to have public life shared kasi hindi lahat inuusisa ng tao lalo pa’t magkahiwalay kami sa work…hindi siya masyadong kinikilatis ng tao rin na parang‘O, si Jasmine, ganyan… ano masasabi mo?’ At least kami, ako lang ’yong tinatanong… ngayon, ‘O, Babe, tinanong ako today ha, o pag may nabasa ka alam mo na, eto lang ’yong sinagot ko.’”

Tila nahanap na daw yata ni Jasmine ang perfect match niya. He is the calm to her storm.

“Kasi siya lang talaga ’yong ano tipong ang pasensya niya ang haba na kung minsan ako na ’yong naiinis kasi parang…so ako na ’yong nabibigay ng limit ko sa sarili ko,” dire-diretsong tsika ni Jasmine.

“Kasi nakikita kong sometimes naa-abuse ko rin ’yong pasensya niya, ’yong kabaitan niya na parang, ‘Ano ba magalit ka rin sa akin or mag-away din tayo.’ Kasi alam kong mali din ’yong ginagawa ko…like ’yong pagiging matampuhin ko… e, pag tampo ako, quiet lang ako…mahabang cold treatment. Tapos, naiilang siya sa akin. Pero okay lang naman kasi nahanap na rin niya ’yong paraan para mabawi ’yong pagka-tampo ko or para mabali ’yong pagka-tampo ko.”

Walang makitang mean bone si Jas sa boyfriend. Pero hindi naman daw ito maituturing na “boring.” She loves how he is.

“At least wala akong inaalala,” kibit-balikat ni Jas. “Alam kong laging may magbubukas ng door sa akinKumbaga, chivalry is not dead pag dating sa boyfriend ko so I’m happy…siguro ’yong iba gusto kasi ’yong mga tipong good boy pero may tinatagong…alam mo ’yon? Badness or whatever. Eto kasi, talagang good lang na parang… Magtataka ka nga minsan, ‘Ano ka aba, konting ano naman…’ Pero it’s okay kasi may nase-share din naman siyang vulnerabilities sa akin.”

Pero hindi naman daw sa hindi sila nag-aaway at all. Marami rin daw silang mga di pinagkakasunduan. Baka ang kaibahan lang daw nila ay sine-settel nila ang lahat bago pa man sila matulog.

“Okay lang kasi nalalagpasan naman bago makatulog kasi ’yon naman ang payo ng mga tao, ‘Wag matutulog nang galit sa isa’t isa. So as much as possible, kung kaya, inaayos namin para tomorrow, bangon, happy ka sa sarili mo di ba? Wala kang bitbit na bigat.”

Nakausap ng pikapika.ph si Jasmine, kasama ng ibang entertainment press, sa media conference ng latest GMA-7 drama series na Sahaya noong Lunes, March 11, sa Matrix Creations Events sa Quezon City.

Jasmin plays as the young Manihan (which will be played later on by Mylene Dizon), who will give birth to Sahaya (Bianca Umali) out of wedlock.  

Extreme drama ang mga eksena ni Jasmine dito pero minamani lang ng magaling na aktres. 

Sahaya will have its primetime TV premiere on March 18. It replaces Onanay.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.