Janno Gibbs recalls working with late dad Ronaldo Valdez on the 40th day of his passing

In his interviews, pinagmamalaki niyang pinuro pa umano ng kanyang ama ang pagkakasulat niya ng nasabing eksena na nagpakilig nang husto sa kanya.  Emosyonal raw si Janno Gibbs noong kinukunan ng eksena nila ng amang si Ronaldo Valdez. Ngayong wala na ito, may kurot umano sa puso niya habang pinapanood ang father-and-son scene nila sa pelikula.

PHOTOS: @jannolategibbs on Instagram

In his interviews, pinagmamalaki niyang pinuro pa umano ng kanyang ama ang pagkakasulat niya ng nasabing eksena na nagpakilig nang husto sa kanya. Emosyonal raw si Janno Gibbs noong kinukunan ng eksena nila ng amang si Ronaldo Valdez. Ngayong wala na ito, may kurot umano sa puso niya habang pinapanood ang father-and-son scene nila sa pelikula.

Muling inalala ng singer-actor na si Janno Gibbs ang namayapa niyang amang si Ronaldo Valdez.

Forty days na kasi mula nang pumanaw ang beteranong aktor noong December 17.

Kaugalian ito sa mga Filipino na alalahanin ang kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay sa ika-40 araw mula nang sila ay sumakabilang buhay. 

For Janno's part, inalala niya ang eksena nilang mag-ama sa newest movie niya na siya mismo ang nagsulat at nag-direk, ang Itutumba Ka Ng Tatay Ko. 

"Shooting this emotional scene w/ my Tatay was hard enough. Watching it now is even tougher [Broken heart emoji]" pagbabahagi niya sa kanyang Instagram kahapon, January 25, kalakip ang larawan nila mula sa eksena ng pelikula.

Mag-tatay din kasi ang mga characters nila sa nasabing action-comedy film.

In his interviews, pinagmamalaki niyang pinuro pa umano ng kanyang ama ang pagkakasulat niya ng nasabing eksena na nagpakilig nang husto sa kanya.

 "Your presence in the film is undeniable," papuri pa niya sa yumaong ama sa naging performance nito sa pelikula nila.

"Today is the 40th day of his passing [Folded hands  emoji] #itutumbakangtataykonowshowing," pagtatapos niya.

Kasalukuyan nang ipinalalabas sa mga sinehan ang Itutumba Ka ng Tatay Ko.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janno Gibbs at Bing Loyzaga, sa isa't isa humuhugot ng lakas para tuluyang makabangon mula sa mga mapapait na pangyayari kaugnay ng pagpanaw ni Ronaldo Valdez

QCPD, nag-sorry sa pamilya ni Janno Gibbs ukol sa kumalat na sensitibong video ng late father nitong si Ronaldo Valdez

Janno Gibbs, sa mga nagpakalat ng video ng kanyang ama at sa mga walang-pusong clickbait vloggers na nag-imbento ng mga balita para lamang sa views: "Shame on you! F__k you!"

Hiling ni Janno Gibbs, mag-public apology ang PNP sa naging "lapses and breaches of confidentiality" nila na naging sanhi ng matinding emotional distress ng kanilang pamilya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.