Janno Gibbs on Pakboys Takusa controversies: “We are very sorry, alam naming may mga na-offend... but this is not a politically-correct movie.”

“I think it’s clear na this is not a movie na para hanapan n’yo ng life lessons and political correctness. I think we have a lot of other movies sa filmfest na makakahanap kayo ng gano’n.”—Janno Gibbs

Photos: Viva Films

“I think it’s clear na this is not a movie na para hanapan n’yo ng life lessons and political correctness. I think we have a lot of other movies sa filmfest na makakahanap kayo ng gano’n.”—Janno Gibbs

As of press time ay meron ng more than 23M combined views (across all platfoms) ang official trailer ng Pakboys Takusa ng Viva Films mula nang i-release ito noong November 26.

Pero kasabay ng pagba-viral ng trailer ang mga pangunguwestiyon sa klase ng comedy na nakapaloob dito, starting with the film’s title itself.

Isa rin sa naging kontrobersyal na topic ay ang pagpapakita sa trailer ng pag-ihi nang nakatayo ni Francine Garcia, ang Super Sireyna 2013 winner na kilalang trans woman.

Tila naisulto ang mga members ng LGBTQ+ community sa eksenang iyon na pinagbidahan pa umano ng isang supposedly ay tagapagtanggol ng karapatan ng mga LGBTQ+.

Dumipensa naman ang cast members ng pelikula nang matanong sila tungkol dito sa katatapos lang na medicon ng pelikula. Bukod pa roon, nagpahatid din ng statement ang creative team behind Pakboys sa press con na wala umano silang intensyon na maka-offend ng anumang gender o kultura.

Ani Jerald Napoles—na mistulang mentoree sa comedy ng senior bida na sina Janno Gibbs, Dennis Padilla, at Andrew E—hindi pa naman daw napapanood ang buong eksena para mabuo ang context.

“Kung ano ang nakita mo online, naka-kahon lang doon ’yong opinyon,” ani Je. “Hindi mo naman mae-explain sa kung ilang libo silang nagreklamo...so, thank you sa comment.”

Sa pananaw naman ni Andrew E., mismong ang gumanap sa eksena (si Francine Garcia) ay nag-enjoy naman sa pelikula at wala namang reklamo so all’s well that ends well para sa kanya.

Inihalintulad pa niya sa real-life circumstance ng sunog na ang biktima ay sumisigaw ng “saklolo.” Wala naman umanong ganoong sigaw ang direktang sangkot sa eksena.

Si Dennis, na siyang ka-eksena ni Francine sa controversial na part ng trailer, may pinakamagandang paliwanag sa issue dahil may kasamang resibo, ika nga.

“My daughter is married to a woman in the States...my eldest daughter,” kwento niya. “My eldest Dianne, who is 30 years old is married to Kat, who is also a woman. And I respect them because mahal ng anak ko, e. So, no’ng kinasal sila sa [California] Amerika, I was happy for them. 

“So, I don’t think ako pa ba babastos sa LGBT, e, ’yong daughter ko ang asawa babae?”

As a whole naman in-address ni Janno, na aminadong siya ang nag-suggest ng title ng Pakboys, ang issue.

“I think it’s clear na this is not a movie na para hanapan n’yo ng life lessons and political correctness,” direktang paliwanag ni Janno. “I think we have a lot of other movies sa filmfest na makakahanap kayo ng gano’n.

“This is purely humor...comedy ’to. This is a straight-out comedy movie. This is not a heart-warning movie...this is not ahh ’yong maraming lessons...So, talagang straight pagpapatawa lang...”

Gayunpaman, in behalf of the group, ay nag-apologize ang TV-host comedian.

“So, sorry po kung ahh...we are very sorry, alam naming may mga na-offend but this is not a politically correct movie.”

Meanwhile, much appreciated ng apat ang pagba-viral ng kanilang trailer.

Ibig daw sabihin, ani Janno, ay success ang misyon nila na mai-reintroduce ang brand ng ’90s comedy nila sa mga millennials.

Biro naman ni Andrew e, kalahati ng nag-view ng trailer ay malamang daw ay fans ni Jerald Napoles, na siyang pinaka-bunso nga nila.

Say naman ni Dennis Padilla, kung kahit daw five percent ng mga 23M na nag-view ng trailer ay manonood sa UPSTREAM.ph (at P250) ay malaki na rin ang kikitain ng pelikula.

Bagama’t aminado silang apat na mas gusto nilang mapanood ng mga tao ang pelikula nila sa sinehan ay nagpapaka-positive sila na magiging successful pa rin ang digital version ng Metro Manila Film Festival 2020 lalo pa’t hindi na kailangan maghintay ng mga taga-abroad ng ilang linggo bago makarating sa kanila ang pelikula, kundi outright na basta’t mag-download lang sila ng UPSTREAM app.

“Kasi around the world, e,” say ni Dennis. “Maraming malungkot na OFW [Overseas Filipino Workers], sa Saudi sa Europe...advantage yan kasi kahit ang OFWs, kayang pasayahin kahit isa’t kalahating oras lang. After work kailangan nilang tumawa. Walang halaga ’yon (priceless). Hindi mo maka-quantify ’yong kaligayahan na ’yon. At ang kagandahan pa, they can watch in their own time. Kapag nabili mo na yong tiket, you can watch any time...umaga, madaling araw, gabi...”

Pakboys Takusa, which is Viva Films’ official entry to the 2020 Metro Manila Film Festival, may be streamed on UPSTREAM.ph beginning December 25.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Donnalyn Bartolome is your "Social Media Goddess"

Lovi Poe and Allen Dizon win best actress and best actor in New York

Horror director Richard Somes, kinumpara ang mga multo sa anay at maligalig na houseboy

Rita Avila, tinabla ang offer ng “other station” dahil kay Maricel Soriano

Kira Balinger, umaming kinikilig sa mga titig ni Grae Fernandez

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.