Janno Gibbs nag-recall kung paano siya sinumpa-sumpa ng mga fans noong maghiwalay sila ni Manilyn Reynes; sinoli din daw ni Mane lahat ng regalo niya noon

Hindi man daw sila nagkatuluyan ni Manilyn, wala naman daw silang kapwa panghihinayang. He had his own life with Bing who bore him two daughters; habang si Mane naman ay naging maligayang maybahay ng taga-That’s Entertainment din na si Aljohn Jimenez and they had three sons between them.

Photos: Instagram

Hindi man daw sila nagkatuluyan ni Manilyn, wala naman daw silang kapwa panghihinayang. He had his own life with Bing who bore him two daughters; habang si Mane naman ay naging maligayang maybahay ng taga-That’s Entertainment din na si Aljohn Jimenez and they had three sons between them.

Kung batang ’80s ka, malamang ay aware ka kung gaano ka-sikat ang Janno Gibbs-Manilyn Reynes tandem noon sa That’s Entertainment. Mala-KathNiel/LizQuen/JaDine ang level at isa sila sa mga dahilan kung bakit napupuno ng tao ang Broadway Centrum noon.

At gaya ng tatlong nabanggit na loveteams, nagka-in-love at nauwi din sa pagiging mag-dyowa ang TV/movie pairing nina Janno at Mane (palayaw ni Manilyn). 

Kaya naman devastated ang mga fans nila nang maghiwalay sila at aminado naman si Janno na siya ang dahilan. Pumasok na kasi si Bing Lozaga noon sa buhay niya and she was fated to be his wife and the mom of his two lovely daughters.

Hindi namin maiwasang maki-balik-tanaw kay Janno nang makakwentuhan namin siya sa look test at storycon ng upcoming action-comedy film niyang Mang Jose (na isang bayarang superhero), kung saan ang dating ka-loveteam at kasintahang si Mane ang gaganap as his main nemesis.

Biro nga ni Janno, pagkakataon na raw gumanti ni Mane sa kanya pag nagsu-shooting sila.

May nagbanggit na siya ang dahilan kung bakit punong-puno ng hugot ang pagkaka-record ni Manilyn ng single niyang “Sayang na Sayang” noon. Incidentally, naging humongous hit ang song na ito na Mane na up to now ay sikat pa rin at alam ng mga modern kabataan.

Natawa agad si Janno pagkarinig sa mga salitang “Sayang na Sayang.” 

“Kawawa ako noon...totoo ’to ha...naglalakad ako sa Greenhills, sa Unimart—kahit saan...naglalakad ako...papatugtugin ng mga tao ’yon. Sinasadya!” balik-tanaw ni Janno. “Pag dating ko, papatugtugin nila.”

Wala daw siyang magawa kundi yumuko at magpatay-malisya. “Sa totoo lang ah, minumura ako ng mga tao...walang biro. ‘Niloko mo si Manilyn!’ Gusto ko nang umiyak...Wala, wala ka namang magagawa. Yuko lang ako,” dagdag k’wento pa niya.

Hindi man daw sila nagkatuluyan ni Manilyn, wala naman daw silang kapwa panghihinayang. He had his own life with Bing who bore him two daughters; habang si Mane naman ay naging maligayang maybahay ng taga-That’s Entertainment din na si Aljohn Jimenez and they had three sons between them.

In fact, over the years, naging good friends naman daw sila ni Mane at ngayon ay nakukuha na nilang pagtawanan nalang ang mga away-bati moments nila 30 years ago.

“Ang masarap lang ngayon, nadadaan na namin sa biro ni....gano’n na kami ka-kumportable ni Manilyn. Kahit na no’ng nagkasama kami sa Meant To Be (2017) at My BFF (2014), nagagawa na naming biro...‘O, naalala mo no’ng iinaway mo ko?’ ‘Oo nga;’ ‘Naalala mo no’ng ganito...?’

“Meron pa siyang...’yong mga regalo no’ng...mga gifts ko sa kanya, no’ng nag-away na kami, sinoli sa bahay namin—isang box. Mga ano lang naman ’yon, stuffed toys...mga bagets pa kami no’n, e.”

Anyway, kahit nagkasama na sila sa mga TV shows in recent years, considered na reunion movie nila ang Mang Jose na nagsisimula nang gumiling. Huli silang nagkita sa big screen noon pang 1991 sa drama movie’ng Kung Sino Pa ang Minahal

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.