Janno Gibbs, inaming na-miss ang pagho-host ng isang TV show; patok pa rin daw ang chemistry nila ni Anjo Yllana

PHOTOS: @jannolategibbs & @anjoyllana on Instagram

PHOTOS: @jannolategibbs & @anjoyllana on Instagram

Happy ngayon ang singer-comedian na si Janno Gibbs na muling makabalik sa pagho-host ng isang TV show na talaga naman daw na na-miss n'ya. 

In recent years kasi, naging abala ang aktor sa paggawa ng pelikula at ibang projects. Katunayan, last year lang ay nag-blockbuster ang movie niya na Sanggano, Sanggago't Sangwapo kung saan nakasama n'ya ang mga kapwa-komedyanteng sina Dennis Padilla at Andrew E.

May reunion movie din silang tatlo na may working title na Pakboys kung saan naman makakasama nila ang iba pang hottest stars noong 90's gaya nina Angelu de Leon, Marissa Sanchez, Ana Roces, at marami pang iba. Wala pang petsa kung kailangan o saan ang showing ng nasabing movie dahil nga nagka-pandemya.

In-offer daw kay Janno ng Eagle Broadcasting Corporation ang hosting job, na may basbas naman mula sa talent management ng Viva kung saan s'ya kabilang. 

At sa interview kay Janno sa online talk show ng VIVA TV na Anong Ganap? - hosted by Phoemela Baranda - na in-upload sa YouTube noong October 4, inamin ng singer-songwriter na na-miss n'ya ang pagho-host.

"Excited ako kasi lately ang pinagkakaabalahan ko movies, sa mga drama sa TV... Ngayon lang uli ako magho-host and it's something that I miss, 'yong hosting," pahayag ni Janno. 

Last September 14 kasi ay sumalang na s'ya sa noontime show na Happy Time kasama sina Anjo Yllana at Kitkat kaya thankful daw s'ya sa pagkakataong makapag-host uli ng isang TV show. 

"Ang dami ko na ding hinost before from SOP to Eat Bulaga at mga game shows and nami-miss ko 'yon. Dito nabigyan ako ng chance [na makapag-host uli]," paglalahad pa n'ya. 

Matatandaang isa si Janno sa main hosts ng musical-variety shows ng GMA Network noon na SOP (1997-2010), Party Pilipinas (2010-2013) at Sunday All-Stars (2013-2015) kung saan nakasama n'ya si Jaya at ang celebrity couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Naging Eat Bulaga Dabarkads din s'ya for quite some time at host ng game shows na Kakasa Ka Ba sa Grade 5? at Power of 10

Tsika pa award-winning singer-songwriter, na-miss din daw n'ya ang tandem nila ni Anjo Yllana na nakasama n'ya rin before sa maraming TV and movie projects. 

"Na-miss ko 'yong samahan namin ni Anjo Yllana na kasama ko mula Ober Da Bakod (1992-1997), Beh! Bote Nga! (1999-2003), [at] Nuts Entertainment (2003-2008)," ani Janno. "So nandu'n pa rin 'yong chemistry namin dahil totoong magkaibigan naman kami.

"It's a happy noontime show," pagbibida pa ni Janno. May mga games kami. At s'yempre hindi p'wedeng hindi ako kumakanta dito. Iba-ibang portion. Merong parlor games. 

"Si Anjo merong portion naman na tumutulong sa mga nangangailangan ngayong may pandemya. Ako naman 'yong portion ko is singing with different guests," sey pa ni Janno. 

Exciting din daw ang bawat episode nila dahil kasama nila sa show ang singer-comedienne na si Kitkat na first time nilang makatrabaho. 

Napapanood ang Happy Time hosted by Janno Gibbs, Anjo Yllana and Kitkat mula Monday to Friday, 12 noon, sa Net25.

PANOORIN ang kabuuang interview ni Janno Gibbs sa Anong Ganap? dito:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janno Gibbs writes song about being stuck at home amidst the Luzon-wide quarantine

Through Ober Da Bakod reunion, Janno Gibbs, Anjo Yllana, Gelli de Belen, at Donita Rose, nag-balik-tanaw sa buhay-90s

Pika's Pick: Singer-comedian Janno Gibbs launches his YouTube channel

Pika's Pick: That's Entertainment love teams reunite and perform "Nothing Is Gonna Stop Us Now" in music video

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.