Janno Gibbs, handa na maging lolo sa panganay na anak na si Alyssa!

Handa na si Janno Gibbs maging lolo kung sakaling magkaanak na si Alyssa "Chi" Gibbs sa kanyang fiancé na si Anton Cruz! Alamin ang relasyon ni Janno kina Chi at Anton by scrolling down below!

PHOTO: @jannolategibbs (L) and @chiiloyzagagibbs (R) on Instagram

Handa na si Janno Gibbs maging lolo kung sakaling magkaanak na si Alyssa "Chi" Gibbs sa kanyang fiancé na si Anton Cruz! Alamin ang relasyon ni Janno kina Chi at Anton by scrolling down below!

Sa story conference ng upcoming film na Mang Jose under Viva Films and Project 8 Corner San Joaquin Projects noong November 12, kinuwento ng actor-singer na si Janno Gibbs ang relasyon niya sa kanyang panganay na si Alyssa “Chi” Gibbs at ang fiancé nito na si Anton Cruz.

Sabi ni Janno na pamilya na daw ang tingin niya kay Anton dahil five years na nilang nakakasama ito, lalo na sa mga bakasyon ng kanilang pamilya sa Japan at sa Australia.

Tanong din ng press kung may say ba si Janno kung sino ang pwedeng kasintahan ng kanyang mga anak.

May konting say ang magulang pero, ultimately, nasa anak mo na ’yon, eh,” sagot ni Janno sa press. “Ang importante kung nakikita kong inaalagaan niya ’yong anak ko at mahal siya ng anak ko. Natutuwa ako dahil, more than that, nagiging barkada ko na rin ’yong mapapangasawa [ni Chi], si Anton. May bonding na rin kaming dalawa.

Kung ikakasal na si Chi at Anton, prefer ba ni Janno na bumukod silang dalawa?

Sa totoo lang, ako, sinasabi ko ‘Huwag na kayong bumukod!’ para hindi malungkot, ’di ba?” sagot ni Janno. “Eh, siyempre, hindi natin maiiwasan. Kailangan na rin nilang maranasanang bumukod.

Dahil nga may posibilidad na bumukod si Chi at Anton, hindi maiwasang maitanong sa 1994 Pedro Penduko star kung handa na ba siyang maging lolo sa edad na 51.

Oo naman,” sabi ni Janno. “Actually, ’yong iba earlier pa, eh. So, ready na. Ready na ako.”

Ibibida sina Janno, Manilyn Reynes, at Mikoy Morales sa abovementioned film adaptation ng Parokya Ni Edgar hit song. Produced by acclaimed director-screenwriters Antoinette Jadaone and Dan Villegas, si Rayn Brizuela naman ang piniling maging direktor ng pelikula.

YOU MAY ALSO LIKE:

Janno Gibbs: One proud daddy

Janno Gibbs open to starring in another Pedro Penduko film

Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo cast Dennis Padilla (as the Sanggano), Janno Gibbs (as the Sanggago), and Andrew E. (as the Sanggwapo) play our “Galawang Swabe” challenge

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.