Janine Teñoso, di na raw brokenhearted; si Arthur Nery kaya ang dahilan?

Dahil naka-move on na sa failed relationship, ready na kayang umibig muli si Janine Teñoso?  “We’ll see po.”

Photos: Viva Records/ @janinetenoso/ Janine Teñoso Facebook

Dahil naka-move on na sa failed relationship, ready na kayang umibig muli si Janine Teñoso? “We’ll see po.”

Noong July 2 lang nagkita in person for the first time sina Janine Teñoso at Arthur Nery. And how amazing na nakagawa sila ng napakagandang kanta—ang “Pelikula”—through Instagram chat lang daw noong May 2020 pa! Nasa hometown niya kasi sa CDO (Cagayan de Oro).

Ito ang itsinika ni Janine sa IG post niya noong araw mismong nagkita sila.

“We wrote the chorus of this song last May 2020. I sent Arthur some chord progressions I thought of, and he immediately right there and then sent me a recording of him singing ‘Isayaw mo ako, sinta. Ibubulong ko ang musika’ I told him, yup, that’s our chorus hahaha. That’s how it started, then we just added our own verses after.”

Dagdag pa niya: “Finally met Arthur today! Ahh I’m just rlly grateful I got to collab with one of the greatest songwriters/singers in the country! (smiley). I love this song so much and I hope you love it as much as I do, too.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @janinetenoso

Fast forward today, nakaka-265K views na sa YouTube ang official lyric video ng “Pelikula” at nakatala pa sa Top Trending views kahit manaka-naka lang silang ipinakikita at magka-hiwalay pa. Bukod kasi sa ang ganda at feel-good ng kanta—at nang pagkaka-kanta nila—may organic chemistry din ang dalawang talented Viva Records find na ito. Ang cute na parang may music loveteam tayo ngayon na bukod sa kilig ay nabibigyan tayo ng truly beautiful love songs. Sana talaga may kasunod pa silang collab.

Pero ang siguradong kasunod ay ang music video ng pelikula na magkasama na sila. At press time ay baka nai-shoot na nila ito.

Iba rin kasing mag-collab ang mga artists ngayon. Case in point na sila Janine at Art. Hindi lang kantahan o simpleng ire-record ang isang kanta. Involved sila mula paggawa mismo nong music, both verses and melodies. Walang asa sa iba. Produkto talaga ng innate creativities nila. Huhusay ng mga batang ito.

Naaliw lang kami no’ng mag-trending sila sa Twitter bago i-release ang “Pelikula” single. Nagpa-survey kasi kunyari si Janine kung ano ang mga paboritong pelikula ng kanyang mga followers. Ni-retweet ito ni Arthur kasama ang sagot nitang “Yung atin.”

Yun pala ay teaser lamang nila ito para sa release no’ng single. Pero grabe ang naging fan reactions. Maraming kinilig at sini-ship sila bigla pero mas maraming nagelos kay Janine. 

Marami kasing female fans itong si Art na heartthrob ng music scene kahit ayaw niyang maniwalang ma-appeal siya and that girls find him sexy lalo na pag kumakanta at puma-falsetto na.

Isa-isa nang nagsi-reak ang mga “nagselos” na lady fans. Pero hindi naman ’yong klase ng toxic exchanges. Bantering lang na good-natured pa din.

May nagsabing patayin nalang siya at may nanalo na raw. May “nabuwisit” dahil bakit daw ba nabasa pa niya ang palitan ng tweets noong dalawa. Meron din kunwa ay nagagalit kay Janine dahil hindi naman daw ito “pumila.”

Kaya no’ng bigyan siya ng virtual media conference ng Viva Records para i-promote ang kanyang EP na K’wento sa Silid, kung saan isa nga sa tracks ang “Pelikula,” ang agad na naisip naming naitanong kay Janine ay kung may dapat na nga bang pagselosan ang mga fans?

Tawa lang nang tawa si Janine na parang kinikiliti habang kausap namin.

“Hindi ko rin po alam,” bitin na sabi niya. 

Sundot naman ng isa pang member of the press, kung ready na ba siyang magmahal muli? 

“We’ll see,” matipid pa ring sagot niya but with matching girly giggles.

Anyway, kaya daw niya tinawag na “Kwento sa Silid” ang kanyang EP ay dahil lahat daw ng tracks therein —excluding the duet version of “Umibig Muli” (with Sam Concepcion—ay nasulat niya habang nagpapagaling ng puso by pagkukulong sa kuarto.

Aminadong broken-hearted siya noong mga panahon na ’yon na nataon pang pandemic. 

“These [songs] are journal entries made into songs...inspired po sa pagiging brokenhearted,” natatawa pa ring kwento ni Janine. 

“No’ng sinusulat ko mga songs brokenhearted ako pero ngayon po, na-let go ko na kaya may ‘Art of Letting Go,” banggit ni Janine sa isa pang track na produkto ng pagkukulong sa kuarto.

During the pandemic na height din ng kanyang broken heartedness, na-realize daw niyang okay din naman maging alone at p’wede naman palang sumaya kahit nag-iisa.

“Once na a relationship ends, you’ll begin to realize more about yourself and during nga po no’ng pandemic, parang first tayo lahat to be in solitude...parang there’s nothing much else to do but to spend time with yourself and I think I finally learned how to be okay by being alone—not lonely though.”

Dahil kaya during that time din kasi “dumating” sa buhay niya ang makakatulong sa kanyang maka-let go (na incidentally ay Art ang pangalan kaya may “Art of Letting Go” track siya)? 

“Opo, nakatulong po siya.”

’Yun na!

Anyway, ang “K’wento sa Silid” EP was officially released last July 8. It has four originals plus one bonus track. 

Isa nga doon ang collab nila ni Arthur na “Pelikula,” which serves as the banner track.

Next is “Ghosts In The Room,”  ang first English song Janine after her debut single, “Fall” in 2017. 

Nauna nang nai-release as a single ang “The Art Of Letting Go” at kasunod na ang “Paano,” which  she wrote with This Band’s Euwie Von Loria.

Bonus track ang duet version nila ni Sam Concepcion ng kanyang giant hit na “Umibig Muli.”

The EP is now on Spotify and other listening platforms.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janine Teñoso and Arthur Nery’s “Pelikula” collab and Cup of Joe’s own take on Marion Aunor’s “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin” make up some of Viva Record’s new releases

Palitan ng tweets nina Arthur Nery at Janine Tenoso, “ikinadurog” ng puso ng mga may crush kay Arthur

Arthur Nery drops music video for “TAKE ALL THE LOVE”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.