Janine Teñoso and Arthur Nery, boyfriend/girlfriend material ang isa’t isa

Arthur Nery refuses to label his cozy friendship with Janine Teñoso. “Kaka-meet lang din po namin so hindi pa namin ma-weigh ’yong mga things...I don’t know...Hindi namin alam kung paano siya sagutin kasi kahit kami po hindi pa namin alam.”

Photos: Viva Records

Arthur Nery refuses to label his cozy friendship with Janine Teñoso. “Kaka-meet lang din po namin so hindi pa namin ma-weigh ’yong mga things...I don’t know...Hindi namin alam kung paano siya sagutin kasi kahit kami po hindi pa namin alam.”

Kapwa alumpihit ang mga Viva Records hitmakers na sina Janine Teñoso at Arthur Nery nang isalang sila sa virtual conference to promote the music video of their hit collab single, “Pelikula” kamakailan.

(At press time, nakaka-more than 3M combined streams na ang “Pelikula,” which is part of Janine’s Kwento sa Silid EP, both sa Spotify and YouTube; habang ang music video naman ay meron ng 140K-plus views sa YouTube.)

Paano ba naman ay deretsahan silang tinatanong kung may relasyon na daw ba sila?

Evident kasi ang kilig sa mga behind-the-scenes snaps sa kanila at sa mga unguarded moments nila, may mababasa kang coziness sa mga galawan nila. Even sa palitan nila ng comments—kahit simpleng emoticons lang—sa social media, parang may “something.”

Maging sa virtual presscon, kahit hindi sila mapiga, ay kakikitaan mo ng kakaibang ngiti ang dalawa.

Si Janine, kahit naka-ilang salang na sa mga virtual conferences ay mahiyain talaga by nature. Sinasaniban lang ng pagka-bakulaw pag nagpe-perform na. Ngiti at mahinang bungisngis lang ang isinasagot niya sa mga pangungulit.

Si Arthur naman, pangalawang virtual conference palang ito at bagama’t articulate, hindi pa rin mapakali at halatang uncomfortable sa tanong mga beteranong taga-mainstream showbiz press. Naroong mag-tago ito sa screen, yumuko para matakpan ng cap niya ang mukha niyang natatawa, o kaya naman ay magtakip ng mukha using his hands o kumagat ng daliri to ease himself.

In the end, sinabi ni Arthur na: “Kaka-meet lang din po namin so hindi pa namin ma-weigh ’yong mga things...I don’t know...Hindi namin alam kung paano siya sagutin kasi kahit kami po hindi pa namin alam.”

Sa usual showbiz terms, parang it translates to what you see is what you get. Pero walang label.

Two years ago pa daw sila magkakilala of sort, but not introduced. Janine says she spotted him sa isang music fest. 

It turned out, they were—and still are—each other’s fan.

Fanboy daw si Arthur ni Janine dahil ilang beses na niyang napanood ang mga performances nito and no doubt, magaling daw talaga ang vocal prowess nito. He admired her more dahil gaya niya, Janine also writes songs.

And Janine impressed him more nang ma-meet na niya ito in person two months ago. 

“When I met her, she’s more than just an artist, she’s a good person with a good hear,” describe ni Arthur sa OST Princess ng Viva.

Disbelief naman daw ang naramdaman ni Janine nang malaman niyang fan niya si Arthur. 

“Kasi fan din po ako ni Arthur, e,” pagmamalaki ni Janine, “No’ng nilabas niya ’yong ‘Love Letters [Never Sent],’ kinover ko po ’yon sa isa sa mga live [performances ko]. And may fan po na nakapansin. Siya po [the fan] ’yong nag-suggest na mag-collab kami [ni Art].

“So, doon po nagsimula ’yong parang gusto ko siyang maka-collab, because of that [suggestion].”

She did send him a DM (direct message) through his Instagram and suggested nga na mag-collab sila. That was two years ago pa pala, 2019.

“We wanted na po talaga to have a collaboration and ngayon lang po talaga siya nangyari...natupad in real life,” balik-tanaw ni Janine.

Naabutan na kasi sila ng pandemic kaya ang kantang “Pelikula” ay meant to be talaga na mabuo nila virtually especially na sa Cagayan de Oro naka-base si Arthur. It’s their pandemic baby.

“I sent him chord progressions first and then,” k’wento ni Janine about the “Pelikula” creative process. “Sinulat ko po muna ang melody. Sinulatan ni Arthur...nilagyan po niya ng letra. Then, dinagdahan ko nalang ng lyrics.”

O di ba? Sa IG lang, nakabuo silang ng napaka-gandang kanta, which they also sang beautifully.

“Pelikula” daw was written for those mga na-cancel-an ng events dahil sa pandemic gaya ng mga kasal, debut, proms...

“We wanted to take the youth back to doon sa mga na-cancel na events na ’yon. That’s why we wanted to make a love song para to cheer people up. Happy lang po,” ani Janine.

“Kasi ako never din ako nakapag-prom noong high school,” say naman ni Arthur. “Sobrang hirap pumili ng partner sa prom...’yon ang gusto naming mai-ano [ma-capture] sa song...kaya i-enjoy lang pag [nandiyan na].”

Comfy na sa isa’t isa ngayon sina Janine at Arthur—na may cute uniname na JaniThur, haah!—dahil kahit kaka-met lang nila, ang dami na agad nilang trinabaho: recording, pictorial, MV shoot. But when asked kung ano na ang pagkakakilala nila sa isa’t isa ngayon...

“When I met her, sabi ko, ‘Ang ganda niya pala sa personal,’” lahad ni Art. “Pa’no ba siya e-explain? Sobrang saya niya kausap, ang sayang ka-trabaho. Kaya siguro napadali...It makes working easier. Masaya lang, relaxed lang, chill lang.”

“Sobrang chill lang ni Arthur,” echo ni Janine. “Sobrang comfortable lang talaga...lagi ko pong sinasabi na parang matagal ko na siyang kilala kasi very familiar...walang awkwardness the first time we met.”

“Pogi din,” sundot na biro ni Art sa “ka-loveteam,”

Papatapos na ang virtual conference pero may mga sumusundot pa rin para alamin kung gaano na nag-level up ang friendship nila.

Maraming kinilig among the press nang kapwa sila aminin na girlfriend-boyfriend material ang isa’t isa. And they admitted to “hanging out” especially at sa Manila na una naka-base ang pride ng CDO na si Art.

But ayaw magpa-pressure ng “music loveteam” na lagyan ng label whatever they have now. They’re just literally making beautiful music together. EP na nga ang kini-collab, oh!

“She’s single, I’m single...hindi po natin alam ang mangyayari,” pahuling hirit ni Arthur. “Time will tell.”

Samantala, panoorin ang kakaibang music chemistry ng #JaniThur sa kanilang “Pelikula” music video by clicking the link below.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Romance-in-the-air kilig feels, evident in the Janine Teñoso-Arthur Nery “Pelikula” music video

Palitan ng tweets nina Arthur Nery at Janine Tenoso, “ikinadurog” ng puso ng mga may crush kay Arthur

Janine Teñoso, di na raw brokenhearted; si Arthur Nery kaya ang dahilan?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.