Janine Gutierrez, pinaninindigan na walang naganap na proposal sa Paris

Kahit wala pang official na inaamin sina Janine at Rayver regarding their romantic alliance, happy daw si Janine that she got to spend her 30th birthday with Rayver at sa Paris, France pa.

Photos: Instagram

Kahit wala pang official na inaamin sina Janine at Rayver regarding their romantic alliance, happy daw si Janine that she got to spend her 30th birthday with Rayver at sa Paris, France pa.

Kababalik lang ni Janine Gutierrez from Paris, France dahil invited siya ng ilang fashion ang beauty brands to grace their affairs for the Paris Fashion Week (as did Heart Evangelista), which happened from September 23 to October 1.

Pero dahil birthday niya noong October 2, nag-extend na siya ng stay doon as a birthday gift to herself. At dahil birthday nga niya, may isang matangkad at poging mama—na nagngangalang Rayver Cruz—na sumama sa kanya doon para maki-celebrate at samahan siyang mamasyal. 

Kahit wala pang official na inaamin sina Janine at Rayver regarding their romantic alliance, happy daw si Janine that she got to spend her 30th birthday with Rayver at sa Paris pa.

“Super natiyempuhan din po na meron siyang pinsan sa Paris,” esplika ni Janine sa pagsama ni Rayver doon. “Si Ate Tess [sister of actress Sunshine Cruz, who is a cousin of Rayver].

“So, habang nagpa-Fashion Week ako, siya naman kasama niya cousin niya. Tapos, happy rin kasi nakapunta ako sa bahay ng pinsan niya. Pinag-luto kami... super-super bait. And ’yon naka-ikot din ako nang may kasama.”

On her actual birthday, dinala daw siya ni Rayver sa isang restaurant na nakaharap mismo sa Eiffel Tower. Ayon kay Janine, achievement daw ito para kay Rayver na walang alam sa mga bookings at reservations or anumang may kinalaman sa travels.

“Super nakakatuwa kasi niloloko ko siya dati na hindi siya marunong mag-plano kasi lahat ng labas niya ng ibang bansa was with Star Magic kaya naka-ayos lahat. 

“So no’ng nag-Japan kami with my sisters, ‘Hala, hindi pala marunong mag-train, ano ba yan? Akala ko iikot mo ako dito. Hindi ka pala marunong.’ 

“So parating naka-kotse, naka-service. So this time, nag-effort siya at nag-plano siya. And ’yong restaurant was parang right across the Eiffel Tower. So, ’yong view, ’yong Eiffel Tower na umiilaw. Super ganda!” 

[Base sa Instagram post ni Janine, ito ay ang Pink Mamma restaurant, which is said to be very Instagrammable. Samantala, ang tinutukoy naman niya na pagda-Japan nila ay noong Holy Week 2018.]

Nanghingi pa kami ng ilang detalye kay Janine ang tungkol sa mini vacation nilang iyon ni Rayver sa Paris. Nakausap namin ang QCinema 2019 best actress during her I Do Nails salon opening last week sa Ayala Malls The 30th sa Pasig, at ayon kay Janine, first time pala nila pareho ni Rayver doon.  

“Super saya po sa Paris,” nakangiting bungad ng very positive aura’ng si Janine. “Iniisip ko kasi kung ano’ng gusto kong gawin for my birthday ta’s ang gusto ko talaga is mag-Versailles, tapos ayon, nagpunta kami ni Rayver.”

Janine was referring the Gardens of Versailles, ang 800-hectare manicured garden estate ng Palace of Versailles na siyang royal residence ng king of France in the olden days.

Na-enjoy daw nila ang pag-go-golf cart sa loob ng malawak na garden estate.

“Yes, kasi super laki no’ng Gardens of Versailles... sabi no’ng isang friend ko, ‘Dalhin mo’ng lisensya [driver’s license] mo pag nagpunta ka kasi p’wdeng mag-rent ng golf carts.”

Pero ang tuksong-tanong namin, golf carting lang ba naganap sa Versailles? Napaka-romantic kasi ng lugar at bagay na bagay sa mga propasals.

“Golf carting, picture taking...” natatawang sakay naman ni Janine.

At dahil Paris first-timers nga, hindi syempre pinalampas ng dalawa ang pag-akyat sa Eiffel Tower.

“Nakaka-kilabot,” say ni Janine sa feeling nang makita na niya in person ang pamosong tower. “We were not planning to go up pero pagdating doon, parang nainggit ako doon sa mga nakapila so umaakyat na rin kami.”

“Super ganda, super ganda... sobra!” tila kinikilig na pagde-describe ni Janice sa over-looking Paris sights na natanaw nila sa tuktok ng Eiffel Tower.

Perfect location? Muli naming sundot.

“Para saan tita? Hahaha!” natatawang maaang-maangan niya.

Sana daw ay hindi iyon ang huling bisita niya sa Paris. Pero kung may next vacation man daw siya, baka ibang parte naman ng Europe ang pasyalan niya.

“Ipon pa trabaho muna,” say ni Janine. “Pero gusto ko din mag- Europe ulit next year. Baka ibang bansa naman... sa Iceland gano’n. [Mga] Hindi ko pa po napupuntahan.”
Wala talagang naganap doon? Huling hirit naming.

“Wala,” bungisngis na sagot niya, sabay pakita sa amin ng mga daliri niya. “Sa kaliwa ’yon, diba, Tita? Wala pa tayong bahay, Tita.”

Ayon kay Janine, gusto muna niyang makapundar ng bahay at lote bago ilagay sa isip ang pagse-settle down. Bagama’t naka-pundar na siya ng isang prime condominium property, mas gusto raw niya ang totoong bahay na nakatayo sa lote.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janine, gustong magpa-belated Valentine’s date kay Rayver sa Amanpulo

Janine Gutierrez opens her own Nail Salon!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.