Janine Gutierrez, JC Santos, Yesh Burce, at Victor Anastacio, aminadong na-frustrate sa lockdown

Photos: TBA Studios

Photos: TBA Studios

Galawang lockdown ang inikutang premise ng istorya ng pelikukang Dito at Doon ni Direk JP Habac (of I’m Drunk, I Love You fame), kung saan ipinakitang despite the restrictions of the pandemic ay p’wede pa ring may magpatibok ng puso mo at mag-inspire sa’yo.

Para-paraan, kumbaga. Kung paanong para-paraan din ang iba pang aspeto buhay ng mga Pinoy during last year’s lockdown na may Part 2 na ngayon. 

Ipinakita ang maraming lockdown realities sa pelikulang ito, kabilang na ang mga frustrations na nararamdaman ng mga characters na sumasalamin sa buhay ng mga rea-life Pinoys—frustration na hindi makita ang mga mahal sa buhay, frustration at worry na baka sa paglabas ay may maiuwing virus, frustration na virtual ang lahat ng usapan, frustration at takot ng mga may mga mahal sa buhay na frontliners...

In this regard, nai-segue namin sa Q&A with the cast ng pelikula—namely Janine Gutierrez, JC Santos, Yesh Burce, at Victor Anastacio—kung sila din ba, in real life, ay nakaramdam na nang matinding frustration during the lockdown at sa mga current ganap sa bansa.

It turned out, na gaya nating mga ordinaryong nilalang, ay oo, napu-frustrate din sila ng big time.    

In fact, ang theater actress na si Yesh Burce, who plays as Janine’s kalog BFF in the movie, ay halos magkada-utal na sa pagiging passionate ng paglalahad ng nararamdaman.

“Ako po, sobra po talaga akong frustrated kasi ang daming work na nawala. Ang hirap! Ang daming tao ang nahihirapan ngayon. Alam ninyo po, kabilang din po kami doon kasi s’yempre nasa live events din po ’yong work namin.”

“So, alam ninyo po ’yong frustration ko hindi ko po s’ya masabi,” napapabuntung-hiningang dagdag niya. “Ganu’n po ako ngayon ka-frustrated kasi bumalik naman tayo sa ECQ. So, ang hirap na niyang... I can’t find the right words. Wow! English ’yon!—Tingnan mo, sa sobrang frustrate ko napa-English na ako. Pero, yes, hindi ko po talaga mahanap ’yong tamang salita para mapaliwanag ko kung ano ’yong nararamdaman ko.”

To keep her sanity, minamabuti daw niyang mag-keep in touch palagi sa mga kaibigang may similar hinaings para may ma-vent out-an ng mga saloobin. 

“Kaya lagi po akong may kausap, lagi kong nakakausap mga friends ko—may circle kami na parang nag-o-open kami sa isat isa—kasi mahirap po diddibin ’yon mag-isa.”

Nakakadagdag din daw sa lagi niyang ipinagwo-worry ay ang mga magulang niyang hirap sa galawang lockdown.

“So, ako po ’yon po talaga ang frustration ko lalo na’t yong mga parents ko kasi hindi na din po sila ka-bataan...so, naa-ano po ako para sa kanila, nahihirapan po ako for them.

“Iiyak ba ako? Pero hindi, okey lang po. Hahaha! ’Yon po, sobrang frustrated po ako. Hindi ko po masabi kung gaano ako ka-frustrate ngayon,” pagtatapos ng ordinarily ay masayahing tao na si Yesh.  

Si Victor Nastacio naman—(yup, he’s the O Shopping dude)—na gumanap bilang makulit na boyfriend ni Yesh, ay tila mas malawak ang sakop ng frustration dahil hindi niya naiwasang maikumpara ang lagay ng Pinas sa mga kapit-bahay nating bansa.

“Oo [napu-frustrate ako] kasi nauhan pa ng lockdown ’yong sequel [ng Dito at Doon], e. Kasi sa atin ang bilis, e...ang bilis nu’ng Part 2..” pa-birong totoong hirit niya. “At the same time, I think parang naramdaman natin lahat na medyo tumigas na din tayo, lumakas na din tayo kahit papaano—which is hindi ko sinasabing good thing pero at the same time parang medyo handa ka na, e. Eto lockdown, ‘Sige, lockdown uli. Handa na yan.’

“Pero I think, ’yong most frustrating thing is makikita mo ’yong the rest of the world kung pa’no nila na-handle, kung pano nila nasagot, kung pano sila nagko-concert na, kung pa’no nagta-trabaho na, nagkikita ’yong pamilya... I think ’yon ’yong pinaka-frustrating for me.”

Si JC Santos, na nag-iisang pamilyadong tao sa cast, ay nag-one-time, big-time worry lang daw at pagkatapos ay nag-move on na siya. Dahil nga tatay na, kaya ang pokus ng worry niya ay ang immediate future ng pamilya.

(By the way, si JC sa pelikula ay ang frontliner na si Caloy, na magpapa-kilig kay Len played by Janine Gutierrez. Hindi namin kayang i-describe ang character nang hindi kami magtutunog naiinis, kaya wag nalang.)

Ani JC, pansamantala niyang naisip na maging delivery man ng mga luto ng asawa niyang chef, sakaling hindi raw bumuti ang lagay ng showbiz at ng bansa.

“Ako umabot na ako sa nag-browse na ako ng [bibilhing] motor tapos sinabihan ko na ’yong wife ko na, ‘Kung magluto ka, lagay mo sa garapon, idi-deliver ko na.’ Parang papunta na ako sa, ‘Itigil ko kaya muna itong shooting-shooting?’ Kasi nandoon na ako sa pagbayad ng bills at sa future...so, parang nag-worry ako nang konti. Pero parang isang araw lang naman dumating sa akin ’yon. Parang, ‘Sige, tiisin ko pa kahit papa’no.’ Hanggang doon umabot ’yong frustration ko.”

Janine Gutierez, who plays as a ma-hanash na political science graduate na si Len na magiging frenemy-turned-inlabey kay Caloy (JC), ay umabot na sa puntong gusto nang umalis ng Pilipinas dahil sa mga nararamdamang frustrations sa mga ganap dito.

“Sobra...sobrang frustrating talaga. Araw-araw kasi may bagong balita na parang kung p’wede lang tumakas sa Pilipinas. Pero s’yempre mahal mo ’yong bansa at gusto mo din naman makita na umunlad tayo,” say ni Janine na isa sa mga celebrities na hindi takot mag-voice out ng opinions at observations tungkol sa mga socio-political issues.

“And honestly, hindi naman tayo makaka-alis dito kahit gustuhin pa natin. So, what can you do, diba? Sobrang frustrating and more than us, ’yong s’yempre mga iba nating kababayan... mas mahirap ’yong sitwasyon kaya napakahirap talaga. Tapos, eto na naman, oh. Nakakaloka talaga.” 

Ang Dito at Doon ay iikot sa online romance nina Len at Caloy na nabuo during the pandemic lockdown. It asks the question kung kaya kayang Manalo ng pag-ibig over insecurities and uncertainties na dala ng pandemic?

Mapa-real life man o mapa-characters nila sa Dito at Doon ay siguradong makaka-relate at makaka-relate ka bilang Pinoy.

Presently streaming na ang Dito at Doon in the following major online platforms: KTX, Cinema76@Home, iWant TFC, Upstream, and Ticket2me.

Dito at Doon is produced by TBA Studios, in association with WASD Films.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Si Janine Gutierrez at ang mga peke sa online world

Enchong Dee, Dimples Romana to open up schools for music and acting respectively

Ate Gay, labas-masok sa ospital dahil sa pneumonia

Sarah Geronimo releases album of her recently successful Tala: The Film Concert

BTS strongly supports the #StopAsianHate movement

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.