Janine, gustong magpa-belated Valentine’s date kay Rayver sa Amanpulo

PHOTOS: Anna Pingol & @rayvercruz on Instagram

PHOTOS: Anna Pingol & @rayvercruz on Instagram

Hindi nakapag-Valentine’s date sina Janine Gutierrez at ang rumoured boyfriend niya na si Rayver Cruz. [Rumoured dahil hindi pa sila kapwa direktang umaamin sa estado ng relasyon nila.] At ito ay dahil sa biglaang pagpanaw ng nanay ni Rayver na si Beth Cruz due to pancreatic cancer noong February 2. 

Kaya nang makausap ng mga entertainment press si Janine sa media day ng bago niyang TV series sa GMA-7 na Dragon Lady ay isa ang naudlot nilang Valentine’s date ang inusisa ng lahat.

Nagbiro si Janine na if ever ay sa Amanpulo niya gustong mag-date sila ni Rayver.

“Ang taas! [ng pangarap] Hahaha!” bungisngis ni Janine. “Hindi pa kasi ako nakapunta do’n. Dream ko lang po talaga.”

Pero ni-reiterate niyang biro lang ’yon at hindi naman niya pinupwersa si Rayver lalo’t alam naman niya ang mga pinag-daanan nito. 

“Pero nabanggit ko na sa kanya noon na parang gusto kong mag-birthday doon [sa Amanpulo],” esplika ni Janine, who is turning 29 on October 2.

P’wede pa naman palang pag-ipunan, ganting biro ng mga members of the press. Kaya malamang ay two-in-one nalang ang belated Valentine’s date at birthday date.

Sa ngayon ay okay naman daw sa kanya ang simpleng dinner date. At baka nga mas mauna pang matuloy ang muling pagpunta nilang dalawa sa Amerika. Sa May kasi ay pupunta ng New York si Janine para um-attend ng graduation ng isang kaibigan at tila planong sumama o sumunod ni Rayver. Depende sa schedule nito.

“Baka kasi may bagong teleserye na siya,” say ni Janine. 

Sa ngayon, pokus muna si Janine sa fantasy series niyang Dragon Lady, kung saan paglalagay palang daw ng prosthetics ay inaabot na ng tatlong oras; habang si Rayver naman ay magse-self-imposed vacation muna pagkatapos ng afternoon prime show na Asawa Ko, Karibal Ko, na nag-last airing na kaninang hapon, March 1.

Ang show ni Janine ay papalit sa show ni Rayver. Dragon Lady premieres on March 4, after Eat…Bulaga!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.