Janice, wala nang pake sa pag-ibig

PHOTOS: Anna Pingol & screengrab from @songjoongkionly

PHOTOS: Anna Pingol & screengrab from @songjoongkionly

Nine years nang single ang magaling na aktres na si Janice de Belen, na for a change ay gaganap na kontrabida sa upcoming teleserye na The General’s Daughter ng ABS-CBN. Pero ayon sa kanya, hindi raw niya hinahanap ito.

“Ano na ako diyan… Im done,” natatawang tsika ng aktres sa pikapika.ph.

Nae-enjoy daw niya ang independence niya at wala na siyang ibang inaalala kundi ang mga anak niya. Bukod pa roon, wala naman daw talaga siyang oras na mailalaan para sa lovelife.

“I have fifteen dogs, I have four grandkids, I have five kids…meron pa akong mga ano, mga loves of my life na pinapa-nood ko sa mga K-Drama. Sobrang busy ko na.”

(Kilala si Janice sa pagiging panatiko ng mga K-Dramas at mga Korean stars.)

At kahit pa raw mahilig siyang manood ng mga nakakakilig na K-Dramas, hindi raw siya naeenganyong ma-in love at all. Kaya’t ang next na tanong namin ay kung jaded na ba siya sa pag-ibig?

“Hindi naman…you’ve seen a lot of thing, you’ve experience a lot of things…it doesn’t seem so exciting to me anymore.”

Malabo daw talaga siyang magka-lovelife ngayon kahit pa Koreano ang mangligaw sa kanya. Maliban na lang daw kung ang Koreano ay ang kinababaliwan niyang si Song Joong Ki (ang Korean superstar na bida sa hit series na Descendants of the Sun) kaso ay nag-asawa na ito.

(Ikinasal si Song Joong Ki sa leading lady niya sa Descendants of the Sun na si Song Hye-kyo nong October 2017), “May asawa na siya, sorry. Watch-watch ka nalang, haha!”

Here’s the “lovelife” portion ng aming tsikahan with Janice de Belen:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.