Tila may wall pa pala sa pagitan nina Janice de Belen at sa nobyo ng daughter n’yang si Inah Estrada na si Jhake Vargas.
Ito ay kung susuriin ang naging k’wento at opinyon ng aktres sa Episode 2 ng podcast nilang Wala Pa Kaming Title, kung saan ka-batuhan niya ang sister niyang si Gelli de Belen and their BFFs na sina Carmina Villarroel at Candy Pangilinan.
“Over my Dead Body” ang title ng episode at ang naging hypothetical topic ng four celebrity moms ay kung ano ang magiging reaction nila kung halimbawang nag-uwi o nagpakilala ng d’yowa ang kanilang mga anak at hindi nila ito type.
Napabuntong-hininga pa si Janice noong turn na niyang maibigay ng kanyang side tungkol sa kanilang paksa.
Aniya, nagbibigay naman daw s’ya ng chance sa mga kasintahan ng anak pero sasabihin daw n’ya sa kanyang mga anak ang tunay n’yang nararamdaman sa mga respective kasintahan ng mga ito.
“Ganyan muna, bibigyan mo ng chance. Sasabihin mo rin talaga na eto ’yong feeling mo. Totoo ’yan, ah,” pahayag ni Janice.
Mahirap din naman daw kasi na paghigpitan ang mga anak dahil kapag pinagbawalan ang mga ito ay lalo lang daw itong susuway sa kanya.
“Pero pag naging sila…kasi, ’di ba? They’re like us. Human nature na sabihin mo na, ‘No,’ [tapos], the more na ginugusto [nila]. For some reason, the spirit of contradiction is so much stronger,” paliwanag pa n’ya.
“Do you know how many times I told my children, ‘Sige, prove me wrong.’ I’m so welcome to the idea na prove me wrong. At the end, right ka pa rin naman, e.”
At para mas makapagbigay s’ya ng maka-totohanang example, inihalimbawa n’ya ang naging sitwasyon nila ng isa sa mga anak niya.
“Sige, ganito na. Totohanan na ’to. Sabihin na lang natin… ’Yong isa kong anak...hindi sa hindi ko type ang boyfriend. Hindi naman ako ang makikisama d’yan, ikaw. But, I think I deserve some kind of respect,” pagtatapat ni Janice kina Gelli, Carmina and Candy.
“Hindi ko sinasabing bastos. Pero ’yong sa ilang taon nila, mas madalas ko pa s’yang nakita sa SiS na guest natin kesa sa nakita ko s’ya sa bahay na [bumabati ng] ‘Hello, Tita.’”
Bagama’t wala s’yang binanggit na pangalan ay tila malinaw na si Jhake Vargas ang tinutukoy n’ya na boyfriend ng anak n’yang si Inah dahil ito lang naman ang posibleng mag-guest sa SiS dahil sa celebrity status nito at bilang homegrown talent din ito ng GMA-7.
(SiS was the morning talk show ng GMA Network hosted by Janice, Gelli and Carmina na na-defunct noong 2010 at maraming beses ngang nakapag-guest doon si Jhake noon.)
Hindi naman daw galit o naiinis si Janice sa Kapuso actor pero sana daw ay hindi ito maging mailap sa kanya para makilala naman daw n’ya ang kung sakali ay future husband ng kanyang anak.
“For me, wala naman akong…hindi ka masama sa akin. Hindi kita kilala. Hindi naman ako ang makakasama mo. Hindi importanteng maging close tayo. But I really would like to be given the chance to get to know you,” pahayag n’ya.
Singit naman ng sister n’yang si Gelli, “Parang, ‘Help me understand why my daughter loves you.’”
“Exactly,” pag-agree naman ni Janice.
Ang Wala Pa Kaming Title podcast” nina Janice, Gelli, Carmina, at Candy is produced by Oomph Podcast. It drops every Wednesdays on Spotify and Apple Podcasts.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber