Janice, aminadong kontrabidang nanay sa tunay na buhay

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol & @inah

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol & @inah

First time in a long time na gaganap si Janice de Belen bilang kontrabida at excited daw siya sa out-of-the-box na role niya sa The General’s Daughter bilang scheming na asawa ni Tirso Cruz III.

 

Taong 2012 pa raw siya huling nag-kontrabida, sa TV adaptation ng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN. “Semi-kotrabida lang ako do’n” say ni Janice sa pikapika.ph. “Sa movie, sa Bakit Kay Tagal ng Sandali (1990).”

 

Kaya refreshing daw para sa kanya na maiba naman dahil redundant na role ang mga bait-baitan roles para sa kanya. First time ding makaka-trabaho ni Janice si Angel Locsin at bilib daw siya sa nakikita niyang dedication nito.

 

“Actually I like working with Angel,” say ulit ni Janice. “Mabait naman si Angel. And you see that she’s dedicated to what she’s doing and it’s nice to see that ‘cause hindi mo makikita yan sa mga kabataan ngayon.”

 

Pabirong nilinaw lang ni Janice na mas nauna siyang maging anak-militar sa TV, mas mababa nga lang daw ang ranggo.

 

“I was the Colonel’s daughter,” natatawang sabi ni Janice. “Sa Flordeluna, di ba?”

 

Ang tinutukoy ni Janice ay ang 1978 TV drama series na pinagbidahan niya kung saan gumanap siyang anak ni Dindo Fernando na gumanap naman bilang ang mabait na si Colonel Alicante.

 

Ayon kay Janice, hindi naman daw siya nahirapang atakihin ang bagong kontrabida role niya dahil sa tunay na buhay naman daw ay kontrabida siya sa buhay ng mga anak niya.

 

Dahil sa tinurang iyon na Janice, sumundot tuloy ang pikapika.ph at isa pang kasabayang mag-interview sa kanya kung kontrabida ba siya sa pagkakamabutihan ng anak niyang si Inah de Belen sa co-Kapuso actor nitong si Jake Vargas.

 

Taong 2016 noong magsimulang ma-link ang dalawa after nilang magsama sa GMA-7 teleserye na Oh, My Mama, na pinagbidahan nilang dalawa.

 

“Hindi naman ako masyadong nakikialam sa lovelife ng mga anak ko,” esplika ni Janice. “But you see it’s like this, when you’re a parent, ang pinaka-importante sa’yo is ’yong anak mo, hindi magbago…I mean, the person who she is with should be her inspiration, not a distraction.”

 

Tila may laman ang mga tinurang iyon ni Janice kaya’t muli itong nasunot kung tutol ba siya kay Jake.

 

“Hindi naman. Nanay pa rin ako, there will always be a kontrabida side to me. Hindi ko naman maaawat yan…hindi nga ako naawat ng mga magulang ko di ba? Dumaan ako d’on… pero s’yempre kailangan mong sabihan, payuhan…paalala…’yon lang naman magagawa ko, e…they’re all adults, they’re all of age. Ano lang ako puro paalala.”

 

When asked kung may mensahe ba siya kay Jake, eto ang naging sagot niya: “Wala. Baka sila may mensahe sa akin.”

 

Here’s the clip of Janice’s interview:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.