Hindi na raw makalilimutan ni Janella Salvador ang karakter na ginampanan niya sa teleseryeng Darna bilang si Valentina/Regina.
“I really fell in-love with the character. I love Regina and I think, she’s one of the best characters I will ever portray in my life,” saad ni Janella sa ginanap na pa-press conference ng ABS-CBN para sa nalalapit na pagtatapos ng Darna na ginanap sa dating 9501 Restaurant ng ELJ Building.
“Actually, portraying Regina is really an experience for me," patuloy niya. "I will never forget the process of getting into the character. Una ko pa lang nabasa ang script, I knew I really had to do it.
“And I think the role really made me grew as an actress—well, I don’t just think...I know it did. It really made me grow as an actress. It gave me confidence that I’m really part of this industry.”
Inamin ni Janella na may panahon noon na nagkaroon daw siya ng kuwestiyon sa sarili niya bilang isang artist. At perfect timing daw ang pagdating sa kanya ng Regina/Valentina role. Iyon kasi ang panahon na nagbabalik pa lang din siya sa pag-arte pagkatapos na maipanganak ang anak na si Jude.
“I usually doubted myself and this character really gave me so much to learn from," dagdag niya.
Aminado rin si Janella na hindi madaling tapatan ang karakter na ginampanan niya sa Darna sa kung anumang susunod na proyekto ang mapipili niyang gawin.
“I think, it’s crucial naman talaga kung ano 'yung susunod kong gagawin. Pero, hindi ko naman iniisip 'yon. Ang iniisip ko, kung maganda ba ang character, maganda ba ang story. Mas doon ko siguro ibe-base.
“Okey rin naman 'yung kontrabida-kontrabida, honestly. It really helps you grow.”
Kung babalikan, marami rin talaga ang nagulat nang tanggapin ni Janella ang dual kontrabida role bilang Valentina/Regina dahil nanggaling siya sa mga teleseryeng siya ang bida. But according to Janella, iba na rin daw kasing mag-present ng mga kontrabida ang mga palabas ngayon.
"Villain, they all have a back story why they became that way, kung bakit sila naging dark."
Isa sa magandang kinalabasan ng pagganap niya bilang si Regina/ Valentina ay ang suportang natanggap niya mula sa LGBTQIA+ community. Hindi nga raw niya inaasahan na magiging LGBTQ+ ‘icon’ pa ang role niya.
Nagsimula ang lahat sa episode na "Narda meets Regina" at magmula noon ay tila na-drawn na ang ilang members LGBT community sa friends-turned-enemies na istorya nila. Suddenly, sini-ship na sila ng netizens and even calling them Darlentina, NarGina, at JaneElla. Hindi man aminin, tila sinadya na rin ng mga writers na lagyan ng sapphic undertones ang galawan nila Jane de Leon sa Darna.
“You know, it was so unexpected na ie-embrace ng LGBT community 'yung character ko,” masayang pahayag niya. “But it’s such a wonderful surprise and I’m proud to represent this community.
“And I feel that they’re rarely represented. Kaya they really clung on to us.”
Pareho namang positibo ang naging sagot nina Janella at Jane sa tanong kung payag silang magsama muli pero sa isang GL (Girl Love) series naman.
“Of course, why not,” saad niya.
Samantala, mapapanood na ang mga matinding sagupaan sa huling dalawang Linggo ng Darna sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5.
YOU MAY ALSO LIKE:
Janella Salvador, kayang-kaya raw ang pagiging “single mother”
Sa pagba-Valentina, Janella Salvador, mas prinoblema ang weight loss kesa sa paghawak ng ahas
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber