Jane de Leon recalls being emotional nang isukat sa kanya ang iconic costume ni Darna

Bilang paghahanda sa role niya as the newest Darna, pinanood daw  ni Jane de Leon ang mga luma at iba’t ibang version ng pelikula Darna at naging ang mga teleserye versions. Pero pinaka-tumatak umano sa kanya ang version ni Angel Locsin.  At dahil nabanggit na rin lang n’ya ang tinaguriang real-life Darna, natanong si Jane kung may ibinigay bang advice sa kanya si Angel.  “May mga binigay naman s’ya sa ’king mga tips. S’yempre, kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime,” lahad ni Jane.  “And sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest.”

PHOTOS: @imjanedeleon on Instagram

Bilang paghahanda sa role niya as the newest Darna, pinanood daw ni Jane de Leon ang mga luma at iba’t ibang version ng pelikula Darna at naging ang mga teleserye versions. Pero pinaka-tumatak umano sa kanya ang version ni Angel Locsin. At dahil nabanggit na rin lang n’ya ang tinaguriang real-life Darna, natanong si Jane kung may ibinigay bang advice sa kanya si Angel. “May mga binigay naman s’ya sa ’king mga tips. S’yempre, kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime,” lahad ni Jane. “And sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest.”

Nagbigay daw ng piece of advice ang aktres na si Angel Locsin kay Jane de Leon sa pagganap n’ya bilang pinaka-bagong Darna. 

Inilahad n’ya ito kahapon, May 19 sa isang event kung saan ini-launch s’ya bilang bagong endorser ng isang health and wellness brand. 

Natanong kasi doon ng entertainment press ang Kapamilya actress tungkol sa inaabangang teleserye niyang Darna

Aniya, ilang pelikula at TV series ng Darna raw ang pinanood n’ya gaya ng mga pinagbidahan nila Rio Locsin, Vilma Santos, at Angel Locsin. 

Lahat naman po [iconic], actually. Ang tumatak po talaga, s’yempre, ’yong kay Ms. Angel,” pagbabahagi n’ya.

At dahil nabanggit na rin lang n’ya ang tinaguriang real-life Darna, natanong ng press si Jane kung may ibinigay bang advice sa kanya si Angel. 

May mga binigay naman s’ya sa ’king mga tips. S’yempre, kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime,” lahad ni Jane. 

“And sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest,” dagdag pa n’ya.

Tsika pa ng Kapamilya star, kaabang-abang daw ang costume n’ya.

Nag-fitting na rin po ako and nasuot ko na rin po ’yong costume. Surprise po ’yon,” patikim n’ya sa press. 

Pagtatapat pa ng aktres, naging emosyonal daw s’ya noong isinukat n’ya ang Darna costume for the first time. 

Ano pa nga lang po, ’yong headdress pa nga lang po, pagkasuot sa akin nangiyak-ngiyak na po talaga ako,” pag-amin n’ya. 

Makailang beses nga naman kasing na-delay ang production nila para sa Darna dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng pagpapalit ng direktor, pag-e-expire ng franchise ng ABS-CBN, at Covid-19 pandemic. 

Kasi after ilang years…2019 po kasi ako in-announce, e. And nasukat ko ’yong costume last year. So, parang doon lang po sa akin nag-sink in na, ‘Ah, ito na talaga. This is it,” pagtatapos ni Jane. 

Nitong May 17 lang ay may pasilip na ang ABS-CBN dahil inilabas na nila ang teaser ng serye ng Pinay superhero.

Makakasama ni Jane dito sina Iza Calzado na gaganap bilang unang Darna sa kuwento, Zaijian Jaranilla na magiging side kick n’yang si Ding, ang love interest n’ya na gagampanan ni Joshua Garcia, at si Janella Salvador bilang Valentina na mortal na kalaban ni Darna. 

Ayon sa report ng TV Patrol, paniguradong mapapanood ang Darna ni Jane de Leon ngayong taon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jane De Leon expresses sadness over postponement of "Darna"

Jane De Leon and Angel Locsin quash conflict speculations as they talk via video call

Jane De Leon is already a hero after donating ABS-CBN Ball prize to Bantay Bata

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.