Jane de Leon, patagong nag-o-overnight sa dressing room ng ABS-CBN para makatipid sa pamasahe noon

Dahil na naging salat sa buhay dahil nawalan ng trabaho ang tatay niya, naranasan daw ng pamilya ni Jane de Leon na mag-ulam ng toyo na may mantika o kaya ay asin para may lasa ang kanin. But that all changed now. Ang ikinalulungkot lang ni Jane ay hindi na naabutan ng kanyang ama ang pagngiti sa kanya ng kapalaran. “Papa already passed away six years ago. Sayang nga, hindi po niya naabutan kung nasaan ako ngayon.”

Photos: @imjanedeleon

Dahil na naging salat sa buhay dahil nawalan ng trabaho ang tatay niya, naranasan daw ng pamilya ni Jane de Leon na mag-ulam ng toyo na may mantika o kaya ay asin para may lasa ang kanin. But that all changed now. Ang ikinalulungkot lang ni Jane ay hindi na naabutan ng kanyang ama ang pagngiti sa kanya ng kapalaran. “Papa already passed away six years ago. Sayang nga, hindi po niya naabutan kung nasaan ako ngayon.”

Ilang araw nang trending si Jane de Leon dahil sa Darna at nadagdagan pa dahil sa no holds barred interview niya kay Ogie Diaz para sa YouTube channel nito.

Maraming ginulat si Jane sa pilot week ng Darna series niya. Maging ang mga nauna nang nagsabing “hindi siya bagay sa role” at “wala siyang dating” ay tila nagsisikambiyo na.

Sa panayam ni Ogie kay Jane, binalikan ng dalaga ang mga dinaanan nilang hirap ng kanyang ina, na siyang lagi niyang kasama, para lang matupad ang pangarap na maging artista.

Noon daw mga panahong miyembro palang siya ng girl group na Girltrends ng It’s Showtime ay araw-araw silang bumibiyahe mula Laguna to ABS-CBN studio in Quezon City. At dahil hindi naman kalakihan ang bayad sa kanila ay kinailangan niyang tipirin ang pasamasahe kaya hindi sila umuuwi lagi.

“Hindi alam ng ABS [CBN management] ‘to, doon po ako natutulog sa dressing room, pinagdidikit-dikit na upuan. Doon po ako sa may make-up [area].

“Minsan po, tumatambay kami sa convenience store, nagpapatay ng oras, idlip-idlip kami kung saan-saan kahit po sa taas ng MRT, sa gilid, umidlip po kami ni Mama doon.”

“Nakakaloka! So, ganu’n kahirap ang buhay mo nu’n?” gulat na sambit ni Ogie.

Kaya naman nang mabigyan siya ng role sa seryeng Halik noong 2019 na pinagbidahan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby, ay umokey daw nang bahagya ang estado ng aktres sa buhay.

“Nu’ng meron na po akong Halik [teleserye], nakakaipon na po nang konti. Si Kuya Tyrone (Escalante, manager niya), nakakapagbigay na rin siya sa akin ng mga raket, mga fiesta. Malaking bagay sa mga artista ‘yung ganu’n (sabay pakita ng poster ng show nila ni Joshua Garcia sa Bahrain).

“Nakapag-rent na rin po ako for the first time ng apartment. And kung sino po ’yung mga taong tumutulong sa amin, ibinabalik po namin kasi alam po namin ’yung pakiramdam,” kuwento ni Jane.

Taong 2014 pa nang pinasok niya ang showbiz at aminado siyang matagal ang kanyang pinaghintay bago mabigyan ng opportunidad na magka-show.

“Bihira po sa artista na magkaroon kaagad ng opportunity. Ako po kasi, kayod po talaga ako, e,” dagdag pa ng aktres.

Kaliwa’t kanan daw ang pinapasukan niyang audition noon. Basta’t may mabalitaan daw siya  ay go lang siya. Bagay na ayaw ng tatay niya noong nabubuhay pa ito dahil gastos lang daw sa pamasahe na ’yon at wala namang balik na kita.

Dumating pa raw sa puntong kinailangan nilang magsinungaling mag-ina sa tatay niya para makaalis sila ng bahay para sa mag-audition at pag balik nila ay doon na sila mumurahin nito.

Nawalan kasi ng trabaho ang ama ni Jane noong mga bata pa sila ng kuya niya dahil naloko sa negosyo ng sariling kaibigan. At buhat daw noon ay nawalan na ng urge mag-work ulit ang tatay niya bukod pa sa nagkaroon na ito ng trust issues.

“Doon na po nagkaroon ng trust issues [si Papa] pati sa mga kaibigan namin. Kailangang makuha ang loob ni Papa bago [umokey]. Sobrang strict po niya,” k’wento pa niya kay Ogie.

Dahil nga salat sila noon, naranasan daw nilang mag-ulam ng toyo na may mantika o kaya ay asin para may lasa ang kanin.

But that all changed now. Ang ikinalulungkot lang ni Jane ay hindi na naabutan ng kanyang ama ang pagngiti sa kanya ng kapalaran.

“Papa already passed away six years ago. Sayang nga, hindi po niya naabutan kung nasaan ako ngayon,” may panghihinayang na saad pa ng dalaga.

Kung nabubuhay nga raw ang ama ay kukuha si Jane ng franchise ng donut para ibigay sa ama.

“Favorite po ni Papa ang donut. So, kung nabubuhay po siya, kahit isang buong branch ng donut [store] ibibigay ko sa kanya. Gusto kong ipa-experience sa kanya ang buhay na meron kami ni Mama ngayon,” may bahid na lungkot na sabi pa nito kay Ogie.

Samantala, aminado si Jane na gaya ng ama, nagkaroon na rin siya ng trust issues dahil sa mga di-kagandahang experiences niya sa showbiz.

“Sa mga na-encounter kong mga tao lalo na sa showbiz kasi hindi naman lahat ng tao totoo sa’yo, e.

“Kailangan mo na lang maging maingat. Just be nice. Kung ayaw nila sa’yo, e, di ayaw nila sa’yo! Ang importante naman doon, e, nagpaka-totoo ka.”

Maging sa mga kapwa-artista ay nakaramdam din daw si Jane ng pagiging unwelcomed.

“Kasi ako po Mama Ogs, mahilig akong mag-observe. ’Yung instinct mo, ’yung aura kaya kong basahin ’yung tao. Pero hindi ko iniiwasan kasi mas gusto kong makita niya kung sino ba talaga ako,” pagtatapat nito.

Noong una raw ay hindi rin siya apektado ng bashers pero magmula raw nang maisa-publiko na siya na ang gaganap na Darna ay dito na raw nagsimulang dumoble ang mga bashing na natatanggap niya.

“Bago po sa akin kasi before naman wala naman akong bashers, nu’ng simula talagang nag-Darna ako lumaki talaga ’yung mundo ko.

“Nu’ng una hindi ko alam paano i-handle ang bashers buti na lang nandiyan sina Mama, Kuya Tyrone (manager), mga friends ko kino-comfort talaga nila ako.

At na-realize ko na hangga’t nabubuhay ka may bashers ka. Nagpapasalamat ako na may bashers ako at nagpapasalamat ako na nag-e-effort sila for me.

“May mga lessons po akong natutunan sa kanila... kung hindi dahil sa kanila hindi ako magiging better na tao. Hindi ko mas pagbubutihan kaya thank you sa inyo [bashers], mas lalo akong nag-e-effort sa trabaho ko,” pahayag nito.

Bagama’t kaya na ng dibdib niya nang bashing, hiling pa rin niya na sana ay ma-appreciate din naman siya ng mga tao.

“Sana magbago ’yung tingin nila sa akin. Ma-appreciate nila ako not just as Darna but as a person and as Jane rin.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.