Jane de Leon addressed “retokada” issue: “Artista kami, e, so why not? Pag sila naman naging artista they will understand why.”

Hindi umano affected si Jane de Leon sa ini-isyu sa kanya na umano’y retokada dahil normal na bagay naman daw ito sa showbiz at parte iyon ng kanilang trabaho bilang artista.

PHOTO: @imjanedeleon on Instagram

Hindi umano affected si Jane de Leon sa ini-isyu sa kanya na umano’y retokada dahil normal na bagay naman daw ito sa showbiz at parte iyon ng kanilang trabaho bilang artista.

Natawa na lang ang aktres na si Jane de Leon nang mahingi ang saloobin n’ya sa tungkol sa sinasabi ng kanyang mga bashers na retokada umano s’ya.

Naganap ito kamakailan nang maka-tsikahan s’ya ng press people right after ng media conference nila for their upcoming horror movie Shake, Rattle, and Roll Extreme.

Natanong kasi ng entertainment press ang Kapamilya actress sa kung ano’ng masasabi s’ya sa ibinabatong issue sa kanya ng mga bashers.

Sumailalim daw kasi s’ya sa beauty enhancement procedures kaya “Salamat, Doc” ang kanyang ganda.

May iba pa umanong pinagtatabi ang before and after photos n’ya, at pinagkukumpara ang kaibahan ng hitsura n’ya ngayon sa dati.

Hindi naman umano napipikon dito si Jane. 

“Thank you, guys. Thank you po. Wala… Sadyang maganda lang talaga ako. Joke lang,” natatawang pagbibiro n’ya nang matanong about the issue. 

Aniya, hindi s’ya affected sa mga nangungutya sa kanya dahil lang sa nagpa-enhance s’ya ng hitsura. 

Hindi, normal na ’yon. Hindi ko talaga s’ya pinapansin. Hindi s’ya big deal talaga. Hindi ko alam. Hindi na ako naaapektuhan, e,” sabi n’ya.

Katwiran pa n’ya, normal na kalakaran na sa showbiz ang pagpapaganda kaya naman wala dapat maging isyu kung nagpaayos man s’ya ng mukha o hindi.

Parang normal na s’ya sa industry natin, ’di ba? So, hindi s’ya big deal. So, okey lang na pag-usapan nila ako,” matapang na pahayag ng aktres.

Sa ngayon naman daw kasi, mas alam na raw n’ya kung paano alagaan ang kanyang sarili dala na rin ng mga makabagong teknolohiya at social media.

“I know how to take care of myself now. I know how to love myself now. And the technologies and everything, especially the social media kung paano ka i-influence when it comes to beauty and stuff, mentally, emotionally, physically, siguro it starts there. And I started there,” pagbabahagi n’ya.

Giit pa ni Jane, walang masama kung nagpa-enhance man ang isang artista dahil parte umano iyon ng kanilang trabaho. Kung sakaling maging artista man daw ang kanyang mga bashers ay tiyak na mauunawaan nila ito. 

Okey lang. Artista kami, e, so why not? Pag sila naman naging artista they will understand why,” pagtatapos n’ya. 

Mapapanood si Jane sa “Rage Episode” ng Shake, Rattle, and Roll Extreme. Kasama rin sa trilogy horror na ito nina Rob Gomez, Paolo Gumabao, Angel Guardian, Iza Calzado, at marami pang iba.

SRR Extreme screens on November 29 in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Hiling ni Jane de Leon, maka-trabaho ang crush na si Paulo Avelino kahit isang beses lang

Pagkikita sana ng dalawang Darna'ng sina Jane de Leon at Regine Velasquez, hindi na nagawan ng paraan

Para kay Jane de Leon, hindi malas ang pagsusuot ni Celeste Cortesi ng Darna costume sa Miss Universe

Jane de Leon, patagong nag-o-overnight sa dressing room ng ABS-CBN para makatipid sa pamasahe noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.