Jake Ejercito, sinariwa ang pakikipaglaban ng namayapang si Susan Roces sa 2004 “Hello Garci” scandal ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo

Sa sumunod namang tweet ni Jake Ejercito kahapon, May 21, ipinost niya ang picture nilang dalawa ng kanyang Tita Susan at pinangalanan niya ito bilang the 14th First Lady. “Our 14th First Lady Rest with angels, Tita Swannie.”

Photos: @unoemilio

Sa sumunod namang tweet ni Jake Ejercito kahapon, May 21, ipinost niya ang picture nilang dalawa ng kanyang Tita Susan at pinangalanan niya ito bilang the 14th First Lady. “Our 14th First Lady Rest with angels, Tita Swannie.”

Nagulat ang lahat nang lumabas ang balitang pumanaw na ang kinikilalang Reyna ng Pelikukang Pilipino na si Susan Roces noong gabi ng May 20 dahil umano sa heart attack.

Labing-walong taon ding namuhay bilang biyuda ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang respetadong aktres.

At sa pagpanaw ng tinaguriang Manang Inday at Tita Swannie ng mga taga-showbiz, bumaha ng pakikiramay at pagbibigay-tribute sa social media.

Ngunit tila naging kakaiba ang naging paraan ng pagbibigay-pugay ni Jake Ejercito sa kanyang Tita Susan.

Kung matatandaan, ang ama ni Jake, ang dating Pangulo na si Joseph Estrada ang isa sa itinuturing na matalik na kaibigan ni FPJ. Kaya hindi na iba si Jake sa namayapang actress.

Sa Twitter post ni Jake kahapon, May 21, ipinost niya ang back-to-back video clips nina dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo at ng actress.

Ang video clip ng kay GMA ay ang pamosong paghingi niya ng tawad sa publiko noong 2005 na may kinalaman sa “Hello, Garci” scandal; habang ang clip ng kabiyak naman ni FPJ ay naglalaman ng kanyang pagtangging tanggapin ang pagso-sorry ni GMA.

Matatandaan na si FPJ ang mabigat na katunggali ni GMA noon sa pagka-pangulo sa 2004 presidential elections. Naging malaking eskandalo ang nag-leak na audio recording ng pagtawag ni Arroyo sa opisyal ng COMELEC na si Virgilio Garcilliano para siguraduhin umanong malaki ang ilalamang niya kay FPJ sa bilangan.

Bagama’t inamin ni GMA na sa kanya ang boses sa recording, itinanggi niyang may kinalaman sa bilangan ang kanilang pinag-usapan.

Magpahanggang ngayon ay maraming naniniwalang na-rig o nadaya ang 2004 elections at si FPJ ang tunay na nanalong pangulo noong panahong iyon.

Sa video clip na inirepost ni Jake, madiin ang mga binitawang salita ng actress patungkol kay Arroyo na “hindi ko matatanggap ang iyong sorry!”

Ang video post na ito Jake ay nilapatan pa niya ng hashtag caption na:  #NeverForget.

Sa sumunod namang tweet ni Jake, ipinost niya ang picture nilang dalawa ng kanyang Tita Susan at pinangalanan niya ito bilang the 14th First Lady.

“Our 14th First Lady Rest with angels, Tita Swannie.”

Umabot na sa mahigit 40K views ang video post ni Jake at naka-kalap ng more than 5K likes. Ang ikalawang post naman niya ay meron ng 39K likes as of press time.

Marami ang natuwa ang sumang-ayon sa magkasunod na tweets na ito ni Jake na may bahid-pulitika.

Anila, si Madam Susan naman talaga umano ang legit na 14th First Lady ng bansa. May mga nagpasalamat din sa aktor sa patuloy nitong pagtindig.

Meron din namang mga hindi sumang-ayon kay Jake at nagbato pa ng mga katanungan ukol sa mga issues din ng political family na kanyang kinabibilangan.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.