Jake Cuenca has an answer for the question: "masarap bang ka-halikan si Sean de Guzman?"

Award or blockbuster? "For me, to be honest, award. Pero both, e. Kasi hindi rin maganda sa pakiramdam na hindi napanood ang movie mo," lahad ni Jake Cuenca

PHOTOS: @juancarloscuenc & @seandgman_ on Instagram

Award or blockbuster? "For me, to be honest, award. Pero both, e. Kasi hindi rin maganda sa pakiramdam na hindi napanood ang movie mo," lahad ni Jake Cuenca

Natawa na lang ang aktor na si Jake Cuenca nang mausisa siya kung nasarapan ba siya sa naging kissing scene nila ni Sean de Guzman.

Naganap ito kamakailan sa media conference nila for their upcoming movie My Father, Myself na entry this year sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Gaganap kasi na closeted gay father sa pelikula si Jake na mai-in love sa kanyang adopted son played by Sean de Guzman, na incidentally ay anak ng namayapa niyang nobyo noon.

At dahil ipinakita sa trailer ng pelikula na may kissing scene ang dalawang aktor ay natanong ng entertainment press si Jake kung masarap bang kahalikan si Sean.

"Wow! Hahahaha!" natatawang bulalas ni Jake nang marinig ang direktang tanong.

Pero imbes na direktang sagutin ang tanong ng press people ay inilahad ng versatile actor ang umano'y reaksyon ng direktor nilang si Joel Lamangan at ng production team habang kinukunan nila ang eksena.

"Well, basing sa reaction sa set namin at ni Direk Joel, he said it was a very good scene so I’ll just take that. ’Yon na lang ’yon," nakangiting sabi ni Jake.

"Nu’ng sinabi ni Direk na very good ’yong scene, okay I’ll take it. ’Yon lang po," dagdag pa niya. 

Nahingan naman si Jake ng reaksyon ngayong makakatapat ng pelikula nila ang mga nagbabalik-MMFF na sina Coco Martin at Vice Ganda.

"Sa akin naman, I just want to come out with a good film na p’wede n’yong panoorin lahat. Kami naman, as you can see, ang pelikula namin iba sa pelikula nila. Mainstream talaga ’yong kanila," pahayag ni Jake.

Hindi naman umano siya nape-pressure bagkus ay itinuturing niyang swerte sila na napasama sa list of entries ng MMFF ngayong taon ang kanilang pelikula.  

"Ang amin, sobrang s'werte namin na nakapasok kami ng Metro Manila Film Fest, gusto ko lang i-stress ’yon, na wala akong pressure na nararamdaman. Ang nararamdaman ko ay s'werte at pagiging grateful na napasok kami sa Metro Manila Film Fest," pagdidiin niya.

"Ang pelikula na ito, makikita n’yo naman, e. Hindi ito s’ya ’yong parang movie nila Vice, nila Coco. That’s highly budgeted [movie]."

Pinapili din si Jake kung ano ba ang mas matimbang sa kanya ngayon, ang manalo ng award o maging blockbuster ang pelikula nila.

"For me, to be honest, award. Pero both, e. Kasi hindi rin maganda sa pakiramdam na hindi napanood ang movie mo," sagot niya.

"Sana, kahit may positive o negative na feedback, ang importante may conversation. Kasi minsan, gagawa kayo ng project hindi napag-usapan…pinaghirapan mo pa rin ’yon, ginalingan mo pa rin ’yon. I just pray for that," he continued.

"Pero sabi ko nga, marinig lang ang mga papuri n’yo, marinig ang papuri ni Direk Joel doon pa lang panalo na ako. Thank you so much," pagtatapos ni Jake.

Mapapanood ang My Father, Myself na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana, and Tiffany Grey, simula December 25 in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jake Cuenca, naubos kay Kylie Verzosa; "Parang I really gave everything at wala nang natira..."

Jake Cuenca, more than one year nang alcohol-free: “No more na. Ayoko lang s’ya ipagmalaki o iyabang.”

Galing sa lugmok, Jake Cuenca, naging emosyonal sa mga natatanggap na papuri

Dimples Romana and Jake Cuenca, bilib sa galing ng baguhang si Sean de Guzman; "Hindi mo siya malalamon sa eksena."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.