Jak Roberto, binisto ang Valentine surprise kay Barbie

PHOTOS: Melo Balingit & @jakroberto

PHOTOS: Melo Balingit & @jakroberto

Excited na si Kapuso hunk Jak Roberto na finally ay maipapalabas na ang Kara Mia, ang GMA-7 primetime teleserye kung saan ay ka-loveteam na niya ang real-life girlfriend niya na si Barbie Forteza. 

Una silang nagkasama sa Meant To Be noong early 2017 pero isa lamang si Jak sa apat na guwapong lalaking nag-aagawan kay Barbie noon kaya hindi sila mako-consider na loveteam, bagama’t noong panahon din na ’yon naipanganak ang uniname nila na #JakBi.

Pero kahit naman hindi niya direktang ka-loveteam si Barbie noon ay siya naman ang naging real-life ka-loveteam nito dahil balitang noong matapos ang comedy show na ’yon ay saka siya sinagot ng prized Kapuso actress.

Pero bago pa man mag-TV premiere ang Kara Mia on February 18 ay mauuna na ang pagse-celebrate nila ng kanilang second Valentine’s Day as couple. At dito mas excited ang binata na sa sobrang excitement yata ay naibulgar tuloy niya sa mga nag-iinterview sa kanyang press people—kabilang ang pikapika—kung ano ang plano niya para sa kanyang apple of the eye.

Hindi na alintana ng binata na naka-video siya dahil mas naka-pokus siya na hindi siya marinig ni Barbie na nasa ibang parte lang ng Circle Events Place, ang pinag-ganapan ng grand mediacon ng Kara Mia.

“Sikreto talaga,” panimula niya. ”Sabi ko kasi sa kanya, wala talaga akong plano dahil pina-tanggap ko sa kanya ’yong [showbiz news anchoring stint]  24 Oras sa mismong day ng Valentine’s magtsi-Tsika Minute siya. 

“Hindi niya alam, pinatanggap ko talaga sa kanya ’yon dahil kinuntsaba ko ’yong mga tao sa bahay niya—parents niya tsaka yong mga angels niya—para mag-set up kami do’n sa bahay niya. Pumayag naman sila tita.”

Magpapa-set-up daw siya bukas ng table for two para sa isang romantic dinner na siya mismo ang magluluto dahil ito daw ang matagal ng request ni Barbie, ang ipagluto siya ni Jak.

Nilinaw namin kay Jak kung Valentine dinner set-up lang ba talaga ito at hindi set-up para sa marriage proposal. Hindi pa naman daw. Naaaliw lang siya sa thought na mase-setup niya for a surprise ang girlfriend. That is, if Barbie doesn’t get wind of this interview.

Here’s Jak:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.