Jairus Aquino and Andrea Angeles, official nang magkasintahan

Sa araw ng would-you-be-my-girlfriend proposal ni Jairus, February 12, nag- drive si Jairus at naipit pa sa heavy traffic papuntang Pampanga kung saan nakatira ang kanyang nobya.  Sinundo niya ito at niyaya kunyaring manonood sila  ng sine. At nang makaupo na sila inside the….

PHOTOS: @dothejairusaquino on Instagram

Sa araw ng would-you-be-my-girlfriend proposal ni Jairus, February 12, nag- drive si Jairus at naipit pa sa heavy traffic papuntang Pampanga kung saan nakatira ang kanyang nobya. Sinundo niya ito at niyaya kunyaring manonood sila ng sine. At nang makaupo na sila inside the….

Hindi maitago ni Jarius Aquino ang saya dahil nakuha n’ya ang sagot na “oo” mula sa vlogger na si Andrea Angeles nang yayain na n’ya ito para maging official girlfriend n'ya.

Successful ang naging mala-engagement proposal na in-stage ng aktor last February 12 na s’yang naging laman ng kanyang vlog entry na in-upload kagabi, February 17, on YouTube. 

Kuwento ni Jairus, December last year pa lang daw naglalaro na sa isip n’ya kung paano n’ya yayayaing maging girlfriend ang constant date n’ya dahil gusto daw n’yang maging memorable event iyon para sa kanilang dalawa. 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari,” lahad niya sa vlog. “Para pa rin akong lumulutang sa ere, sa langit. Pino-proseso at ninanamnam ko pa lahat ng mga nangyari. I don’t know what to say really but just a bit [of] kuwento lang. Itong araw na ito naglalaro na sa akin [noong] December pa lang.

Iniisip ko na, ‘Paano ba ’to? Paano s’ya tatanungin?’ Ayoko kasi ng basta-basta lang. As you all know, she deserves the best. Ako, s’yempre, gagawin ko ’yong best ko para ma-hit ko ’yong best na deserve n’ya,” dagdag pa n’ya. 

Hindi naman sa gusto ko s’ya maging engrade but I want it to be memorable, something na hindi namin parehas na makakalimutan. Hindi lang basta.

At hindi nga malilimutan ni Iyya, nickname ni Andrea, ang pagpo-propose na ito ni Jairus dahil nirentahan ng aktor ang isang sinehan sa isang mall sa Quezon City.

Sa araw ng would-you-be-my-girlfriend proposal, nag-drive si Jairus at naipit pa sa heavy traffic papuntang Pampanga kung saan nakatira ang kanyang nobya. Sinundo niya ito at niyaya kunyaring manonood sila ng sine.

Nagtataka naman ni Iyya nang ma-realize na paputang QC sila. Bakit daw kailangan pa nilang dumayo sa malayo gayong meron namang mga sinehan sa Pampanga. 

Pagdadahilan ng dating child star, maganda daw kasi ang upuan sa sinehan na pupuntahan nila. Kung mahaba daw ang pelikula kailangang maganda ang upuan para mas ma-enjoy ang panonood. 

Habang nasa byahe sila ay nagse-set up naman sa loob ang sinehan ang mga kaibigan ni Jairus na kinasabwat n’ya sa kanyang plano. 

At nang makaupo na sila inside the cinema, hindi pelikula ang nag-flash sa screen kundi ang compilation videos ng mga sweet moments nila together. 

Sa dulo ng clips lumabas ang magical question ni Jairus for his girlfriend na: “Iyya, will you be my lifetime?”

And Iyya answered “yes.”

Ngayong officially couple na sila, nagpapasalamat si Jarius sa kanyang mga kaibigan na tumulong sa kanyang naging paandar, sa kani-kanilang parents, lalo na sa parents ni Iyya for giving their blessings, at s’yempre sa fans n’ya na rin for their support.

Nagpasalamat din s’ya kay Iyya sa pag dating nito sa buhay n’ya. 

“And to you, baby, for coming with me. Alam mo naman na nasabi ko na sa’yo ’to. Maraming maraming salamat sa pagsama at pagtanggap sa akin sa buhay mo. Thank you so much. Siguro ako na ’yong isa sa pinakamasasayang tao ngayon sa mundo at sa mga darating pa na araw. Thank you for letting me in to your life,” pagtatapos ni Jairus.

Panoorin ang kabuuan ng romantic “she said yes” moment ng magkasintahan na ngayong sina Jairus at Iyya dito:

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.