Jaclyn Jose, humingi ng tawad sa pagtawag kay Vivian Velez na “piece of sh*t”; Vivian, tinabla si Jaclyn at tinawag naman na “toxic friend.”

PHOTOS: @jaclyn.jose (L) & @FilmAcademyPhil (R) on Facebook

PHOTOS: @jaclyn.jose (L) & @FilmAcademyPhil (R) on Facebook

Nag-sorry ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose sa kapwa niya beteranang aktres na si Vivian Velez matapos siyang magpaulan ng masasakit na salita sa comment section ng Facebook post ng huli. 

Nag-ugat ang lahat sa nag-viral kamakailan na video ng isa pang aktres na si Pinky Amador na nakuhanan habang nanggagalaiti ito sa mga staff ng condo-tel na kanyang tinutuluyan.

Ayon sa TV, movie at stage actress na si Pinky Amador, ginawa raw kasing quarantine facility para sa mga returning OFWs na pawang mga  Persons Under Monitoring [PUMs] sa COVID-19 ang kaniyang tinitirhang condo-tel sa Makati nang hindi umaano sila in-inform ng building management ahead of time. 

Sa video, nagtaas ng boses ang aktres at nabulyawan niya ang mga staff ng condo-tel ng mga below-the-belt na salita dahil tatlong linggo na umano siyang humihingi ng memo mula sa condo mga administrators pero hindi pa rin nagpapadala anv mga ito.

At dahil nga nag-viral ang video, umani ito ng samu't saring reaction mula sa netizens.

May mga sumuporta kay Pinky dahil nauunawan nila ang hinaing nito hinggil sa sarili nitong kaligtasan. 

Mayroon din namang kumontra sa na-beast mode na aktres at kinastigo s'ya sa kanyang pagwawala sa reception ng tinutuluyang condo-tel. 

Isa na nga sa mga kumastigo kay Pinky ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose na tinawag pang "racist" at  "piece of sh*t" si Pinky sa kanyang Instagram post last June 8.

Ani pa ni Jaclyn, kaya umano wala nang nagtitiwala sa mga gaya nilang artista ay dahil sa pinakitang magaspang na pag-uugali ni Pinky. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose) on

Last June 8 din, ni-repost naman ni actress-businesswoman Vivian Velez—who is also the current Director General of the Film Academy of the Philippines—ang official statement ni Pinky Amador sa kanyang Facebook account. Kaparehas lang ito ng nauna nang nai-post sa Instagram account ng talent manager na si Arnold Vegafria on June 7. 

 

From Arnold Vegafria... Last Friday, June 5, my resident artist, the talented and multi-awarded theater, TV and movie...

Posted by Vivian Velez on Sunday, June 7, 2020

Base sa mga comments ng followers ng page ni Vivian, mas nakararami ang sumuporta at umunawa sa pinangagalingan ng himutok ni Pinky.

Out of the blue ay naki-comment ang aktres na si Jaclyn Jose.

Dito ay muli n'yang binatikos si Pinky sa inasal nito sa nakunang video. Binuweltahan din ni Jaclyn ang mga commenters na sumusuporta kay Pinky.

"Talaga?" sarkastikong panimula ni Jaclyn sa unang comment niya. “Ang nakita nio rage? Of what? Regardless she lambasted minura sinigawan minura na pa ulit ulit nilambast pagkatao na nag treath- 'sa[s]aktan kita lumabas ka jan p.i ka,' at paulit ulit?

"May pamilya yung tao..may anak asawa kamag anak ..ano gusto nio dabihin sa kanila?...napakalupit nio..ano tayo sa kanila ng gutom at pandemya?” 

Kalaunan, maging ang nag-repost ng statement ni Pinky na si Vivian ay nakatikim din ng maaanghang na salita mula kay Jaclyn. 

"Wala kayo pinag kaiba sa mha hudyo..hinahangaan kita ms Velez but not this time you little piece of shit!"

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on Facebook

Pinatutsadahan din ng premyadong aktres si Vivian dahil sa tila pagkampi pa daw nito mali.

"Ang akala ko ko kakampi ka .ang kakampi sumasang ayon sa tama..yung pacific plaza Makati tumatanggap  talagaga ofw pero d ibig sabihin lahat sila may covid..

"[Y]ung hinihingi ni ms amador valid circular...but you need to understand kaka tanggal lang ecq..at etong pinag mumura nia d natin alam kung ano side? 

"Like kung new employee or dati na. kung dati na d pa nila siyempre alam protocol condo tel.  

"Ang sa akin lang makatao approach at pakinggangan ang mga tao involve na sa pagka alam ko bago kumpanya dapat yung head or manager ang pinuntahan nia.."

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on Facebook

Pagpapatuloy pa ni Jaclyn: "Gusto mo ba sabihin la ka pakialam kung bago o datihan? E d mag punta ka U.S dadamay mo pa mga inosente..

"[Y]ou are saying that our system is wrong, rigth ..yes.but not this time na ang lahat is trying to be human
.except you! 

"You are descriminating our lo class citizen .you racist...think ?! About your children.”

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on Facebook

Inungkat din ang aktress ang pananakot diumano ni Pinky sa mga staff ng condo-tel. At pinapa-intindi niya kay Vivian na karapatang ng mga staff ng condo-tel na gawin iyon dahil at that moment ay may mga threats din diumano si Pinky. Kung hindi raw ito maunawaan ni Vivian ay nangangahulugan lang na nagpapanggap umano itong “elite.” 

"Vivian my rigth yung tao na mag record kasi nag salita Amador ng  ‘masasaktan kita lumabas ka jan’ at mura na d ko kaya tanngapin..

"[K]ailangan nia i secure kasi may treath from Amador na kahit guard sinabihan nia ns ‘p.i at sasapakin kita.’

"[T]he threat id verry clear ako man i record ko..kasi parang nasisiraan na ng pag katao ..nakikita mo ba sa video na d na alam gagawin? 

"Alumpihihit na yung mga tao..wag ka na makialam ok na e lumalabas tuloy mo sa pag papanggap ng elite"

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on Facebook

Dagdag pa ng aktres: "Ipakita natin yung pinag lalaban .sisirain mo sa isang tao? Just saying..wag tayo mag watak watak la na talaga.juice ko pinky amador sira lahat? Bahala ka."

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on Facebook

Hindi naman direktang sinagot ni Vivian ang patutsada at litanya ni Jaclyn sa comment section ng kanyang FB post. 

Bagkus ay nag-comment pa siya na baka raw hacker ang nagsasalita using Jaclyn’s name. Style hacker daw kasi ang dating. 

"Ganito ang ginagawa ng mga hackers... this is not Jaclyn Jose," ani ni Vivian.

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on Facebook

Bagamat sa sa follow up comment ay nagbabala na siya: "Anyone is allowed to voice out their opinion on my wall but you cannot call me a piece of shit because I am not... assholes like this one need a 'Pinky' [pointing finger emoji]."

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on Facebook

Matapos ang pangyayari ay humingi ng paumanhin si Jaclyn, via her own Instagram page, sa mga nasabi n'ya kay Vivian at inamin nito ang kanyang pagkakamali. 

"To Ms.Vivian Velez i am sorry for what i have said in your wall.." the actress wrote on IG that same day, June 8. "[I] know what kind of a person you are, ddnt mean to lambast you.mali ako.you are a friend, a family friend for that matter..again i apologize."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose) on

However, sa kanyang mahabang Facebook post kahapon, June 10, in-acknowledge ni Vivian ang pagso-sorry ng beteranang aktres pero hindi n'ya umano ito tinanggap.  Bukod raw kasi na half-hearted ang apology nito ay aminado rin si Vivian na labis siyang nasaktan sa pagda-down sa kanya in public ng isa umanong itinuturing na niyang pamilya.

"Jane, I do not accept your apology because you deliberately made sure that I will get hurt by your accusations and false witness about my person," pahayag ni Vivian sa kanyang FB post while addressing Jaclyn Jose by her real name.

Nagbigay-payo at pahaging din s'ya sa kanyang fellow actress na huwag makisawsaw sa issue ng iba lalo na kung nasa ilalim ng impluwensya …

 

In the past days I have been burdened with a predicament of "damn if you do, damn if you don't" decision and it's been...

Posted by Vivian Velez on Wednesday, June 10, 2020

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.