Iza Calzado, naiyak nang maalala ang late father niyang si Lito Calzado sa muling pagtapak niya sa GMA Network

Nangako si Iza Calzado sa mga namayapa n’yang magulang na sisikapin n’yang maging best parent para sa anak niyang si Baby Deia.

PHOTOS: GMA Network

Nangako si Iza Calzado sa mga namayapa n’yang magulang na sisikapin n’yang maging best parent para sa anak niyang si Baby Deia.

Hindi naiwasang maging emosyonal ng magaling na aktres na si Iza Calzado sa muling pagtapak n’ya sa GMA Network.

Sumalang kasi s’ya sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong araw, November 14, kung saan kasisimula pa lang ng tsikahan nila ni Tito Boy ay naiyak na kaagad s’ya.

Kinumusta kasi ng TV host ang naging muling pagtapak n’ya sa Kapuso network after 12 years at doon nga ay naging emosyonal ang aktres.

“Actually, Tito Boy, pagpasok ko akala ko I will be sentimental kasi, of course, pagbabalik ko,” lahad ni Iza sa show.

Kasunod nito ay ang pahayag n’ya na bigla n’ya raw na-miss ang kanyang late father, ang dating aktor at direktor na si Direk Lito Calzado na sumakabilang buhay noong 2011.

Pero ang unang-unang naisip ko nu’ng… Kasi nagpa-picture ako doon sa may statue. Tumingin ako sa gazebo. Na-miss ko ’yong tatay ko,” naiiyak na sabi n’ya.

Kasi laman s’ya noon, e. Kung nakatrabaho n’yo ang tatay ko dito, nagsisigarilyo ’yon, nakatambay,” pagpapatuloy n’ya.

“And somehow, I guess, I visualized him greeting me with a warmest smile.”

At dahil hindi na n’ya kinaya ang bigat ng kanyang mga luha, nanghingi na s’ya ng tissue paper. 

“Pahingi nga ng tissue. Kaya ko ba ito? Maitatawid ko pa ba [ang interview] in 20 minutes?” natatawa habang lumuluhang sabi ni Iza.

Masaya raw ang aktres na muli s’yang nakabisita sa TV station kung saan s’ya nagsimula. 

“So much has changed but also so many things are still the same,” paglalarawan pa n’ya sa network na iniwan n’ya noon sa kung ano na ito sa pagbisita n’ya ngayon. 

“And for me, the love that I have for people in this business, irregardless of which station you’re from, basta’t nakatrabaho kita and you made an impact in my life, s’yempre, hindi ako nakakalimot even if you think nakalimot ako. Hindi ako nakakalimot,” pagtitiyak pa ng multi-awarded actress.

Going back to her late parents, natanong din s’ya ni Tito Boy kung ano ang pangako n’ya sa mga ito ngayong isa na rin s’yang magulang ngayon.

Hindi lamang sa kanila, sa anak ko [rin]. There’s a quote na parang ‘Become the person that your child will be proud of.’ And I guess, Deia has done that for me,” saad ni Iza. 

“I have a lot of moments in my life that I’m not proud of. Pero pagsusumikapan kong maging isang karapat-dapat na… Kumabaga, respetuhin n’ya, tingalain at mahalin,” pagpapatuloy n’ya.

’Yon ang promise ko sa mga magulang ko, na I will do my best to be the best parent to my child,” pangako ng aktres.

Ayon pa sa kanya, nakikita raw n’ya ang mga magulang n’ya sa tuwing tititigan n’ya ang unica hija nila ng mister n’yang si Ben Wintle.

“Actually, when I think of Deia, legacy ’yon ng pamilya namin, e. In her, I see my ancestors, my mother and my father,” aniya. 

“And hopefully one day, I may no longer be around and she has children, and may she may feel that as well in the same way I feel,” naiiyak na namang sabi n’ya.

Nakuha raw kasi ng anak n’ya ang physical features ng yumao n’yang ama.

Talaga, pag tinitingnan ko ang anak ko, nakikita ko ang tatay ko. Hindi ko alam kung dahil kalbo din s’ya at saka, you know, medyo malaman,” natutuwang sabi pa n’ya.

At dahil nag-e-enjoy si Iza sa role n’ya bilang ina, natanong pa s’ya ni Tito Boy sa “Fast Talk” segment kung open ba s’ya na masundan si Deia. 

“Open, oo,”  sagot n’ya.

E, open naman kaya s’ya na magkaroon muli ng show sa GMA?

“Hahaha! Oo, bakit hindi?” masayang tugon ng aktres.

However, wala pa s’yang maisagot kundi ‘Abangan’ nang matanong s’ya kung may chance ba na mapanood s’ya sa upcoming fantasy series na Sang’gre.

Pero ang sigurado, mapapanood si Iza sa horror movie na Shake, Rattle, and Roll Extreme simula November 29 in cinemas nationwide.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Baby Deia Amihan ni Iza Calzado, namana ang pagiging “sang’gre” n’ya

​​​​​Iza Calzado pens heartwarming message to daughter Deia explaining the significance of her “Darna” Halloween costume

Iza Calzado sa transition into a first-time mom: "Hindi siya madali."

Pika's Pick: Iza Calzado introduces three-month-old daughter, Deia Amihan Calzado Wintle, to the world.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.