Binasag na ni Ivana Alawi ang kanyang pananahimik. Naglabas na ang sexy actress/vlogger sa kanyang Instagram story at Facebook ng kanyang statement tungkol sa mga ispekulasyon sa diumano’y relasyon nila ng Bacolod City mayor at movie/film producer na si Albee Benitez.
Nagsimula ang isyu sa mga blind items linking an actress to a politician at ang mga clue ay tila tumutukoy sa dalawa. Tahasan ding sila ang hula ng mga netizens.
Dahil dito, nauna nang naglabas ng kanyang statement ang businessman/politician kung saan sinabi niyang natural lamang sa propesyon niya bilang film at TV producer na nakakasalalamuha ang maraming artista. Nakikiusap siyang respetuhin ang kanyang privacy.
"As for recent personal matters, I kindly request understanding and respect for privacy to shield all innocent parties involved. In my private capacity as a film and TV program producer, my professional interaction with various celebrities is inherent to the nature of the business.
"At this moment, my primary focus is on safeguarding the interests of Bacolod City."
Ngunit hindi humupa ang mga haka-haka dahil kasunod noon ay ang pagba-viral ng isang maikling video na kuha umano sa isang airport sa Japan. Sa video, makikitang nagkasabay sa pila ang dalawang entities—isang babae at isang lalaki. Nauna sa pila ang babae at maya-maya ay may nakatabi itong lalaki.
At dahil pinangalanan ng uploader na sina Ivana at Mayor Albee umano ang mga ito, kaya lalong nadagddagan ang mga ispekulasyon na umano’y may relasyon ang dalawa.
Samu't-saring pamba-bash ang inabot ni Ivana. Nandiyang kesyo "kabit" ito at "homewrecker."
May mga komento rin na mayaman na naman daw, bakit kailangan pang pumatol sa isang mayamang pulitiko na may asawa?
May pahapyaw na sagot s Ivana sa mga akusasyong ito sa kanyang nauna nang IG Story at Instagram post, kung saan sinabi niyang: “I can buy myself flowers.”
Pero ilang oras bago matapos ang Chinese New Year, February 10, ay tinuldukan na rin ni Ivana ang isyu. Naglabas na ito ng kanyang official statement to address the false accusations. Doon ay mariin niyang itinanggi na may relasyon sila ni Mayor Albee.
Aniya, hindi lang ang Bacolod mayor ang nakikilala niyang pulitiko. At bagamat nababaitan siya dito, tahasan niyang sinabi na hindi siya ang girlfriend nito.
“There are posts and issue involving my name.
“I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama.
“But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay.
“This will be the first and the last time na magsasalita ako tungkol dito.
“HINDI PO AKO ANG NASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez.
“I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang sya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan.”
Inamin na rin ni Ivana na may dine-date siya ngayon. Pero hindi raw ito pulitiko—tulad din ng matagal nang naiintriga sa kanya—kung hindi isang businessman.
“I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a politician.
“Sana this helps clear my name and clarify all rumors.
“Maraming salamat.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber