Ivana Alawi, muling namigay ng ayuda

“This is my own small way of celebrating a milestone of 13 million with you guys. Gusto ko, ma-inspire rin kayo to help out in your own small way. Hindi naman kailangang mamigay nang marami. Hindi rin naman kailangang magluto ka nang marami. Importante lang, galing sa puso mo.”

Photos: @ivanaalawi

“This is my own small way of celebrating a milestone of 13 million with you guys. Gusto ko, ma-inspire rin kayo to help out in your own small way. Hindi naman kailangang mamigay nang marami. Hindi rin naman kailangang magluto ka nang marami. Importante lang, galing sa puso mo.”

Ibang klase ang sexy actress na si Ivana Alawi!

Sa loob lang ng mahigit isang taon, ang kanyang YouTube channel ay meron ng 13.3  million subscribers.

Ang unang vlog entry ni Ivana sa kanyang YouTube Channel ay na-upload noong September 2019. At sa lahat ng videos niya, ang pinaka-sikat talaga at palaging naalala ng netizens—at siya rin may pinaka-maraming views—ay ang “A Day in My Life” vlog niya kung saan naglaba siya ng walang suot na bra. Humamig na ito ng 27 million views sa loob ng mahigit isang taon.

Sa ngayon, masasabing si Ivana ang may pinaka-maraming YouTube subscribers sa hanay ng mga artista.

At sa recent vlog niya, entitled “Share the Love,” nagpasalamat ang Kapamilya star sa mga tumatangkilik ng YouTube Channel niya at ipinagdiwang nito ang pagkakaroon ng 13.3 million subscribers. 

And by way of thanking her subscribers, namahagi si Ivana ng biyaya sa 1,300 katao sa Metro Manila. Nagluto siya ng ‘Adobo at pancit ala Ivana Alawi’ at kasama noon ay tig-isang libong piso with matching grocery-filled bags ang mga ipinamigay niya.

Habang tumatagal nga ang vlog ni Ivana, mas nakikilala at minamahal na siya ng netizens. Hindi lang kasi ganda at kaseksihan na napapanood sa kanyang vlog, kundi nakikita rin dito kung gaano siya ka-matulungin at ka-mapagkawang-gawa.

Pero ani Ivana sa kanyang latest vlog entry, na in-upload last June 6, hanggang ngayon daw ay parang hindi pa rin siya makapaniwalang may mahigit 13 million na siyang taga-subaybay.

“Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala, sobrang  bilis ng mga pangyayari,” masayang tsika niya sa vlog. “Hindi yata ako nakapag-celebrate ng 12 million, pero ito kasi, pinaghandaan ko talaga. Saka ilang buwan ko na rin nire-ready ’yung mga ipapamigay.

“Feeling ko, mga two days kami magga-ganito. Kasi usually, inaabot kami ng dalawang araw sa pagre-repack.”

Dagdag pa niya: “Ang target natin ngayon ay mga 1,300 bags to give-away sa mga nangangailangan sa mga tao dito sa Manila and also, magpapadala rin tayo out of Manila.”

Sa halip na engrandeng selebrasyon, mas naisip daw ni Ivana na ipantulong na lang niya ang gagastahin sa mga nangangailangan.

“Kailangan mong maging practical ngayong pandemic,” saad niya.

At yun nga, hindi lang siya nag-repack ng groceries, nagluto rin siya ng pancit sa unang araw para sa 650 na katao; at adobo sa ikalawang araw para sa another 650 na katao pa rin.

“This is my own small way of celebrating a milestone of 13 million with you guys,” ani pa niya. 

“Gusto ko, ma-inspire rin kayo to help out in your own small way. Hindi naman kailangang mamigay nang marami. Hindi rin naman kailangang magluto ka nang marami. 

“Importante lang, galing sa puso mo.”

Nabanggit din ni Ivana na ang kapatid niyang si Mona Alawi, na gustong-guto ang pagre-repac k, ay hindi nila makakasama this time dahil nagpapahinga raw ito. Kasalukuyan kasing maysakit ang young star

“Si Moana, nagpapahinga. Gustong-gusto niyang sumali sa mga repacking ko. Kung nakikita n’yo dati, palagi siyang present. Pero ngayon, nagpapagaling pa siya.”

Sa huling vlog ni Ivana bago ang “Share The Love” ay nakasama nito si Mona at nakuwento nga nila ang pagkakaroon ng bunsong kapatid ng Type 1 diabetes.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ivana Alawi, nag-walk out sa ka-date noon dahil “ang sama ng ugali.”

Ivana Alawi, naranasang matalakan ng isang batikang ABS-CBN TV host sa harap ng ibang artista

Pauleen Luna on her fitness journey: “Not doing this for my husband’s attention or for any guy’s for that matter.”

Ejay Falcon, mag-o-ober da bakod na rin sa GMA-7?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.