Nagpalitan ng masasakit na salita sa social media ang mga beteranang aktres na sina Vivian Velez at Isabel Rivas kaungnay sa pagbasura ng kongreso sa application ng ABS-CBN para broadcast franchise nito.
Nito kasing Biyernes, July 10, 70 na mga mambabatas ang bomoto ng "yes" sa panukala ng komite na huwag nang bigyan ng prangkisa ang Kapamilya network habang 11 lamang ang bomoto ng pabor dito.
Isa nga si Vivian—ang kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines at kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte—sa mga nagsaya matapos bigong makuha ng media giant ang kailangang boto para payagan silang makapag-air muli gamit ang channel 2 frequency.
Sa kanyang Facebook on the same day, July 10, sunod-sunod na nagpost si Vivian ng pasasalamat sa congress.
Thank you Congress. You did good for the country 🇵🇭 👊
Posted by Vivian Velez on Friday, July 10, 2020
Today... 🇵🇭 We made history! 70 - 11
Posted by Vivian Velez on Friday, July 10, 2020
"The Lord gave and the Lord has taken away; may the name of the Lord be praised” (Job 1:20)
Posted by Vivian Velez on Friday, July 10, 2020
Hanggang kinabukasan, July 11, pinapurihan muli ng beteranang aktres ang 70 na mambabatas sa kanilang pagboto kontra sa ABS-CBN.
The rule of the majority. That's how democracy works. Thank you to the magnificent 70 for connecting the dots. #bestofCongress
Posted by Vivian Velez on Friday, July 10, 2020
Maging ang statement ni opposition senator Risa Hontiveros sa sinabi nitong "Maniningil ang Kasaysayan" ay tinabla rin ni Velez at sinabing: "The day of reckoning has arrived! Naningil na ang kasaysayan kahapon..."
The day of reckoning has arrived! Naningil na ang kasaysayan kahapon... #seventyeleven
Posted by Vivian Velez on Friday, July 10, 2020
Hindi ikinatuwa ng kapwa beteranang aktres na si Isabel Rivas ang mga naging pahayag ni Vivian sa social media.
Sa kanyang Facebook post last July 11, kung saan ni-repost niya ang post ni Vivian, ay tinawag ni Isabel na "walang kwentang tao" at "no brains" ang former sexy-drama actress.
"[W]alang kwentang tao talaga ito, sexy ka lang nung araw pero no brains ka talaga...," panimula ni Isabel sa kanyang post.
Tinawag n'ya rin ang beteranang aktres na "walang kahihiyan" ngayong masaya ito habang nagdurusa ang mga naging kasamahan nito sa industriya kung saan ito nagmula.
"[N]anaba na lang sana utak mo ng may natira ka pang industriya na rerespeto sa'yo...adding insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan..."
At sa hugot ni Isabel tila meron na silang mga hindi magandang pinagsamahan ni Vivian noon.
"[I]ngrata!!!" pagpapatuloy n'ya. "45 years kitang kilala, akala ko ako lang aapihin mo, hindi mo pala alam salitang kaibigan noh!!!"
Dagdag pa ng aktres: "True Character on display here vivian velez...emphaty man lang sana natutunan mo!!"
Sa kanya namang Facebook post nagpasaring naman si Vivian sa isang tinawag niya lamang na “dating ingiterang actress friend.”
"Dating 'ingiterang' actress friend, putak ng putak at minumura ako dahil DDS daw ako," tila pagsusumbong ni Vivian sa kanyang post.
Tanong pa n'ya: "Tumitira ka pa rin palaka? #maTOKHANGkaSANA"
Dating 'ingiterang' actress friend, putak ng putak at minumura ako dahil DDS daw ako. Tumitira ka pa rin palaka? #maTOKHANGkaSANA
Posted by Vivian Velez on Saturday, July 11, 2020
Samantala, naging masipag si Isabel sa pagre-repost ng mga naging report tungkol sa online debacle nila sa kanyang Facebook page.
At ia isang comment ay muli siyang patanong na nagpa-tutsada na: “Should she be the peaceful bridge of the gov to its people? Bakit ganun naging ugali nya?”
Hanggang ngayon umano ay hindi mawari ni Isabel kung paano nakuhang magsaya ni Vivian sa misery ng iba lalo pa’t taga-showbiz din naman ito.
Parehong naging sexy-drama stars sina Isabel at Vivian noong araw at pareho ding napabilang sa ilang teleserye ng Kapamilya Network.