Bumilang ng ilang segundo bago nasagot ng beteranang aktres na si Isabel Rivas ang tanong na: How’s Dennis?
Napa-hinga muna siya nang malalim bago niya inaming hindi niya alam sagutin ang tanong.
“Hindi ko alam sagutin...He’s okay and he’s not okay...” lahad ni Isabel sa exclusive interview namin sa kanya sa This is Showbiz.
“You can never be okay if you’re in a place like that. But he’s fighting to be okay, to be healthy, to be strong...”
Ang Dennis na tinutukoy namin ay ang dating baskeball star, aktor at QC congressman na si Dennis Roldan. Si Dennis—who is Mitchell Gumabao off screen—ay nakatatandang kapatid ng aktres. Siya rin ang ama ng mga celebrities na sina Marco Gumabao, Michele Gumabao, at ang baguhang si Paolo Gumabao.
Naliko ang buhay matapos masangkot at mapatunayang guilty sa isang kidnapping case noong 2005. Taong 2014 nang mahatulan siya ng life imprisonment na bagama’t inapela ay binigyan pa rin ng parehong hatol ng Court of Appeals noong 2018.
Ani Isabel, ito na lamang ang natitirang tinik sa dibdib niya dahil as far as she is concerned, maayos na maayos ang personal niyang buhay. Happily single for several years at masayang nang-i-spoil nalang ng kanyang dalawang apo—(na madadagdagan pa ng isa soon)—courtesy of only son Richard at ng misis nitong aktres na si Nadine Samonte.
But through the years ay natutunan na raw niyang tanggapin ang sinapit na kapalarang ng kapatid na itinuturing niyang closest sa kanya.
“Pero alam mo natuto na rin ako kasi noong araw emotional na emotional ako, e,” sambit ni Isabel. “Parang isang maliit na problema o isang malaking problema, parang ’yon na ang mundo mo.
“Ngayon kasi I’ve learned to let go, I’ve learned na, of course masakit na masakit, pero binawabi ko na lang sa ano’ng mapapadala ko? Ano’ng p’wede niyang kainin? Meron kaming regular na ganu’n. We can only do so much for now.”
Pre-pandemic daw kasi ang dumadalaw siya kay Dennis every Sunday—religiously.
“Pag hindi ka nagpunta ng Sunday doon maraming say,” pabirong tsika niya sa “tampo” ng kapatid. “At saka talagang s’yempre naman, pupuntahan mo.”
Sa pagbabalik-tanaw, natanong namin ni kasamang Butch Francisco kung nakuha ba niyang awayin o sumbatan o kuwestiyunin si Dennis noong mga panahong iyon?
“Hindi...hindi,” madiing iling ng aktres. “Alam ko pagkakamali, e. Alam ko. You know? How can you ask somebody who’s intelligent, who has reached the peak of his career, naging congressman...how can you ask that? Alam mong nasabit siya, e.”
Instead, tinanggap nalang niya ang katotohanan at sinuportahan ito sa abot ng kaya niya.
“Parang kaibigan mo di ba, pag nasabit na, hindi ka na magtatanong. You just support, you just carry on.”
Maski ang mga anak raw ni Dennis ay ganoon na rin ang naging pananaw. They all had to live with the fact.
“S’yempre may mga lamat yan,” pagpapaka-totoo ng aktres. “All of us, lahat kami may lamat because of that. Pero we learned to live with it. We survive. Kailangan kang mag-survive, e. Kailangan mong in the midst of pain and hardship, kailangan may balance ka na, ‘Uy, kailangan sane ka pa rin.’ Diba?
“Kasi ang dali-daling mag-insane insane-nan pagka masyado nang mabigat ’yong dala-dala mo. Pero it’s more challenging to say we will get by, we will overcome. And I know we will overcome. Alam ko that’s not the ending of my brother. Hindi yan ang ending niya. Bigger than that.”
Namo-monitor naman daw ni Dennis ang mga anak maski naka-kulong ito at masaya umano sa naabot ng bawa’t isa sa kani-kanilang piniling career.
Ang speaking of mga anak, tila interesado daw ang magkakapatid na Gumabao, led by Marco and Michele na i-revive in the future ang Zambales farm ng kanilang tatay na halos katabi lang noong Paradise Farm niya.
Kay Dennis kine-credit ni Isabel ang pagkakaroon ng foresight na subukan ang farming noong 80s. Ito raw ang humikayat sa kanya na bumili sila ng lote sa Zambales, kung saan lumaki si Isabel as an adopted daughter ng kanyang mga spinster aunts.
Nag-tig-isa raw sila and while naalagaan ni Isabel ang kanyang mango farm ay na-tengga ang kay Dennis. Ikinatutuwa ni Isabel na nagpapahayag ng interes ang mga anak ni Dennis para daw maging magkakapit-bahay (or farm) ang magpipinsan—ang anak niya at sila Marco.
“So, I think in due time,” ani Isabel. “Hindi lang nila kaya ngayon dahil bising-bisi sila [Marco, Michelle, and others]...nag-uumpisa palang sa mga career at buhay nila, e.
“But in time, sila-sila din nila Richard [her son]...sila-silang magpipinsan ang magkakasama doon.”
YOU MAY ALSO LIKE:
This is Showbiz #38: Isabel Rivas, nagpa-uso ng farming sa showbiz; Bea Alonzo, tinulungan
Isabel Rivas at Nadine Samonte, #relationshipgoals ang pagiging mag-in-laws
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber