Isabel Rivas, nananawagan ng dasal para sa umano'y dinukot niyang kaibigan na si Azenith Briones

Nakiusap si Isabel Rivas sa pamilya ni Azenith Briones na tumulong sa paghahanap ngayong nawawala ito at napabalitang dinukot umano. “I plead to her family to pls help us find or just see her as we all know how devastated she must be at this time," pagsusumamo niya.

Photos: @isabelrivasfarmgirl / Facebook

Nakiusap si Isabel Rivas sa pamilya ni Azenith Briones na tumulong sa paghahanap ngayong nawawala ito at napabalitang dinukot umano. “I plead to her family to pls help us find or just see her as we all know how devastated she must be at this time," pagsusumamo niya.

Nananawagan ng tulong at dasal ngayon ang veteran actress na si Isabel Rivas para sa aktres at kaibigan niyang si Azenith Briones.

Idinaan niya ito sa kanyang Facebook post kagabi, November 17, matapos umano niyang mapag-alaman na nawawala ang aktres dahil may dumukot umano dito. 

"Friends: I just want to inform everyone that I am looking for my dear friend Azenith Briones who was abducted & up to this time we cannot find. It all started when I saw this post on my wall," panimulang lahad ni Isabel sa kanyang post kalakip ang screenshot photo ng isang FB post mula sa nagngangalang Paul Macasiano.

Nakasaad doon ang panawagan nito sa awtoridad na hanapin ang aktres na si Azenith matapos umano itong tangayin ng apat na hindi nakikilalang lalaki four days ago. 

Sinabi rin nito na may alitan umano sa pagitan ng aktres at ilan sa anak nito. Lumala umano ito nang mag-withdraw daw ang mga ito ng P4 million sa bank account niya nang hindi nagpapaalam sa kanya.

Gusto na rin umanong makuha ng mga anak nito ang mana nila kahit na buhay at malakas pa ang aktres. 

Dahil sa pagkawala ni Azenith, nakipag-uganayan na daw si Isabel sa mga awtoridad para mahanap ang kaibigan. 

"I have talked to the proper authorities & we her friends will do everything we can to get her out where they are keeping her," ani Isabel.

Dinepensahan din niya ang kaibigan laban sa mga negatibong haka-haka tungkol dito. Pero sinabi niya na totoong may pinagdadaanan itong isyu sa kanilang pamilya. 

"She is not an addict, not alcoholic, not addicted to gambling & definitely not mentally challenged nor crazy as others claim. She is in her best state at 67 years young but yes she’s going thru heartbreak’s bcuz of family issues," ani Isabel.

"May God protect her wherever they are hiding her, give her strength & hope. May our authorities help Azenith Briones in her time of need," dasal pa niya.

Aniya pa, hindi rin umano tapos ang pagluluksa nito sa pagpanaw ng mister.

"This is one of her lowest times after her husband died trapped in a casino years ago. No mother deserves to be treated like this," saad niya.

Nakiusap din siya sa pamilya ni Azenith na sana ay tumulong sa paghahanap dito. 

"I plead to her family to pls help us find or just see her as we all know how devastated she must be at this time," pagsusumamo niya.

Humiling din siya sa kanyang online friends and followers na ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang kaibigan.

"Pls let’s all pray for Azi as I fondly call her for us to see her [Anxious face with sweat, three folded hands, red heart emojis] amen Jesus Christ we lift her up To You Lord God… amen FYI… her FB was taken down too [Face holding back tears emoji," pagtatapos niya. 

Si Azenith ay sumikat noong 80s. Napanood siya sa mga pelikulang Tatak Magnum (1984), Burning Power (1985), Temptation Island (2011), at iba pa.

Huli siyang nakasalamuha ng mga taga-showbiz noong lamay ng namayapang manunulat na si Ethel Ramos noong September.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.